"Chapter 82: I'm Hurt"

42 15 0
                                    

"Kurt Sha's POV"

Pagdating ko sa tapat ng pinto ng bahay namin sinubukan kong buksan ang pinto at hindi ito naka-lock, saka ako pumasok sa loob. Nakita ko sila papa at mama na nakaupo sa sofa at pareho silang tumingin sakin.

Tumayo si mama.

"A-anak, nakauwi kana." ngumiti siya sakin na may bakas na pag-aalala sa mukha niya

Tinitigan ko lang si mama.

Lalakad na sana ako para pumunta sa taas ng kwarto ko pero natigil ako ng humakbang si mama ng dalawang beses at sunod-sunod niya akong tinanong.

"A-anak, kumain kana ba? N-nagugutom ka ba? Gusto mo ba ipaghanda kita ng makakain mo? S-sabihin mo lang ah?"

"Hindi po ako nagugutom."

"G-ganun ba? Okay ka lang ba? Mukhang masama ang pakiramdam mo."

"Pupunta na po ako sa kwarto ko."

Lumakad ako papunta sa hagdan at nang aakyat na sana ako bigla akong nahinto ng marinig ko ang boses ni papa.

"Nabalitaan na namin ng mama mo ang pag-alis ni Jhe dito sa japan. Alam na namin na bumalik na siya sa pilipinas."

Hindi ako nagsalita kay papa, basta umakyat na lang ako sa hagdan patungo sa kwarto ko.

Wala ako sa mood makipag-usap. Ang gusto ko lang mapag-isa.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ko ay napansin ko naman na bumukas ang pinto ng kwarto ng kapatid ko. Napalingon ako sa kabilang kwarto at nakita ko ang paglabas ni Ayesha, malungkot siyang nakatingin sa akin na para bang alam niya ang nangyari.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at nang tuluyan na siyang makalapit ay huminto siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko saka siya tumitig sa mga mata ko.

"Kuya, hindi na po ba babalik si ate Jhe?"

Niluhod ko ang isang tuhod ko para magkapantay ang mukha namin at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

Huminga ako ng malalim bago ko siya sagutin sa malungkot kong boses.

"Hindi ko alam."

Nakita ko na nanginginig ang labi niya at unti unting nangingilid ang mga luha niya at mabilis na pumatak ang luha sa mga mata niya.

"Sobrang mamimiss ko si ate Jhe."

Marahan ko siyang niyakap.

"Pero sigurado naman na babalik din siya. Kaya huwag kana umiyak."

Naramdaman kong tumango siya.

Nang kumalma na siya sa pag-iyak ay hinatid ko na siya sa loob ng kwarto niya. Pinahiga ko siya sa kama niya at binantayan ko muna siya habang nakaupo ako sa kama. Agad din naman siya na nakatulog dahil sa pagod niya sa pag-iyak kanina.

Pagkatapos, lumabas na ako sa kwarto niya saka dumiretso sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto nakita ko ang cellphone ko na nasa sahig at agad ko itong kinuha para buksan ang cellphone ko. In-open ko ang facebook messenger para i-check kung nabasa na ni Jhe ang mga chat ko sa kanya.

Bigla akong napaupo sa sahig at sinandal ang likod ko sa kama nang makitang naka-block na ako sa kanya.

Sobra akong napatitig ng matagal sa cellphone ko dahil hindi ako makapaniwala na hindi ko na talaga siya makakausap pa, kahit sa facebook naka-block na rin ako.

"Ayaw mo na ba talaga sa akin? Wala na ba talaga akong halaga para sayo?"

Pagkaclose ko sa facebook app, nakita ko ang masayang picture namin ni Jhe sa screen ng phone ko.

Binuksan ko ang gallery ng phone ko para makita ang mga pictures namin ni Jhe. Naalala ko ang lahat ng mga masasaya namin nung kapiling ko pa siya habang tinitignan ko ang mga pictures na masaya pa kaming magkasama na may halong kulitan at mga pictures na nagmamahalan pa kami.

Sobrang saya..

Pero naalala ko rin yung kahapon na iniwan niya ako kaya nasasaktan ako ngayon.

Tinignan ko ang solo na picture ni Jhe at kinausap ko ang picture niya kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Masakit ang ginawa mong paglisan ng hindi ka nagpaalam sakin kaya ngayon luhaan ako. Pero hindi kita masisisi kung bakit umalis ka kasi may mga mali din akong nagawa. Hindi kita naprotektahan sa kanila, hindi ko naprotektahan ang pag-ibig mo sakin, nasaktan ka nila, sinaktan kita at iniwan mo ako ngayon. Dahil alam kong masakit, alam kong nahihirapan kana, alam kong hindi mo na kayang tiisin kaya mas pinili mo na lang lumayo kaysa manatili pa sa tabi ko. Bakit ko ba ito sayo nagawa? Bakit hinayaan ko lang na maramdaman mo ang sakit? Bakit hindi ko man lang naprotektahan ang puso mo? Kaya heto ako ngayon nag-iisa at hanap ka. Patawarin mo sana ako. Bumalik ka na sakin, prinsesa ko."

Pinatong ko ang magkabilang siko ko sa mga tuhod ko, sinabunutan ko ang sarili ko ng kaliwang kamay ko at hawak naman ng kanang kamay ko ang cellphone. Umiiyak ako habang nakatingin pa rin sa picture niya.

**

"Jhe's POV"

Pagkahatid sakin nila Jessica at Kristine sa harap ng bahay ko ay hindi na rin sila nagtagal pa. Nagpaalam na sila sakin para umuwi na rin sa mga bahay nila at para hindi mag-alala ang kanilang mga magulang.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, syempre alikabok na naman ang bumungad sa akin. Bigla pa akong nabahing nang maamoy ko ang baho ng bahay.

"Promise bukas na bukas rin maglilinis na talaga ako ng buong bahay."

Pero dahil ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko dumiretso na ako sa hagdan para umakyat sa taas ng kwarto ko.

Gusto ko ng magpahinga. Masakit ang ulo ko at medyo nahihilo pa ako dahil sa epekto ng alak kahit konti lang naman ang nainom ko.

Haaayyy.. hindi nga naman kasi ako sanay uminom, ekek.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko, binuksan ko ang ilaw at nilapag ang shoulder bag sa ibabaw ng study table ko saka kinuha ko ang cellphone mula sa loob ng shoulder bag ko bago ako umupo sa gitna ng kama.

Nang in-open ko ang cellphone ko, nakita ko ang picture namin ni Kurt Sha sa screen ng phone ko. Napatitig ako sa mukha niya. Kumirot ang puso ko nang maalala ko ulit ang lahat ng nangyari.

Nung una masaya naman talaga kami ni Kurt Sha. Puro lambingan at kulitan pa nga kami kapag magkasama. Pero lahat ng tamis na pagmamahalan namin ay natapos din. Hindi naging totoo na kami ang para sa isa't-isa. Akala ko forever na kami pero di pala.

Nagpakawala ako nang buntong hininga at marahan kong pinunasan ang aking pisngi nang maramdaman ko ang pag-agos ng mga luha ko.

Pinagdikit ko ang mga hita ko at niyakap ko ang mga tuhod ko at pinatong ang baba ko dito.

Sobrang sakit nang nararamdaman ko kaya tumutulo ang luha ko. Umiiyak ang puso ko dahil nasira ito at nadurog.

"Ayoko na magmahal pa ng katulad mo, Kurt Sha. Kasi.. yung mundo ko na puno ng kalungkutan."

Sinubsob ko ang mukha ko sa mga braso ko habang yakap ko parin ang mga tuhod ko.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako, hanggang sa di na ko makahinga, hanggang sa wala na kong luhang maiyak. At di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***~To Be Continued~***

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now