"Chapter 90: Sana Pwede Ba"

43 15 0
                                    

"Kurt Sha's POV"

Tatlong oras na din ang nakalipas simula ng mag-umpisa kaming i-celebrate ang pagbalik ng prinsesa ko. Hinintay ko talaga ang pagbalik niya. Pinangako ko kasi sa sarili ko na ipabalik ko siya sakin kahit na anong mangyari. At kapag naging akin na siya ulit, saka ko sasabihin sa sarili ko ang salitang...

GOOD JOB!

Ang totoo sobrang saya ko dahil nakabalik na siya dito. Para akong nabuhayan ulit ng loob. Nagising ang lahat sakin, ang pagkatao ko at ang puso ko. Isang taon din akong naghintay. Para sa akin, sobrang tagal na iyon. Lalo na ang babaeng mahal ko pa ang hinihintay kong bumalik at ibabalik ko siya dito sa piling ko. At ngayon andito na siya, hindi na ako papayag pa na mawala siya ulit sa paningin ko. Hindi na ako papayag na aalis pa siya ulit at iiwan ako mag-isa. Sa pagkakataon na ito, magiging akin na siya ulit at magsasama na kami ng masaya, sinisiguradong habang buhay.

At sa ngayon, ano na nga ba ang ginagawa namin sa ganitong oras? Heto... nasa sala kami. Nakaupo ako sa armchair habang pinapanood ko ang mga kaibigan ko na naglalaro ng baraha. Inalis nila ang lamesa sa gitna at nakabilog silang nakaupo sa sahig habang naglalaro ng pares-pares sa baraha. Katuwaan lang nila na may halong asaran, insultuhan at pikunan kapag nananalo o natatalo. May isang oras na rin simula ng mag-start sila maglaro.

Si Arisu ang nakaisip na maglaro sila ng baraha at kung sino matalo may pitik sa noo. Bawi-bawian.

Kanina, nang marinig namin kay Arisu ang suggest niya sa libangang paglaro ng baraha ay talaga nga naman di kami makapaniwala dahi sa kanya pa talaga manggagaling ang salitang iyon at mahilig din pala siya maglaro nun bilang katuwaan lang. May dala pa siya. Sa kanya yung baraha. Naisip kasi niya na baka pwede kami maglaro nun pagkatapos namin kumain at pati na rin sa iba pang kasiyahan na pwedeng gawin namin tapos isunod namin ang paglalaro ng baraha.

Tawanan nga namin kanina eh. Ibang klaseng babae din siya sa totoo lang.

Pero hindi ako sumali sa paglalaro ng baraha. Okay na ako na pinapanood sila. Okay na ako na pinapanood ko ang prinsesa ko. Okay na ako sa maamo at maganda niyang mukha na nakangiti habang nakikipaglaro siya ng pares-pares sa baraha. Yun palang, satisfied na ako.

"Tsk! Ang daya!" reklamo ni Henry sabay pinatulis ang nguso niya

"Ewww! Beking Henry, huwag ka ngang mag pout mukha kang pato hahahahaha!" nang-aasar na sabi at tawa naman ni Seeley

"Heh! Ang daya-daya niyo eh."

"Asus, matatalo ka lang ulit." hirit ni Koutaro

"Kasi nga, dinadaya niyo akes. Sakit na kaya noo ko. Namumula na. 2 times na akong natalo, kasi 2 times niyo akong dinadaya."

Nagsalita si Fia sa natatawa niyang boses.

"Wala naman nang-dadaya sa atin dito, Henry. Bunutan lang sa mga kasama kung sino na ang susunod. Swertehan lang kaya ang larong ito haha."

"So ano ibig mo sabihin? Ang swerte ko naman sa malas."

Pagkasabi ni Henry, nagsitawanan kami nang dahil sa kanya.

"Sige, pagtawanan niyo akes. Pag akes nakabawi sa inyong lahat sa kakapitik niyo sa noo ko. Isa-isa kong papuputukin yang noo niyo with talsik ng dugo everywhere."

Nagsalita ang prinsesa ko, "Haha sige na. Dami mo pa satsat. Sige na bunot kana sa baraha ni Koutaro hehehe hahaha." sabay tawa siya

"Oo na. Pag akes nakabawi talaga iuuna ko ang noo ni impaktang Seeley. Pati bungo basag." sabay bunot siya ng isang baraha sa hawak na baraha ni Koutaro

Tulad Mong Isang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon