FOOLS DAY

7.6K 150 1
                                    

38 - FOOLS DAY

FAITH ZYDNEY'S POV

Humahangos akong nagtungo agad sa resort at agad na hinanap ng mga mata ko si Stone.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid nagbabakasakaling makita ko ito o sila Kenneth man lang.

Isang staff ang agad kong nilapitan.

"Miss, alam mo ba kung saan ko makikita si Stone or si Kenneth?"

"No ma'am." Pag-iling nito.

"Where could they be?" Nag-aalalang tanong ko sa aking sarili.

Kung bakit naman kasi sinabi ko pa kay Zack na kilala ko si Stone.

Haist!

"Ma'am, is there any problem?" Tanong ng babae, marahil napansin nito ang pagkabalisa sa itsura ko.

"Tumawag na ba kayo ng pulis? Nahuli ba si Zack? May dumating bang ambulance?" Sunud-sunod na tanong ko.

OA lang? Waah.. Stone, i'm sorry. This is all my fault.

Nangunot lang ang noo ng babaeng kaharap ko. Marahil naguluhan sa dami ng tanong ko.

"Huminahon po muna kayo ma'am. Bakit naman po huhulihin ng pulis si Sir Zack? At ano naman pong gagawin ng ambulansya dito?"

"H-hindi ba't binugbog nila Zack si Stone?"

Alanganing napanganga ito. "Wala naman pong nangyaring ganoon dito."

"W-wala? Anong wala? Hindi ba nabugbog si Stone?"

Umiling ito.

Napapikit ako ng mariin. Mukhang ginu-good time ako ng magpinsan. Gan'tong wala pa kong tulog, humanda kayo sa'kin.

Dinukot ko ang cellphone ko sa handbag kong dala at idinial ang numero ni Julia. "Juls, kasama mo ba si Kenneth ngayon?"

"Hindi na, nagpaalam agad nung matapos ang dapat naming asikasuhin? Bakit?"

"Totoo bang nabugbog si Stone?"

"Ano?" Gulat na saad nito sa kabilang linya. Mukhang wala itong alam sa kalokohan ng dalawa. "Nasaan s'ya?" Tanong nito.

"Wag mo na pansinin ang sinabi ko, ako na bahala, kapag nagtanong sila Kenneth sa'yo, wala kang ibang sasabihin kundi 'ewan ko!' Okay?"

"Huh? Naguguluhan ako. Ano bang nangyayari?"

"Malalaman mo rin kapag nagtanong na si Kenneth o si Stone sa'yo. Sa ngayon, wala kang sasabihing tumawag ako sa'yo."

Matapos kong makipag-usap kay Julia ay si Andrew naman ang tinawagan ko.

"Okay! Lagot kayo sa'kin." Naisaloob ko matapos kong makausap si Andrew.

Muli kong binalingan ang babae. "Miss, hindi mo ko nakita. Okay?"

Nakangiting tumango naman ito.

STONE'S POV

"Bilisan mo namang magmaneho?" Utos ko kay Kenneth habang isa-isang tinatangal ang mga bendang ipinulupot sa halos buong katawan ko.

"Mabilis na nga ito. Baka naman tayo ang sunod na madisgrasya sa kakamadali mo."

"Kapag may nangyaring masama kay Zyd hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko."

"Insan, aksidente 'yon. Hindi naman natin alam na mag-aalala s'ya ng husto sa'yo. Atleast ngayon, alam mo nang concerned parin s'ya sa'yo."

"Dapat ba kong magsaya sa nangyari ngayon?"

Napabuntong hininga ito. Kung alam ko lang na ikapapahamak niya ang panunubok ko, hindi ko na sana ginawa.

Pagdating namin sa ospital na pinagdalhan kay Zyd ay nagtanong agad ako sa information service.

"Room 143, sir." Sagot ng assigned nurse.

******

Nanginginig ang buo kong katawan nang makita si Zydney na nakahiga sa hospital bed. May benda ang ulo nito at may oxygen sa bibig.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang agad na kumawala sa mga mata ko.

"Zyd? Zyd? I-i'm sorry. Please open your eyes, I won't do it again, I promise." Pagkausap ko dito habang hawak ang kamay nito. "I'm sorry." Napahagulgol na ako ng iyak.

"Nakakatawa kayong dalawa. Halata namang mahal n'yo parin ang isa't isa pero heto kayo at pinahihirapan ang mga sarili nyo." Saad ng lalaki mula sa aking likuran.

Namulagat ako pagkakita ko kay Andrew. "A-andrew? A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko dito.

Sa halip na sagutin ako ay bumaling ito kay Zydney. "Faith, tama na 'yan. Nakaganti ka na."

Napamaang ako sa sinabi nito.

"Maiwan ko muna kayo."

Napalingon ako kay Zydney nang tuluyan ng makalabas ng kwarto si Andrew. Nakaupo na ito at seryoso ang mga matang nakatitig sa'kin.

Biglang umakyat ang dugo sa ulo ko. "Napakagandang biro nito." Seryosong saad ko.

"Sabi nga ni Confucius, 'Don't do unto others what you don't want others to do unto you.'" She replied.

"Y-yah! Tama ka." Naiiling kong sagot. "Pero hindi mo alam kung gaano mo 'ko tinakot!" Bulyaw ko dito.

Nabigla si Zydney sa pagsigaw ko.

Nagpakawala ako ng isang marahas na buntong hininga. "Tama na ang kalokohang ito." Saad ko saka ito binuhat mula sa kama.

"A-anong ginagawa mo? Ibaba mo 'ko."

"Kukunin kita sa santong paspasan, wala na kong oras sa biruan."

Awang ang mga labing nagpumiglas ito.

Paglabas namin sa kwarto ay binalingan ko agad si Kenneth. "Pakitawagan si Dado, please." Utos ko dito.

"Right away." Sagot nito.

"S-sinong Dado? Walanghiya ka Stone anong binabalak mo sa'kin? Ibaba mo 'ko. Ano ba?" Sigaw ni Zyd na pilit paring nagpupumiglas.

"Kikidnapin kita."

"Ano?" Gulat na sambit nito. "Andrew, tulungan mo 'ko. Mamang guard, please help. Tumawag kayo ng pulis, ng mga militar, NBI, isama n'yo na si Kuya Mike Enriquez."

"Ano ka ba, nakakabingi ka na. Walang tutulong sa'yo."

Paglabas ng ospital ay agad ko na itong isinakay sa kotse.

DARE GAME [completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora