"Chapter 4: It's You Again"

1.8K 78 11
                                    

"Aikee's POV"

-Before School-

Bago ako dumiretso ng school dinaanan ko muna saglit yung restaurant na nakita namin kagabi nila Shinsuke at Kurt Sha. Gusto ko kasi malaman kung hanggang kailan sila hiring for job. Sa totoo gustong gusto ko talaga itong subukan kaso yung mga kumag ko namang tropa eh walang alam gawin kundi umangal, yung totoo pangunguntra lang ba ang alam nilang gawin sa buhay ko? Whachaw!

Imbes na umangal sila eh, bakit di na lang ako suportahan?

Sabagay, ayokong ako lang mag-isa kaya pinipilit ko rin silang umapply dito. Damay-damay na ito whahahaha!

Pagkatapos ko rin mabasa yung flyer, walang nakalagay kung hanggang kailan sila hiring. Kaya nangangamba ako na baka mahuli na ang lahat kung kailan napapayag ko na silang dalawa.

"Kung kinakailangan na pwersahan ko kayong dalawa Shin at Kurt gagawin ko talaga iyon." mahinang kong boses

Nang makarating na ako sa harap ng school ay nakita ko naman si Shinsuke na halos sabay lang kaming dalawa na dumating.

"Yo!" sabi ko sa kanya

Tinaas baba niya ang dalawang kilay niya saka siya lumapit at sabay na kaming naglakad papasok sa loob ng school building. Napansin niya na tahimik lang ako kaya nagtanong siya sakin. Sa aming tatlo na magkakaibigan ako kasi ang pinaka-makulit, maharot at madaldal sa totoo lang.

"Oh, parang tahimik ka yata?"

Umiling lang ako sa kanya habang diretso ang tingin sa inaakyatan naming hagdanan papunta sa 3rd floor sa may section namin.

Narinig ko na bumuntong hininga siya bago ulit siya magtanong sakin.

"Hays.. Yung tungkol ba sa nakita natin kagabi kaya tahimik ka dyan?"

Nang marinig ko iyon ay nauna akong humakbang ng dalawang beses paakyat at humarap sa kanya.

"Oo, tumpak! Iyon nga."

"Huwag mo sabihin sakin na hindi ka nakatulog nang dahil dyan?"

"Nakatulog naman hehe.. Napag-isipan ko kanina na bukas na bukas ay sabay tayong gumawa ng resume at aapply sa restaura---"

Pero bigla akong naudlot sa sinasabi ko. Loko lang ah, hindi pa ako tapos magsalita may umepal na agad. At least naman pinatapos muna niya sana ako. Narinig namin kasi ni Shin ang boses ni Kurt na nagsalita sa likuran niya.

"Ang aga-aga ayan na naman ang tinatopic mo, Aikee?" panunuya ni Kurt sakin

Nanliit ang mata ko sa kanya at kumunot-noo ako.

"Langyah bro! Ikaw din..! Ang aga-aga nanunuya kana agad dyan eh!"

Pero hindi na niya ako pinansin at pinagpatuloy lang niya ang pag-akyat sa hagdanan habang humihikab pa siya at kinukusot ang mga mata hanggang sa nalagpasan na niya kami ni Shin.

Pagkarating namin sa section, aminado talaga ako na masama ang loob ko sa kanilang dalawa bwahahahaha! Di ko sila pinansin at agad akong umupo sa upuan ko.

Tapos lumapit si Kurt sakin.

Sinulyapan ko siya pero hindi ito nakatingin sakin. Nakatingin ang mga mata niya sa taas ng kisame at nilagay ang isang kamay sa bulsa ng pantalon niya.

"Oy Aikee. Problema ng buhay mo?" tanong niya

Hindi ko siya sinagot. Nabubusit kasi ako sa mga kaibigan kong huhugin. Tumingin nalang ako sa mesa ko at tinitigan ito ng maigi.

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now