THE AGREEMENT

14.4K 257 1
                                    

4 - THE AGREEMENT

JULIA'S POV

"What??? Kasal? Are you serious, Ken? Alam mo namang ikakasal na ang pinsan mo sa babaeng ipinagkasundo sa kanya and you totally know how playboy your cousin is." Dire-diretsong saad ko sa nobyo ko.

Nasa opisina kami ni Kenneth ngayon at pinag-uusapan ang napag-usapan nilang magpinsan.

Si Faith naman ay iniwan ko muna sa suite ni Kenneth.

"Love, look at the other side. Huwag naman puro negative iniisip mo, hindi naman ganoon kasama si Stone gaya ng iniisip mo."

"At paano ang kasal niya? At sa palagay mo papayag si Faith na pakasal sa pinsan mo gayung mahal na mahal parin ni Faith si Clark."

"Kung mahal nang pinsan mo ang ex niya, ba't sumama siya kay Stone?"

"Alam mong lasing ang pinsan ko, kukutusan kita e."

"Love, naman. Mas maganda na nga iyon, Love, para makapag-move-on na rin si Faith at matutulungan din natin ang pinsan kong makatakas sa force marriage na iyon. Isipin mo rin Love, pinsan mo ang dehado dito."

Napabuntong hininga ako. Kung titingnan nga, may punto rin naman ang aking nobyo.

Kasalanan ko ito. Kung bakit kasi iniwan ko pa si Faith kagabi? Loko kasi 'tong si Ken, pinag-init na naman ako.

"Let's play cupids for them." Nakangiting dugtong ni Kenneth.

"Paano sila magpapakasal?" Biglang tanong ko.

"Di ba Love, may kaibigan kang Judge?" He grin.

*****

"Kamusta ka na?" Tanong ko kay Faith Zydney nang balikan ko ito sa room ni Kenneth.

"Sorry, nasnip. Para tuloy ang dumi-dumi ko na." Nakayukong saad nito sa'kin. "Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa inyo? Sa pamilya natin? Kay Clark?"

"Huwag mo na ngang binabanggit ang pangalan ng manloloko mong ex." Iritadong saad ko dito. "Come-on, sumama ka sa'kin."

"S-saan?"

Dinala ko si Faith sa suite ni Stone gaya nang napag-usapan namin ni Kenneth. Tutol man si Faith, wala na itong nagawa sa paghatak ko dito.

Nadatnan namin ang dalawa na nag-uusap.

FAITH ZYDNEY'S POV

"Well, narito nalang rin ito, at nangyari na ang nangyari. Anong plano niyo?" Paunang salita ni Julia. Tumingin ito kay Stone. "Stone?"

Tumingin naman sa akin ang binata. "Zyd, let's get married."

Literal akong napanganga.

Seryoso?

"How can we get married if we don't even know each other?"

"Faith Zydney Veltran, ngayon mo pa ba iisipin ang getting to know each other n'yo? My God! Sana inisip mo 'yan bago ka nakipag-one-night-stand kay Stone Cuervo." Mahabang litanya ni Julia. "Naisip mo ba, paano nalang kung magbunga ang ginawa niyo? Ano sasabihin mo kay lolo? Sa tingin mo, ikatutuwa niya ang pagkakaroon ng apo sa tuhod na bastardo? You know lolo very well."

Sapol naman ako dun, grabe siya! Daig ko pa sinampal sa mga pinagsasasabi niya.

I know Julia very well too. Sinasabi ang nais sabihin nang walang preno, kahit pa makasakit ito, at ginagawa ang gustong gawin basta alam niyang tama at may katwiran siya.

"Mabuti nga hindi ka tatakbuhan ni Stone dahil kung nagkataon, si Kenneth ang kakalbuhin ko." Dugtong pa nito.

"Love, naman. Ba't pati ako nasali diyan?"

Irap lang ang isinagot nito.

"Okay, ganito nalang guys. Magtulungan nalang kayo. Magpakasal kayo para iwas kahihiyan kay Faith at makaiwas din si Stone na maipakasal sa babaeng hindi niya kilala." Saad ni Kenneth.

"Anong pinagkaiba ko sa babaeng iyon? He don't know me either." Sagot ko.

"We will get married now, no strings attach." Salo ni Stone.

Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi nito.

"What I mean is, we will be a husband and wife just for a year if you'll agree? Kung hindi talaga natin magugustuhan ang isa't isa, ipa-a-annul natin ang kasal natin."

Napabuntong hininga ako. May punto rin ang sinasabi nila. Ano pa bang magagawa ko? Ngayon pa ba ako mag-iinarte?

Nagpakawala muna ako nang isang malalim na buntong hininga.

"Okay, Let's get married." Pagdedesisyon ko.

Naganap nga ang civil wedding namin ni Stone. Nasa tamang edad na rin naman kami kung kaya't hindi na namin kinailangan pa ang consent ng magulang.

Ang mga witnesses namin ay ang mga kaibigan din nilang tatlo.

"And now, Mr. Stone Cuervo. You may now kiss your bride." Saad nang Judge na nagkasal sa amin.

Humarap sa akin si Stone at unti-unting inilapit ang mga labi sa aking mga labi.

He kissed me passionately na hindi mo aakalaing isa lamang kasunduan ang naganap na kasalan.

Matapos ang kasal ay dumiretso na kami ni Stone sa suite nito.

Magkaharap kami sa mesa. May hawak na tig-isang kopya ng papel.

Binasa ni Stone ang agreement na ginawa nina Kenneth at Julia.

"The agreements, #1. Bawal kang main-love sa ibang lalaki at ako sa ibang babae sa loob ng isang taon, sa akin lang pwede." He smirked.

Ambisyoso! Nagpatuloy ito.

"#2. Bawal uminom ng alak at magpakalasing na hindi kasama ang isa't isa sa labas."

"Paano kung girls night out?" Tanong ko.

"Basta bawal. Pwede kang makatakas sa mga kasama mo. Subok na kita. Saka ako ba may gawa nito? Sa barangay ka magreklamo." Sagot nito.

Antipatiko. Irap ko dito.

"#3. Bawal makipag-sex sa iba sa loob ng isang taon."

"Aba't - - -" aaahh... kainis na 'to! Pasaway talaga mag-jowa na 'yun.

"#4. Kung may problema o pagbabago, ipaalam agad sa kinauukulan. (Kenneth and Julia.) Act like a real husband and wife that loves each other in front of others." Natawa naman si Stone.

"And lastly #5. You may now enjoy your honey moon."

Humagalpak na nga ng tawa si Stone.

"Anong nakakatawa?" Iritadong tanong ko dito.

"Wala! Oh, pirmahan na natin." Sabay abot sa akin ng kopya ng papel at ballpen.

Matapos naming pirmahan ang agreement ay tumayo na ito at tumitig sa akin.

"Come on, let's do our honey moon, baby." Saad nito.

DARE GAME [completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora