THE SOLUTION

12.7K 217 0
                                    

5 - THE SOLUTION

STONE'S POV

Napalingon ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iluwa niyon ang babaeng katatapos lang mag-shower, napatitig ako nang makita ang pagtulo ng butil ng tubig mula sa buhok nito pagapang sa leeg hanggang sa dibdib nito.

I gulp. Fvck! Para na naman akong sinisilaban.

"Ahm.. May extra comforter ka ba dito? Maglalatag nalang ako dito sa lapag." Alanganing tanong sa akin ni Zydney.

"Hey, Mrs. Faith Zydney Veltran Cuervo. Baka nakakalimutan mong asawa na kita? Sa palagay mo papayagan kitang matulog sa lapag? Tinatapakan mo ba pagkalalaki ko?" Seryosong sagot ko dito.

"H-huh? H-hindi, hindi naman sa gano'n. Siyempre ikaw ang may-ari nang lugar na ito kay- - -"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin pa nito. Hinila ko ito sa braso at inihiga sa kama. Niyakap ko ito upang hindi kumawala.

"Aaahh... ano bang ginagawa mo? Manyak ka!" Pagpupumiglas nito.

"Ako? Manyak? Baka nakakalimutan mo asawa na kita. Hindi lang tayo nagtabi na, may nangyari pa sa atin."

"Kahit na iba 'yon. Let go of me." Saad nitong pilit inaalis ang braso kong nakayakap sa balingkinitang katawan nito.

"As long na magpumiglas ka, mas lalo ko lang hihigpitan ang yakap ko sa'yo." Hinapit ko nga ang katawan nitong lalo at mahigpit na niyakap.

"H-hindi na 'ko makahinga." Reklamo nito.

"Dito ka nalang matulog, tabi tayo. I won't do anything to you, promise." Saad ko dito. "Ayoko lang din matulog sa lapag at lalo sa labas."

Napatitig naman ito sa akin. "O-okay." Alanganing sagot nito.

Niluwagan ko nga ang pagkakayakap kay Zydney.

Kahit gustung-gusto kong angkinin ang babaeng katabi ko ngayon ay nagpigil ako, as I promised. Nagkasya nalang akong yumakap sa nakatalikod na higa ng dalaga.

*****

"Kamusta insan, ang honey moon ninyo?" Nakangising bungad sa akin ni Kenneth.

Thumbs down. "Walang nangyari."

Humagalpak ito ng tawa.

Isang matalim na tingin naman ang ipinukol ko dito. "Nag-promise kasi ako sa kanya. Saka baka magalit kasi sa'kin at biglang iurong mga agreements namin eh."

"Natatakot kang iwan ng babae Mr. Stone Cuervo?" Dag-dag pang aasar nito.

Iniba ko nalang ang usapan kesa magpatuloy ito sa pang-aalaska sa'kin.

"Kailangan na namin umalis, alam mong may trabaho ako."

"Alam na ba ni Faith? May trabaho din 'yon."

"Patitigilin ko siya." Sagot ko.

"G*go! Sa palagay mo papayag 'yon? Atsaka, kailan mo ipapaalam kila tita at tito ang naging kasal mo?"

Napabuntong hininga ako. I have no idea either.

"At isa pa, kailangan din malaman ng mga grandparents nila ang sitwasyon niyo." Dugtong ni Kenneth.

"Tss! Tulungan niyo kaya akong mag-isip. Pakana niyong mag-jowa ito e." Iritadong saad ko dito.

Napailing-iling ito. "Isa lang alam kong solusyon insan - -."

FAITH ZYDNEY'S POV

"Nasnip, paano ko sasabihin kina lolo at lola ito?" Nag-aalalang tanong ko kay Julia.

Para kasing nakikini-kinita ko na ang magiging reaksiyon ng mga grandparents namin sa sitwasyong kinasusuungan ko.

"Tiyak ipahaharap nila ang mga magulang ni Stone." Parang balewalang sagot nito.

Napaawang labi ako sa sinabi nito. "P-pero, hindi ba't may iba nang babaeng gusto ang parents ni Stone for him? Paano kung ayawan nila ako?"

Hindi kasi problema kay Kenneth ang force or fixed marriage dahil abala ang ama ni Kenneth sa sariling lovelife kesa sa anak. Yes! Wala nang mother si Kenneth at abala ang ama nito sa babaeng susunod na pakakasalan.

Napabuntong hininga si Julia. "Isa lang ang naiisip kong solusyon - -."

KENNETH AND JULIA

"Magka-baby kayo."

DARE GAME [completed]Where stories live. Discover now