BROKEN VOW

8.1K 139 0
                                    

18 - BROKEN VOW

STONE'S POV

"What are you doing here?" Gulat na tanong ko sa babaeng nakamulatan ko ng aking mga mata pagkagising ko.

"What am I doing here? Don't tell me, you've forgotten about what you did to me last night? You're the one who drag me here." Sagot sa'kin nito.

Sumigid ang kirot sa aking sentido. Wala akong maalala sa mga pinagsasasabi nito.

"You are so drunk, so upset, you are crying. You said you need me, you need me than anyone else. I can't refuse. I don't know what to do, so I drove you here, but when i'm about to leave, you stopped me." Mahabang paliwanag pa nito.

Hinawakan ko ito ng mahigpit sa kanyang braso na ikinaigik nito. "Stop fooling me, Nicole. Get dress now and leave!" Saad ko sa nanlilisik kong mga mata.

Isa-isa kong dinampot ang mga damit nito at isinalya sa dib-dib nitong may hawak na kumot na ipinantakip sa hubad na katawan nito.

Nanatili lang itong nakatitig sa akin. "Get dress now and leave!" Bulyaw ko dito. Sumasakit na ang ulo ko sanhi marahil sa dami ng nainom ko kagabi at sa mga problemang kinahaharap ko. Dinadagdagan pa ito ng babaing ito ngayon.

Hindi na ako makapag-isip ng tama. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay puntahan at makita si Zydney.

Kahit anong gawin ko, kahit ano pang nagawa niya. Siya parin ang mahal ko. Siya parin ang gusto kong kamulatan sa paggising ko sa umaga. Siya parin ang gusto kong makasama. Si Zydney parin.

Nanatili parin si Nicole na nakatitig lang sa akin at hindi tumitinag. "Hindi ka parin ba kikilos diyan?" Singhal ko kasabay ng pagbibihis ko.

Hindi ko lubos maisip kung paano ko nakasiping ang babaeng ito.

"You can't do this to me, Stone. Sa palagay mo ba, papayag akong ganun-ganon nalang? Matapos ang lahat ng nangyari sa atin kagabi?"

Mariin akong napapikit. Matigas talaga ang isang ito.

Kuyom ang kamaong tinungo ko na ang pinto palabas ng unit ko. Kailangan kong makita ang asawa ko. Kailangan kong marinig ang paliwanag nito kung bakit nagawa niyang ipalaglag ang aming anak.

"Stone! Stone! Come back. Mag-usap tayo." Umiiyak na habol sa akin nito.

"Ayoko nang makita kapa dito pag balik ko." Saad ko dito kasabay ng pagbukas ko ng pinto.

Natigilan ako sa aktong paglabas. Titig na titig sa akin ngayon ang taong nabungaran ko pagbukas ko ng pinto.

Mabilis ding dumako ang paningin nito sa babaeng nasa likuran ko.

"Kaya pala hindi ka makontak dahil ganito pala ang ginagawa ninyo." Seryosong saad sa'kin ni Kenneth.

"Insan, it's not what you think. I can explain." Sagot ko dito. Bumaling akong muli kay Nicole. "I don't want to see your face again here."

Inaya ko si Kenneth sa rooftop upang makapag-usap kami ng maayos.

Isang suntok sa panga ang agad nitong pinakawalan sa akin na halatang kanina pa nito tinitimpi.

Sumadsad ako sa sahig.

"Tumayo ka at lumaban gago ka! Suntukin mo rin ako." Nag-iigtingan na ang mga litid nito sa sobrang galit.

Hindi ko magawang lumaban. Ayokong salubungin ang galit nito.

Nilapitan ako ni Kenneth at kinwelyuhan. "T*ng-*ina mo lumaban ka." Gigil na saad nito kasabay ng muling pagsuntok nito sa'kin. "Hayop ka! Lumaban ka. Suntukin mo rin ako. Dahil kasalanan ko kung bakit kinasangkapan ko ang sarili ko na ipakasal kayo ni Faith. Kung bakit kasi inakala kong ipaglalaban mo siyang duwag ka!"

"Sorry, insan. Nasaktan din ako. Sobra-sobra. Pero kahit gano'n gusto ko parin s'yang makita. Sa kabila ng ginawa niya, mahal ko parin siya. Mahal na mahal ko parin si Zydney." Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga upang maibsan kahit paano ang sikip ng dib-dib na nararamdaman ko sa kasalukuyan. "I want to see her. I want to talk to her. I want to ask her why? Paano niyang nagawang ipalaglag ang anak namin gayong sinabi ko naman sa kanyang ipaglalaban ko siya."

"F*ck you! Sa tingin mo magagawa talaga ni Faith yon? Kung sana hinintay mo munang magising siya. Kung sana tinanong mo muna siya bago ka nag-uwi kaagad ng ibang babae." Natawa si Kenneth ng pagak sa sinabi. "Sorry, hindi pala ibang babae yon. Fiancè mo nga pala si Nicole at kontrata mo lang si Faith."

"A-ano bang tunay na nangyari?"

"Huh! Ngayon ka pa talaga nagtanong." Sarkastikong saad nito. "She's been kidnaped, Stone. At sapilitang tinanggal ang bata sa sinapupunan nito."

Natigagal ako sa sinabi ni Kenneth.

Ano itong nagawa ko?

Ikinwento ni Kenneth sa akin ang buong pangyayari ayon na rin kay Julia. At ngayon, nagkakalamat narin ang relasyon ng huli nang dahil sa akin.

At ang cellphone ko? Mula ng magising ako ay hindi ko narin ito nakita. Marahil ay naiwala ko ito sa sobrang kalasingan ng magdaang gabi.

Makaraan ang ilang sandali ay bahagya ng kumalma sa galit si Kenneth.

"Mas makabubuting hiwalayan mo na si Faith ngayon at huwag ka nang muli pang magpapakita sa kanya." Saad ni kenneth na mas lalong nagpatigagal sa akin.

"A-ano bang sinasabi mo, insan? Alam mong mas kailangan ako ni Zyd ngayon."

"Darn you! Tanga ka ba talaga? Sa lahat ng mga pangyayaring ito sa palagay mo nagkataon lang ang lahat ng ito? Mula sa pagpapabagsak ng negosyo ng mga lolo at lola nina Faith at Julia. Sa negosyo ni Julia, at ngayon, sa nangyaring ito kay Faith. Sa palagay mo nagkataon lang ang lahat ng ito?"

Mukhang nahuhulaan ko na ang nasa likod ng mga pangyayaring ito. Naikuyom ko ang aking mga kamao. Gusto kong pilipitin ang leeg ng nasa likuran ng lahat ng mga nangyayari sa mahal ko.

"Hangga't hindi mo pinakakasalan ang babaeng iyon, hindi mo masasabi ang maaari pang masamang mangyari kay Faith at sa pamilya nito. Ayokong isipin na buhay na nila ang isunod. Mahirap kalaban ang pera at kapangyarihan." Makahulugang dugtong nito.

Bigla ang naging paglingon ko kay Kenneth sa sinabi nito.

Gusto kong humiyaw sa galit. Gusto kong magwala. Gusto kong pumatay ng tao sa sobrang galit.

Nanlulumong napaluhod ako, hindi ko narin napigilan ang pagsungaw ng luha sa aking mga mata.

Kasalanan ko ito. Kasalanan ko ang lahat ng nangyayari kay Zydney. Ginulo ko lamang lalo ang buhay nito sa pagpasok ko sa mundo nito.

Kuyom ang kamaong tumindig ako.

Isinusumpa ko, gaganti ako sa lahat ng pagpapahirap na ginawa nila sa asawa ko at sa pamilya nito, gagawin kong impyerno ang buhay ng hayop na may sala nito.

DARE GAME [completed]Where stories live. Discover now