"Prologue"

61 20 0
                                    

"Kurt Sha's POV"

Pagkahugas ko ng mga kamay ko, tinignan ko ang mukha ko sa harap ng salamin.

"Gusto ko siyang makita. Bakit ang tagal niyang dumating?" sa isip ko

Habang tinititigan ko ang mukha ko sa salamin ay bigla akong napabaling tingin sa direksyon ng pinto nang mapansin ko ang pagpasok ni Daichi dito sa loob ng restroom at agad niya akong kinausap.

"Oh andito ka pala, Kurt Sha. Alam mo na ba na andito na sila sir Aoki at ma'am Mary?"

Nang marinig ko ang sinabi niya mabilis ko siyang nilapitan at nakita ko kung paano siya nagulat sakin.

"A-andito na sila?" tanong ko

"Oo. Kararating lang nila. Grabe nga eh. Para silang tunay na hari at reyna habang naglalakad sa red carpet. "

"Ganun ba? Sige, salamat sa pagsabi bro. Paano mauuna na ako sayo bumalik doon."

"Sige lang."

Mabilis akong lumabas ng restroom para puntahan ang mga kaibigan ko.

"Nandito na siya." bulong ko

Tapos huminto muna ako saglit nang makita ko ngang andito na sila ma'am Mary at sir Aoki, nasa taas sila ng stage. Habang masayang nagsasalita si sir Aoki sa mga bisita niya at sa mga kaworkmates ko ay masaya din silang nakikinig sa kanya.

Nakita ko din ang mga kaibigan ko na nag-ibang pwesto na medyo malapit sila sa harap ng stage.

Binalik ko ang tingin kila sir Aoki at ma'am Mary, tapos napaisip nalang ako nang hindi ko makita ang mukha ng babaeng gusto ko. Wala siya sa tabi ng tito at tita niya.

Tumingin-tingin ako sa paligid para mahanap siya pero hindi ko talaga siya makita.

Malalim akong napabuntong hininga.

Dahan-dahan kong inihahakbang ang mga paa ko papalapit sa mga kaibigan ko. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanila ay agad akong nagtanong kay Shinsuke.

"Nasaan na si Jhe?"

Lumingon siya sakin bago sumagot.

"Wala pa siya dito."

"A-ano? B-bakit naman? Eh andito na sila sir Aok---"

Bigla akong naudlot sa pagsasalita nang marinig ko ang sigaw na pagtili ni Henry kaya napatingin ako sa kanya.

"Kyaaaaahhhh! OMGEEEE!"

Walangyah yan! Kung makasigaw at makatalon-talon pa siya sa tuwa akala mo parang isang tunay lang na babae tapos nakatakip pa ang labi niya gamit ang mga kamay niya.

Napansin ko ang pagtigil ni sir Aoki sa pagsasalita kaya bumaling ako sa kanya. Napansin ko rin na pareho silang nakangiti ni ma'am Mary at nakatingin ang mga mata nila sa hindi ko maunawahan na dahilan kung ano ang tinitignan nila.

Hanggang sa nagulat ako sa biglang pagsigaw ng malakas ni Henry.

WALANGYANG BUHAY YAN!

"MGA BESHIE~ ANDITEY NA SIYA! ANG MAGANDANG GIRLALUS KOOOO!"

Pagkarinig ko sa sinabi niya, biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Halos di na ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko. Basta, ganun nalang ang naramdaman ko.

"Palibhasa kasi andyan lang si tukso sa paligid kaya nagawa ulit nitong magparamdam sa akin." sa isip ko

Binalik ko ang tingin sa mga kaibigan ko. Sakto naman, nakita ko na sabay-sabay silang lumingon sa direksyon ng entrance sa glass door at kahit din ang mga bisita ay nagsilingunan doon.

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now