THE RIVALRY

9.4K 166 2
                                    

13 - THE RIVALRY

FAITH ZYDNEY'S POV

"Zyd."

Napalingon ako kay Stone nang tawagin ako nito na ikinagulat ko nang mabilis ako nitong nakawan ng halik sa aking mga labi.

Natawa ako. "Puro ka kalokohan."

Matamis naman na ngiti ang itinugon nito sa'kin.

My God, paano bang hindi ako maiinlove sa ganito kagwapong nilalang? Gwapo na, sweet pa. May pagka-manyak nga lang.

Pumwesto ito sa likuran ko at mula doon ay yumakap ito sa akin, ang isang kamay ay ipinulupot nito sa baywang ko at ang isa naman ay humimas sa boobs ko. Idinantay nito ang baba nito sa aking balikat.

"Stone!" Saway ko dito.

Halik sa pisngi ko ang itinugon nito.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako nagsalita.

"Mahirap kalaban ang pamilya, Stone."

"I don't care about them. I only care about us, at sa magiging baby natin."

Pinihit ako nitong paharap sa kanya. "Just take care of our baby in your tummy, huwag kang mag-iisip ng kahit anong problema. Makakasama sa baby natin." Seryosong saad nito kasabay ng pagdantay ng mga labi nito sa aking noo. "All this troubles? I can face it alone. Just sit back and relax. Okay?" Saka ako nito niyakap ng mahigpit. "Huwag ka lang susuko, Zyd. Malalampasan din natin ito."

"Per- - -"

Hindi na ako pinagsalita pa ni Stone dahil mabilis nitong sinakop ng mga labi nito ang aking mga labi. "Sasalita pa eh." Saad nito sa pagitan nang paghalik sa akin.

Natatawang kinagat-kagat ko ang lower lip nito.

He chuckles, gumanti rin ito ng pagkagat din sa pang-ibaba kong labi.

"Aray! Masakit na 'yon, bebe ko." Daing nito.

Tongue out.

"Ahh... ganon ha!" Hinapit ako ni Stone sa aking baywang kasabay ng pagsibasib sa leeg ko.

"Aayyy.. stop it, Stone. Nakikiliti ako." Pagtili ko.

Mula nang magbuntis ako ay hindi na ako pinayagan pang magtrabaho ni Stone. Ganoon din naman daw iyon, hihinto rin ako pagkapanganak ko. At isa pa, siya raw ang lalaki kung kaya't siya ang dapat na maghanap buhay. Asikasuhin ko na lamang daw siya at paligayahin. Haha, abnormal talaga. --__--

*****

STONE'S POV

"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito, mama?" Bungad na tanong ko dito pagkapasok ko sa mansion ng makita ang babaeng nais na ipakasal nila sa akin.

"Watch your word, Stone. Hindi kita pinalaking bastos."

"Watch my word? Ginawa niyo ba 'yan sa asawa ko?"

"M-mama.. aalis na lang po ako." Pag-iyak ni Nicole.

"No, hija. Sorry for his behaviour." Pang-aalo ni mama dito kasabay ng paghawak nito sa magkabilang balikat ng babae.

Binalingan ako ni mama at may initsang folder sa center table. "Pirmahan mo 'yan." Mariing utos nito.

"What's this?" Kunot noong tanong ko habang inilalabas ang papel sa folder nito.

Nagngalit ang aking mga bagang at nilamukos ang papel. Isang annulment paper iyon para sa amin ni Zydney.

"Hindi ko hihiwalayan ang asawa ko." Bulyaw ko sa kanila matapos ibalibag ang papel.

Mabilis ko silang tinalikuran.

"Stone, bumalik ka dito. Stone." Sigaw ni mama na hindi ko na nilingon pa.

NICOLE'S POV

"Nagmamatigas parin siya." Saad sa'kin ni Arabela.

"Mama, I have a suggestion. Kung hindi natin mapaamo si Stone, dun tayo sa babae niya."

Napasulyap ito sa akin. Napangisi itong tumangu-tango. Hudyat na nakuha nito ang nais kong sabihin.

Habang ginagawa ng soon to be mother in law ko ang parte niya sa aming plano ay kumilos na rin ako.

I really wanted Stone to be mine. I just saw him, one of a kind. He's perfect to be my husband. Kahit noon pang sa picture ko lamang nakita ang lalaki ay nagkaroon na ito nang puwang sa puso ko kung kaya't dinispatsa ko na agad ang lalaking pinaglalaruan ko.

FAITH ZYDNEY'S POV

"Ugali mo na ba talagang pumasok nang walang pahintulot sa bahay nang may bahay?" Mataray na bungad ko sa nagpapanggap na tao.

She grinned.

"Kung ako sa'yo, isusuko ko nalang si Stone. Matagal na siyang nakatakdang maging akin. He's mine." Mataray na sagot nito.

Aba't.. edi bongga!

Mabuti nalang at mahilig akong manuod ng mga teleserye sa tv. Binanatan ko ito nang bonggang linya na napanuod ko.

"Walang sa'yo, Nicole. Akin lang ang asawa ko."

Pak!

Sinampal ako nito. Di ba dapat ako ang gagawa no'n?

"Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo babae." Ngumisi ito at nagsalitang muli. "Tandaan mo 'to! Ang maliit na isda ay kinakain lamang nang mas malaking isda."

"Ahh! Talaga? Nakakatakot." Sagot ko kasabay nang paglagapak din ng palad ko sa mapinturang mukha nito. "Aray huh! Espalto ba ginamit mo sa mukha mo? Sakit eh." Sabay tingin sa palad ko.

Mas may karapatan ako at hindi ako magpapasindak dito.

"You, bitch!" Pagkasabi niyon ay hinablot nito ang buhok ko at pinagsasabunutan.

Gumanti din ako nang sabunot dito.

"Zydney!" Bungad na sigaw ni Stone nang madatnan kami nito sa ganuong tagpo.

Sinalya niya si Nicole. Napasadsad ito sa sahig.

Kinabig at niyakap naman ako nito.

"What are you doing here?" Bulyaw nito sa babae. "Sa oras na may mangyari sa mag-ina ko mapapatay kita." Galit na saad nito.

"Stone, siya ang nauna. I just came here to talk to her pero napakabayolente niya."

"Do you expect me to believe you? Out!" Galit na saad ni Stone kasabay ng pagturo nito sa pinto.

"Stone- - -" Magsasalita pa sana ang babae ngunit napapitlag lamang ito nang muling sumigaw si Stone.

"Out!"

Humagulgol na nilisan ni Nicole ang aming tahanan.

"Bebe ko, okay ka lang ba? I'm so sorry." Baling ni Stone sa akin. "May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong nito.

Umiling ako. "Okay lang ako. Salamat at dumating ka."

Niyakap ako nito nang mahigpit kasabay ng paglapat ng mga labi nito sa aking mga labi. "Hindi na ito mauulit, bebe ko. Papalitan ko na nang passcode ng pinto natin."

Ngumiti akong tumangu-tango dito.

DARE GAME [completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin