BEHIND THE MASK

7.9K 153 1
                                    

32 - BEHIND THE MASK

FAITH ZYDNEY'S POV

"Nasaan kayo?" Bungad na tanong ni Julia sa kasalukuyang kausap nito sa cellphone.

Lulan kami ng kotse nito at patungo sa ospital kung saan dinala si Nicole.

"Nasaan daw?" Agad na tanong ko dito nang matapos ang pakikipag-usap nito sa nobyo.

"Sa Esquivel General Hospital."

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa baby ni Nicole. Kasalanan ko kung bakit s'ya dinugo."

"Baby?" Kunot-noong tanong ni Julia. "Hindi naman s'ya buntis."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Sorry Faith kung hindi ko agad nasabi sa'yo. May sakit si Nicole." Kagya't akong nilingon nito bago muling nagsalita. "Ovarian cancer."

Natigagal ako sa sinabi nito. Hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang ospital na kinaroroonan ni Nicole.

Patungo na sana kami sa information desk nang bigla akong matigilan nang makita si Andrew na nakadamit pang doktor. Ngunit ang mas nakapagpatigagal sa akin ay ang lalaking kausap nito sa kasalukuyan.

"Hayun si Andrew." Untag sa'kin ni Julia.

"Julia, wait." Pigil ko dito.

Nagtatakang napalingon ito sa'kin.

"J-julia, yu-yung lalaki. Yung lalaking kausap ni Andrew." Nanatiling nakamata lamang si Julia sa akin habang hinihintay ang iba ko pang sasabihin. "S'ya yun. Yung lalaking yun ang isa sa mga kumidnap sa akin noon."

Napaawang ang mga labi nito.

Nang makita kong iniabot na nung lalaki ang dala nitong bag kay Andrew ay hinila ko si Julia upang magkubli.

Nang tuluyan na itong nakalabas ng ospital ay kaagad kong hinabol si Andrew.

"Andrew." Tawag ko sa lalaki.

Huminto ito ngunit nanatiling nakatalikod sa akin.

Dumako ako sa harap nito.

"Andrew." Mahinang sambit ko sa pangalan nito. Ni hindi nito magawang tingnan ako sa mga mata.

Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting inilalagay sa bibig nito ang mask na nakasukbit sa leeg nito.

Napatutop ako sa aking mga labi. Nag-uunahang kumawala ang mga luha sa aking mga mata.

Ang mga matang iyon.

Si Andrew ang nagmamay-ari ng mga matang pumatay sa anak ko. Sa anak namin ni Stone.

STONE'S POV

"Magpalas ka muna. Naka schedule na ang surgery mo." Saad ko kay Nicole habang nakatitig lamang ito sa kisame nang silid nito sa ospital.

"Insan."

Kagyat akong napalingon kay Kenneth. Sumenyas itong lumabas ako saglit.

"Ako na muna ang magbabantay kay Nicole." Saad nitong tinapik ako sa balikat.

Habang papaakyat sa rooftop kung saan naroon sina Zydney at Andrew ay samut-saring isipin na ang pumapasok sa akin.

"Puntahan mo sila Zydney at Andrew. Malalaman n'yo ang katotohan na sanhi ng lahat ng kaguluhang nangyari sa inyo noon." Mga katagang binitiwan sa akin ni Kenneth.

Napahinto ako sa aktong paghakbang nang makita si Zyd at Andrew na nag-uusap.

Kapwa umiiyak ang mga ito.

"Bakit Andrew? Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita." Saad ni Zydney sa lalaki habang binabayo sa dibdib ito. "Pinatay n'yo ang anak ko, mga demonyo kayo. Pinatay n'yo ang anak ko."

Nagsimula na itong magsisigaw at maghisterya.

"Patawarin mo 'ko. Patawarin mo 'ko, Zyd." Saad ni Andrew na pilit na niyayakap si Zydney.

Wala sa sariling lumapit ako sa mga ito at hinablot ang lalaki sa pagkakayakap nito kay Zydney at agad na binigyan ng malakas na suntok.

"Sino ang nasa likod nito? Sino?" Nanggagalaiting tanong ko dito.

NICOLE'S POV

Nanatili akong walang kibo habang nakatitig lamang sa akin si Faith Zydney.

Nang pumasok ito sa silid ko ay iniwan na kami ni Kenneth.

Samut-saring emosyon ang mababanaag sa mga mata nito.

"Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko." Saad kong nanatiling nakatitig sa kawalan. "Huwag mo nang hintayin na hihingi ako ng tawad sa'yo dahil hindi mangyayari iyon."

"Napakasama mo."

Nilingon ko ito at tiningnan sa mga mata. "Dahil sa ginawa ko, kahit alam kong hindi ako minahal ni Stone. Naging masaya narin ako dahil kahit paano ay nakasama ko s'ya. Kahit hindi n'ya ako minahal, naranasan ko parin ang pag-aalaga't pag-aalalang hindi ko dinanas kailanman. Kahit sa ganitong sitwasyon ko, masaya na 'ko don, dahil wala iyong bahid ng pagkukunwari."

"Pag-aalaga't pag-aalalang dapat sana'y akin. Ngunit si Andrew ang gumawa para sa akin nuon. Si Andrew na ayaw patahimikin ng konsensiya n'ya sa ginawa n'yo sa'kin. Si Andrew na kinasangkapan mong gumawa ng masama kahit labag sa kanyang kalooban." Saad nitong naglandas na ang mga luha sa pisngi nito.

"Kung nagtiwala sana si Stone sa'yo nuong una palang ay hindi siguro mangyayari 'yon. Pero nagpapasalamat narin ako at nagkaroon s'ya ng doubt sa'yo dahil doon nagawa kong maging akin s'ya."

"Naging sa'yo nga ba talaga? Ha, Nicole?"

"Kahit ano pang sabihin mo. Hindi ko s'ya bibitawan hangga't nabubuhay ako."

"Pinaparusahan kana ng Diyos sa mga kasamaan mo pero ganyan ka parin?"

"Sa Diyos nalang ako hihingi ng tawad. Makakaalis ka na."

Tuluyan ng kumawala ang mga luha sa sulok ng aking mga mata nang lumabas na si Faith. "Patawarin n'yo ko." Piping saad ko. "Sorry. I'm so sorry."

******

"Stone, si Nicole nawawala." Humahangos na saad ni Andrew.

DARE GAME [completed]Where stories live. Discover now