"Chapter 88: Welcome Back To Japan!"

37 15 0
                                    

"Jhe's POV"

Nang makarating na kami ni Heartlalus sa entrance ng hospital ay mabilis kaming pumasok sa loob patungo sa room-312 kung saan naka-admit si tito Aoki. Pagdating namin sa harap ng pinto ay marahan akong kumatok ng tatlong beses at agad namang bumukas ang pinto. Nakita ko na si tita Mary ang bumukas ng pintuan. Pareho kaming napangiti at napahawak ako sa ang mga kamay ni tita sa sobrang saya ko na makita ulit siya.

"Titaaaaaaa~!"

"Jhe, niece ko andito kana."

"Opo, tita. I miss you po. Namiss po kita ng sobra."

"I miss you too so much, niece."

Medyo naluluha kaming pareho sa saya ng makita namin ang isa't-isa at nagyakapan kami ng ilang segundo.

Narinig namin na nagsalita si Heartlalus sa masaya niyang boses kaya napatingin kami sa kanya.

"Oh vongga divey, tita Marylus? Andito na ulit ang chaka mong pamangkin. Happy happy na ulit."

Tumango ng nakangiti si tita Mary sa kanya, "Oo, Henry. Sobrang saya ko na andito na ulit itong pamangkin ko." sabay hinaplos niya ng tatlong beses ang buhok ko at saka na niya kami niyaya ni Heartlalus na pumasok sa loob ng kwarto

"Oh sya.. Tara na sa loob. Pumasok na kayo. Hinihintay kana ng tito Aoki mo."

"Okay po, tita." ngiting sabi ko

Pagpasok namin sa loob, nakita ko na nakaupo si tito Aoki sa gitna ng kama habang nakasandal ang likod niya sa unan na isinandal naman sa kama. Medyo naluha ulit ako ng makita ko naman si tito Aoki at nakangiting nakatingin siya akin.

"Jhe." ngiting tawag niya sa pangalan ko

"Titoooooo~ tito Aoki."

Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya saka niyakap din niya ako.

"Kamusta kana, Jhe?" agad na tanong niya sakin at humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya sabay hawak ako sa isang kamay niya

"Bakit ako, tito? Dapat ikaw.. ikaw tito, kamusta kana? Kamusta na ang pakiramdam mo? Okay kana ba? May masakit ba sayo? Masakit parin ba ang mga katawan mo? Eh yung binti mo tito masakit pa ba? Makirot pa ba? Huwag ka mag-alala, tito Aoki.. andito na ako. Aalagahan kita, promise ko sayo yan. Kaya pagaling kana ah?"

Matapos ko sabihin iyon, napataka nalang ako nang biglang tumawa ng mahina si tito Aoki habang nakatingin siya sakin.

"B-bakit ka tumatawa, tito? M-may nakakatawa ba sa mga sinabi ko?" pagtatakang tanong ko

Nagclear throat siya at tumigil sa pagtawa.

"Wala.. wala naman, Jhe. Masaya lang ako na andito kana ulit. Pero yung sunod-sunod na tanong mo nakakabigla lang haha." sabay tawa ulit siya at binitawan ko ang kamay niya na hawak ko

"Ay grabe ka, tito. Sobra na nga akong nag-aalala sayo tapos nagagawa niyo pa akong tawanan eh."

"Pasensya na, Jhe."

"Pero tito Aoki, alam mo ba? Sobra talaga ang paaaag-aalala ko sa inyo. Sobra akong natakot sa nalaman ko ng madisgrasya kayo sa hagdanan. Next time kasi tito, mag-iingat kana ah? Promise?" hinawakan ko ulit ang isang kamay ni tito Aoki at pinakita ko sa kanya ang ekpresyon ng mukha ko na talagang nag-aalala ako sa kanya

"Promise. Mag-iingat na talaga ako. Kaya huwag kana mag-alala pa, okay? Gagaling din ako."

Tumango ako, "Okay, tito. Saka... tito.. hmmm... sobrang namiss po talaga kita. Payakap nga uliiiiittt~" lambing na sabi ko

Tulad Mong Isang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon