"Chapter 63: Bracelet"

440 26 0
                                    

"Seeley's POV"

May 27 minutes narin simula nung iniwan ko sina Aikee at Koutaro para ilayo si Saitou sa kanilang dalawa bago pa sila humantong sa pag-aaway. Ginawa ko 'yun dahil nakita ko sa mukha ni Aikee ang pagkagalit nung makita niya na may kasama akong ibang lalake. At sinabi pa niya na bakit hindi daw siya.

Nang marinig ko 'yun, grabe nakaramdam ako ng saya sa puso ko. Pakiramdam ko tuloy parang nagseselos siya tapos ayaw pa niya na hinahawakan ni Saitou ang aking kamay.

Hehehehe ang cute-cute talaga ng Aikee ko, my future husband!

Pero talagang nakakagulat ang pagsulpot niya di ko inasahan 'yun. Siguro, nagkataon lang na doon siya napadaan tapos kasama pa niya si Koutaro kaya nakita nila ako na kasama si Saitou.

At 'yun ang dahilan kung bakit nagalit si Aikee ko. Ano ba 'yan hindi ko tuloy mapigilan ang ngumiti-ngiti sa sobrang kilig na nadarama ko ngayon.

Nagseselos siyaaaa! Ang saya-saya naman hehehehe hahahaha!

Wait!

Puwera nalang kung may iba pang dahilan si Aikee ko kaya ganun siya. Kainis naman kung hindi pala siya nagseselos, pffff!

ASYUMERA? OH DI AKO NA!

Maya naman sa paglalakad ko napansin ko ang isang kamay na kumakaway mismo sa tapat ng aking mukha kaya nahinto ako tapos narinig ko ang boses ni Saitou.

"Hoy Seeley, nakikinig kaba sa sinasabi ko sayo? Ayos ka lang ba? Bakit tahimik kana dyan?"

Napatingin ako sa mukha niya..

"H-huh?"

"Ang sabi ko ayos ka lang ba, Seeley?"

"A-ah.. eh.. O-oo, ayos lang naman ako. Bakit mo natanong?"

"Kasi, kanina pa kita kinakausap dyan di ka man lang kumikibo. 'Yun pala tulala kana tapos ngumingiti-ngiti pa. May iniisip kaba?"

Nang marinig ko ang sinabi niya napayuko ako sabay hawak sa aking noo.

Dahil sa kakaisip ko kay Aikee halos makalimutan kong kasama ko nga pala si Saitou ngayon. Ano ba 'yan nakakahiya naman sa kanya tapos ngumingiti pa ako sa pagkatulala.

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya..

"Ehe.. hindi ah. Nakikinig kaya ako sa mga sinasab--- h-hind pala. Pasensya kana ah. Anong bang sinasabi mo sakin? Pasensya kana talaga." sabay nagbow ako ng sunod-sunod

"Ayos lang.. Ano kaba? Hindi mo kelangan magbow sakin. Ang sabi ko kasi kanina, grabe naman yung kaibigan mong lalake kung umasta siya parang boyfriend mo. Halos masapak ko na nga siya kanina eh, buti nalang nagpigil ako. Tsk!"

"Masapak talaga?"

"Oo. Alam mo bang hindi ko gusto yung sinabi ng sira ulong 'yun kanina? Kulang nalang ipamukha niya sayo na nanlalalake ka. Eh, hindi ka naman niya pala girlfriend. Patawa ba siya?" umiling siya sabay ngisi ng nakakaloko

Dahan-dahan akong yumuko at tumingin sa semento. Kung kanina ngumingiti ako sa pagkakilig, ngayon bigla akong nalungkot nung maalala ko ang sinabi ni Aikee sakin kanina na baka naghahanap na ako ng ibang lalake kaya hindi siya ang kasama ko.

Nilagay ko ang isang kamay sa aking dibdib ng maramdaman ko na meron kumurot sa puso ko. Naramdaman ko rin na nangilid ang luha sa aking mga mata kaya kumagat labi ako para pigilan ang pagpatak nito.

Hanggang sa naisip ko na baka 'yun nga ang dahilan kung bakit nagalit si Aikee sa pag-aakala niya na nanlalalake ako, kumbaga malanding babae. Tapos ako naman, kinilig sa pag-aakalang nagalit siya sa pagseselos dahil nakita niya na may kasama akong ibang lalake at hindi siya.

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now