"Chapter 17: Sadako And Mage Girl"

1.1K 48 1
                                    

"Narrator's POV"

Sa wakas dumating na ang araw na pinakahihintay at pinananabikan ng mga guro at estudyante sa kanilang paaralan na Fumizuki High School. Ang School Festival, ay isang natatanging kaganapan kung saan ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento at nagtutulungan. Ito ay isang masayang oras at isang paraan upang palakasin ang interest ng mga mag-aaral sa pag-aaral at pagtutulungan ng magkakasama. Sa panahon ng pagdiriwang, ginagamit ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan sa klase upang lumikha ng mga pagtatanghal at aktibidad para masiyahan ang lahat.

**

-Yutuke Family Residence (6:48am)-

"Ma, alis na po ako. Pasok na ako sa school." pagpapaalam ni Kurt Sha sa mama niya na si Mrs. Kumiko

"Sige, anak. Mag-ingat ka."

"Okay po."

Pagkalabas ni Kurt Sha sa labas ng bahay at pati narin sa gate ay agad niya itong sinara at tumakbo ng mabilis. Bago siya lumiko sa kaliwang daan ay umusog muna siya sa tabi ng kalsada at huminto nang may dumaan na itim na kotse.

Nang ihahakbang na sana niya ang mga paa niya para ituloy ang pagtakbo ay bigla siyang natigil nang naisipan niya munang lingunin mula sa likuran niya ang nakasalubong na itim na kotse. Tinitigan niya ito ng ilang segundo at saka na siya tumakbo papuntang school.

Sa pag-alis ni Kurt Sha ay sakto naman ang paghinto ng itim na kotse sa may harap ng gate sa kanilang bahay. Pagkatapos, lumabas ang isang driver sa loob at agad nitong binuksan ang pinto sa likod ng kotse. Isang matandang lalake ang lumabas mula sa loob ng sasakyan.

Ang pangalan niya ay Yukihiro Yutuke. Siya ang papa ni Mr. Ruijin, ang biyenan ni Mrs. Kumiko at lolo naman nila Kurt Sha at Ayesha.

Pipindutin na sana ni Mr. Yutuke ang doorbell ngunit natigil siya nang makita niya ang paglabas ni Mrs. Kumiko sa loob ng bahay kasama ang bunsong anak nito na si Ayesha para ihatid sa Kindergarten school.

Napansin naman ni Mrs. Kumiko na parang may taong nakatayo sa labas ng gate nila at nagulat siya nang makita niya ang kanyang biyenan ang nakatayo doon. Agad niya itong nilapitan at binuksanan ng gate.

Nagbow siya bilang pag-galang, "Ikaw pala, papa Yukihiro. Ahm.. Bakit para yatang hindi mo sinabi na darating ka pala ngayong araw?" tanong niya

Hindi kaagad nakasagot si mr.Yutuke sa kanya nang pareho silang napalingon kay Ayesha nang marinig nila na sumigaw ito.

"LOLOOO!!" sabay takbo siya sa lolo Yukihiro niya at agad na yumakap rito

Binuhat ni Mr. Yutuke ang kanyang apo na babae at pareho silang ngumiti.

"Mabigat na ang apo ko ah. Mukhang dumadalaga na. Hay naku, apo. Huwag muna ah? Hahaha!" masayang sabi niya sa apo

"Anong dalaga, lolo?"

"Malalaman mo rin.. pero sa tamang panahon pa apo ko, Ayesha."

"Okay po.. loloooo~ hehehe."

"Hahahaha... ang ganda talaga ng apo ko."

Pagkatapos, tumingin si Mr. Yutuke sa kanyang manugang para kausapin.

"Kumiko, di ba sinabihan kita na bibisita ako dito sa bahay niyo nung mga nakaraang araw pa?"

"Opo, papa. Pero walang araw kung kailan ka darating."

"Hindi ko alam kung kailan ako pwede makapunta dito kaya wala akong binigay na araw kung kailan. Sinabi ko din yan sayo."

"Ah Oo papa, sinabi mo din yan sakin. Pasensya kana kung nabigla man ako sa pagdating mo, pero masaya ako na nakabisita kayo sa amin. Sige pa, tuloy ka. Halika na sa loob ng bahay para naman makapagpahinga ka muna."

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now