THE SUSPECT

7.6K 146 3
                                    

31 - THE SUSPECT

STONE'S POV

"WHAT THE - -"

"Sh*t!" Agad kong naibaba ang blouse ni Zyd dahil sa taong bigla nalang pumasok sa silid na kinaroroonan namin.

Sa sobrang hiya naman ng babae ay agad itong tumakbo palabas.

Matalim na tingin ang ipinukol ko kay Kenneth na animo'y nawala sa sarili.

"Nakita mo?" Tanong ko na ang tinutukoy ay ang dibdib ni Zyd.

Umiling-iling ito. "Nakaharang ka kaya."

"Good!" Naiiling na agad kong hinabol si Zydney. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas nang opisina nito ay binalingan ko ulit ito. "Next time, matuto kang kumatok."

"Opisina ko kaya 'to." Narinig kong sagot nito habang papalayo ako.

"Zyd, wait." Saad kong agad na pinigilan ito sa braso. "Ahm.. i'm sorry."

Napakagat labi ito. "Sorry din. But, Stone. We really need to talk."

"Tungkol saan?"

Ngunit bago pa man ito makasagot ay may tumawag na sa akin.

"Stone." Si Nicole.

Sabay kaming napalingon ni Zydney dito.

Akmang lalapitan ko na si Nicole nang biglang magsalita si Zyd.

"Alam mong hindi ko talaga ipinalaglag ang anak natin diba?"

Natigilan ako.

"Tulungan mo 'ko."

"MALANDI ka talagang babae ka!" Sigaw ni Nicole na nakalapit na pala sa amin.

FAITH ZYDNEY'S POV

Shock ako nang biglang lumipad sa pisngi ko ang palad ni Nicole.

"Nicole?" Gulat ding sambit ni Stone.

Hawak ang pisnging nasampal nito ay hindi ko na napigilang bigyan din ito ng malakas na sampal.

"Walanghiya ka talagang babae ka!" Gigil na saad nitong agad na nahablot ang buhok ko.

"Tama na, tumigil na kayo." Awat samin ni Stone.

Dahil sa pananakit na ginagawa ni Nicole sa akin ay hindi sinasadyang naitulak ko ito na naging sanhi ng pagsadsad nito sa sahig.

"Aaahh.." Palahaw nito.

"Nicole." Sigaw ni Stone na agad dinaluhan ang babae.

Napatutop ako nang makitang hawak nito ang tiyan at namimilipit sa sakit. At ang mas ikinagitla ko ay ang nakita kong dugo na umagos sa pagitan ng mga hita nito.

"Bu-buntis s'ya?" Hindi makapaniwalang naitanong ko sa sarili. "S-sorry, Stone."

Hindi na nito nagawang makasagot. Agad nitong binuhat si Nicole na siya namang pagdating ni Kenneth.

"Anong nangyari?" Tanong agad nito.

"Tawagin n'yo si Andrew, dali." Utos nito.

"A-Andrew? Sinong Andrew tinutukoy mo?" Takang tanong ni Kenneth.

"Yung kasama n'yo nila Julia. Siya ang doktor ni Nicole."

Lalo akong naguluhan sa mga pangyayari. At kailan pa naging doktor si Andrew?

Naguguluhang nagkatinginan kami ni Kenneth bago ito tumalima sa utos ni Stone.

Sumunod naman ako kay Stone na buhat parin si Nicole. Sa kwarto n'ya kami humantong.

Maingat na inilapag ni Stone si Nicole sa kama habang hawak ang mga kamay nito.

"Nicole, don't worry. Parating na si Andrew."

Hindi ko maintindihan. Alam kong wala sa lugar ngunit nakakaramdam ako ng selos sa nakikita kong pag-aalala sa mukha ni Stone ngayon. Pag-aalalang hindi ko naranasan dito nung ako ang naghihirap sa ospital sa pagkawala ng anak namin.

Wala na nga kaya akong puwang sa puso ng dati kong asawa?

Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon sina Kenneth at Julia. Kasunod ng mga ito si Andrew.

Biglang natigilan si Andrew nang magtama ang aming mga mata, ngunit agad din nitong binawi iyon at dinaluhan si Nicole.

"Kailangang madala natin s'ya sa ospital." Saad ni Andrew.

Agad namang tumalima si Stone at binuhat ang babae palabas ng silid na iyon.

Susunod sana ako ngunit agad akong pinigilan ni Julia. "Dito nalang tayo."

Napatitig ako dito bago sumang-ayon.

"Ako nalang ang sasama sa kanila." Presinta ni Kenneth.

~~~~~~

"Alam mo bang kilala pala nila si Andrew?" Basag ni Julia sa katahimikan namin ilang sandali narin ang nakalilipas buhat ng umalis sila Stone.

Pag-iling lang ang tanging tugon ko.

Ano pa ba ang hindi ko nalalaman kay Andrew? Sino ba talaga s'ya?

Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang totoo.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Julia nang tunguhin ko ang pinto.

"Kailangan kong malaman ang totoo. Alam kong, hindi nagkataon lang ang lahat."

"Sasama 'ko. May hinala na rin ako." Saad ni Julia na agad naunawaan ang iniisip ko.

DARE GAME [completed]Where stories live. Discover now