HOLDING HANDS

8.1K 130 0
                                    

28 - HOLDING HANDS

STONE'S POV

"Have you seen her?" Bungad na tanong sa akin ni Kenneth nang tuluyang makapasok sa silid ko.

Pabagsak itong naupo sa sofa.

"Yeah! And she really changed a lot. Napakaganda n'ya." Sagot ko dito.

"Magkakasya ka nalang ba sa pagtanaw sa kanya sa malayo?"

"Wala pa 'kong mukhang maihaharap sa kanya, lalo na't hindi pa natatapos mga problema ko. Dalangin ko lang na sana gumaling si Nicole at tuparin ng lolo nito ang ipinangako niya sa akin."

"Sana nga maayos nang lahat. By the way, balak ko nang sabihin kay Julia na narito ka. Ayokong pagmulan pa ng away namin ang ilihim na narito ka."

Tango lang ang itinugon ko dito.

"Magse-celebrate kami mamaya dahil sa success ng fashion show nina Julia at Faith. Ayos ka lang ba dito?"

"Huwag mo 'kong alalahanin." Tinapik ko ito sa balikat. "Insan, salamat nga pala."

Napasulyap ito sa'kin. "Para saan?"

"Sa pag-intindi sa'kin."

"Drama mo! Di bagay sa'yo unggoy." Natatawang biro nito. "Maiwan muna kita baka hinahanap na 'ko ng Love ko."

Natatawang sinipa ko ito sa pwitan. "Lumayas ka na nga."

"Basta, Insan. Kung ano man mga plano mo, pag-usapan natin. Alam mong narito lang ako lagi para sa'yo." Seryosong saad nito.

"Salamat talaga, insan. Wala naman akong ibang hinahangad kundi ang makausap si Zydney at makapagpaliwanag, pero kumplikado pa talaga sa ngayon."

"Gawin mo, ako nang bahala kay Julia." Tinapik ako nito sa balikat saka humakbang palabas ng pinto.

Napabuntong hininga ako nang muling mapag-isa. Muling bumalik sa akin ang magandang mukha ni Zydney habang nagmomodelo kanina. Alam kong nasulyapan ako nito bago tumalikod ngunit agad akong nagkubli sa likod ng mga nanunuod.

Iniwan ko muna si Nicole sa bahay na tinutuluyan namin, sa kagustuhan din nitong mapag-isa at makapag-isip. Ang alam nito ay sa bahay namin ako nagpunta. Wala itong kaalam-alam na kinontak ko ang pinsan kong si Kenneth.

JULIA'S POV

"Siguraduhin mong hindi s'ya magpapakita kay Faith, Kenneth. Dahil pag nangyari 'yun, kakalbuhin talaga kita." Saad ko sa nobyo ko dahil sa ibinalita nitong narito si Stone sa Resort.

Naka-move-on na si Faith sa kanya at maayos na ulit ang buhay ng pinsan ko. Ano ito't narito na naman?

Haist. Sumasakit tuloy ang ulo ko.

"May ovarian cancer si Nicole, love. At dito sa Pilipinas balak na magpagamot."

"Karma n'ya 'yon. Mabuti nga kung mamatay na s'ya."

"Julia!" Nanlaki ang mga mata ni Kenneth sa sinabi ko.

"S-sorry." Hinging paumanhin ko. Nadala lang naman kasi ako ng galit dahil sa mga taong nanakit sa pinsan ko kung kaya't hindi ko napigilang makapagbitaw ng masamang salita. "H-hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko." Saad ko dito. "Sige na. Puntahan ko muna sina Faith at yung iba pa."

"Gustong makausap ni Stone si Faith." Habol nito.

Nilingon ko ito. "Bakit pa? Para saan pa Kenneth? Para muling pasakitan ng pinsan mo ang pinsan ko?"

"Julia, try to understand naman. Hayaan natin sila makapag-usap para makapagpaliwanagan. Malaki ang naging parte natin dito, at alam kong maraming tanong si Faith na tanging si Stone lang ang makakasagot."

DARE GAME [completed]Where stories live. Discover now