"Chapter 49: Paalam Sayo"

768 43 3
                                    

"Arisu's POV"

-Girls dressing room-

Habang nagpapalit kami ng uniform work ni Jhe kinausap ko siya para sabihin sa kanya na gusto kong pumunta talaga sila sa school festival namin. Umuo naman siya.

Matapos kong makapagpalit, nauna na akong lumabas sa kanya.

Napatingin ako sa boys dressing room at nakita kong binuksan ni Koutaro ang pinto. Bago pa siya lumabas ay dali-dali akong pumunta sa harap niya at nagulat siya sa ginawa kong pagsulpot.

"Grabe ka talaga Arisu. Bakit ba hilig-hilig mong manggulat?" sabi niya, pagkatapos tuluyan na siyang lumabas sa pinto.

Sumunod ako sa likuran niya, hinarap niya ako na nakataas kilay siya. Humahakbang ako sa kanya at napapaatras naman siya hanggang sa mainsandal ang kanyang likod sa pader.

Nakipagtitigan ako sa kanyang mata..

"B-bakit Arisu?" tanong niya

Hindi ko siya sinagot. Basta tinitigan ko lang siya ng husto.

Maya-maya, napansin kong sumunod na lumabas si Kurt Sha sa dressing room. Oo, alam kong siya iyon kahit hindi ako lumingon, ganyan ako kagaling.

Palapit na siya samin ni Koutaro at nahalata ko sa kanya na parang dadaanan lang niya kaming dalawa kaya bago pa niya kami malagpasan tinaas ko ang isang paa ko para itisod siya.

Yun nga, natisod ko siya..

"Whoah! Muntikan na akong madapa aah. Problema ng buhay mo Arisu?" seryosong sambit niya

Bumungisngis naman si Koutaro.

Sumunod narin na lumapit sina Aikee at Jhe samin.

"Arisu, okay ka lang ba?" tanong ni Jhe

Nilingon ko siya para ipakita ang pagtango ko sa kanya, pagkatapos tinalikuran ko si Koutaro para humarap sa kanila at magsalita.

"Lastweek sinabi ko sa inyong lahat na school festival namin."

"Oo niyaya mo pa kaming pumunta." ngiting sabi ni Aikee

Muli akong nagsalita, "Bukas na mag-uumpisa ang school festival namin. Pumunta kayo. Maghihintay ako."

Narinig ko namang nagsalita si Koutaro mula sa likuran ko, "Naku Arisu hindi ako makakapunta. Sigurado nyan kahit si Fia hindi niya magagawa kasi mahirap ang buhay college para umabsent makapunta lang dyan. Kung kayong mga high school pwede niyo pang gawin yan."

Tinalikuran ko ang iba. Humarap ako kay Koutaro upang matitigan ulit siya sa mata.

Nagsalita siya habang tumatawa, "Hehehe.. grabe ka talaga Arisu, titigan mo ulit ako ng ganyan sa mata haha!"

"Bukas na mag-uumpisa ang school festival namin. Pumunta kayo. Maghihintay ako." inulit ko ang sinabi ko

Nagkamot ulo siya, "Bakit kung hindi ba kami makakapunta ni Fia magtatampo ka tapos babalik kana sa planetang alien para iwanan kami?" nangiti niyang sambit

Humagalpak si Aikee,

"AHAHAHAHAHA! Planetang alien talaga? Hahaha.. HEHEHEHEHE HAHAH---" naudlot siya sa pagtawa ng humarap ako sa kanya at tinitigan ko rin siya sa mata.

Nakikita ko naman kay Kurt Sha na ngumingisi-ngisi ito kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Kasi nga, ganyan ako kagaling.

"Maghihintay ako." aniya ko sa seryosong boses at saka nauna na akong umalis sa kanila.

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now