"Chapter 72: Bonding With Friends"

66 16 0
                                    

"Koutaro's POV"

May isang oras narin simula ng tinawagan ko si Kurt Sha sa cellphone niya. Hindi ko alam kung makakapunta siya dito pero sana nga para masaya at kompleto ang tropa ng mga lalaki. Pero syempre, iba parin yung buo ang tropa kapag andito rin ang mga kaibigang babae at mas masaya ang bonding ng samahan.

Sa ngayon kasama ko sila Shinsuke, Aikee at Henry. Nakaupo kaming apat sa sahig habang gamit namin ang lamesita para dun nakalagay ang alak at pulutan na pinagsasaluhan namin ngayon.

Tapos tumayo si Henry para pumunta saglit sa kusina. May iluluto lang daw siya na ulam para dagdag pulutan. Sauteed hotdogs daw iyon.

*Tok tok tok*

Habang nag-iinuman kami narinig kong may kumatok sa may pinto kaya napalingon ako dito.

Tumayo ako para lapitan ang pinto at muli siyang kumatok.

"Sino yan?" tanong ko sa taong kumakatok sa labas ng pinto at sumagot siya

"Si Kurt Sha ito."

Nang marinig ko ang pangalan niya hinawakan ko ang door lock at napatingin ako kasi hindi ito naka-lock.

Buti lang yan.. dapat lang na huwag muna siya pumasok basta-basta sa loob. Katok muna haha!

Binuksanan ko siya ng pinto at agad akong napatanong sa kanya,

"Oh brad, akala ko ba hindi kana makakapunta dito? Kasi di ka pinayagan ni Jhe."

"Pasensya na Kou pumasok na ako sa gate para dumiretso dito. Hindi na ako nakapag-doorbell pa."

"Ayos lang pero.."

"Ah yung tungkol ba sa prinsesa ko? Okay naman na pumayag na siya kaya hinatid ko muna siya sa bahay nila."

Bigla naman akong natawa..

"Hahahaha.. mukhang mahaba-habaang suyuan yata ginawa mo sa kanya mapapayag ka lang pumunta dito."

"Sus.. maliit na bagay tol hehe."

"Oh sya, halika na dito sa loob. Pasok kana." umalis ako sa harapan niya

Nang makahakbang siya ng dalawang beses bigla siyang nahinto at napansin kong sumeryoso ang mukha niya at medyo kumunot ang noo.

Sinundan ko ang tingin niya at kay Shinsuke siya nakatingin. Seryoso silang nagkatitigan na kulang nalang may linya ng kuryente sa gitna.

Biglang umiba ang aura sa loob ng bahay namin. Para bang anumang oras lilitaw sila Naruto at Sasuke para maglaban.

Hehehehehe.. pero ewan ko ba bakit parang ayoko silang seryosohin na dalawa at bahala sila sa buhay nila.

Basta ako niyaya ko lang naman sila para makasama at mag-inuman.

"Kurtieee!!" masayang sigaw ni Aikee, "Andito ka pala. Halika dito tol, mag-inoman tayo hahahaha!" sabay senyas ng isang kamay para lumapit si Kurt sa inuupuan niya

Pero hindi siya pinansin ni Kurt Sha at tumingin sakin..

"Ano ang ginagawa niya dito?" seryosong tanong niya

"Ah eh.."

"Akala ko ba sila Aikee at Henry lang ang kasama mo? Eh bakit para yatang wala dito si Henry."

"Ay hindi tol. Andito si Henry. Nasa kusina siya ngayon nagluluto."

Agad naman kaming napabaling ng tingin kay Shin ng tumayo ito at lumapit sakin.

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now