DARE GAME

22.6K 232 8
                                    

1 - DARE GAME

FAITH ZYDNEY'S POV

"Bartender, Long Island Iced tea please." Order ko, pagkaupo ko sa harap ng bartender.

"Are you sure ma'am?" Kunot noong tanong sa akin nito?

Ofcourse, sure ako. Tama naman pagkakabasa ko ng list of liqours ahh..

"Kuya, two shots of Tequila will do. Don't mind her." Agaw ni Julia na kadarating lang.

"Ba't ngayon ka lang?" Baling ko sa bestfriend slash cousin ko. "Saka, ba't binago mo order ko? Iced tea lang naman 'yon."

"Bugak! Seven spirits ng iba't ibang klase ng alak yung inorder mo in just one glass, magpapakamatay ka ba? Alam kong broken hearted ka pero, huwag mong sayangin ang buhay mo sa abnormal mong boyfriend. Or should I say, Ex boyfriend." Mahabang litanya nito.

Tumirik ang aking mga mata sa tinuran nito. Noon pa man, ayaw na ayaw na talaga ni Julia kay Clark kahit pa three years na ang naging relationship namin.

*****

Ako si Faith Zydney Veltran. And yes, I was broken hearted by now. Toooo much broken, huhuhu.

Bakit kami nag-break ng boyfriend ko for three years? It's just simply, Natukso lang daw. (--__--)

Kaya upang makalimot, nagpasya akong puntahan si Julia sa Panay, Aklan. It was near in boracay beach. I need a fresh air kumbaga.

Si Julia, she's an independent woman, a model, designer. She also owns a boutique. At ako, i'm just a simple girl na nag-aabang sa pamana ng aming butihing abuelo. Joke!

Sa makabagong teknolohiya ngayon, ako nalang yata ang napag-iiwanan dahil sa laki ako sa aking mga grandparents kaya umiikot lang ang mundo ko sa bahay at clothing line business namin.

Ewan ko, masyado kasing istrikto si lolo at takot akong suwayin siya, unlike Julia, she was a brave woman.

"Hey! Kanina pa kayo?" Bati ni Kenneth sa amin paglabas sa private office nito.

Humalik ito sa mga labi ni Julia.

"Guys, cut! Will you?" Iritadong saway ko sa dalawa.

Napahalakhak naman ang mga ito.

Si Kenneth ay boyfriend ni Julia at may ari ng Disco Bar na ito.

Pagkaabot ng bartender ng kopita na sinalinan nito ng alak ay agad ko itong nilagok. Inilapit naman ni Julia ang sliced lemon sa mga labi ko upang sipsipin ang katas niyon.

"Thanks!" I said.

"Ahm.. Faith, Love, may mga bisita akong darating kaya h'wag muna kayong magpakalasing na dalawa, 'coz we will have a little party." Saad samin ni Kenneth.

"O, narinig mo?" Baling ni Julia sa akin.

Rolled eyes. Kaya pala pinapunta ako nitong pinsan ko dito.

Hindi nga nagtagal ay nagdatingan na ang group of friends nina Kenneth at Julia.

"Guys, be ready magsipagbihis na kayo." Inporma ni Kenneth.

"What? Anong bihis?" Baling ko kay Julia.

"I told you, magdala ka ng panligo."

"Wala akong dala."

"Haizt! Sige na, bili nalang tayo diyan."

After namin mamili ng swim suit na binili namin ni Julia ay parang hindi ako kumportable.

Paano ba naman, it was a two piece bikini with beach cover-up na parang wala naman ding maitago.

"Para namang konting galaw ko lang Juls, kita na kaluluwa ko dito sa pinasuot mo?"

DARE GAME [completed]Where stories live. Discover now