LOLO VS. STONE (FACE-OFF)

12.2K 227 1
                                    

7 - LOLO VS. STONE (FACE-OFF)

STONE'S POV

"Hello? Anong kailangan mo s- -" Naputol ang sinasabi ko kay Clark sa kabilang linya nang biglang bawiin ni Zydney ang cellphone nito at i-off ang tawag ng lalaki.

"Ano bang ginagawa mo?" Singhal sa'kin ng asawa ko.

"E, ayaw mong sagutin, edi ako na sumagot."

"At ano naman ang sasabihin mo kay Clark?"

"Na tigilan ka na niya, cause you're mine."

"Hindi mo 'ko pag-aari Stone. It wasn't fair. Oo, alam kong kasalanan kong lahat ito kaya napasubo ka sa sitwasyong ito, pero may kapakinabangan ka rin naman dito dahil magagamit mo ako para matakasan ang babaeng ipakakasal sa'yo." Emosyonal na saad nito.

Nagngalit ang aking mga bagang sa tinuran nito. Alam kong hindi naman sinadya ni Zydney ang nangyari pero sarili nito ang sinisisi.

Tuluyan nang kumawala ang mga luha sa mga mata nito. "Ang sakit, pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na. Peste kasing alak 'yan e. Peste kasing Clark 'yan, kung hindi niya ako pinagtaksilan, hindi sana ako humingi ng saklolo sa alak para makalimot sa sakit." Tuluyan ng napahagulgol ito. "Lumala lang tuloy lalo."

Nahabag ako sa babaeng kaharap ko. Ngunit nagpapasalamat parin ako at ako ang nakakita sa kanya ng gabing iyon at hindi ibang lalaki. Paano nalang ang dalaga kung iba ang nakaharap nito ng gabing iyon?

Unti-unti kong iniangat ang mukha ng dalaga na patuloy sa pagluha. "Nagpapasalamat ako at ako ang nakakita sa'yo ng gabing wala ka sa sarili mo, paano nalang kung ibang lalaki ang nakaharap mo?" Napatitig ito sa mga mata ko. "Sorry, ako ang nasa katinuang pag-iisip pero sinamantala ko ang kalasingan mo."

Umiling-iling ito sa sinabi ko. "Thank you, kasi ikaw ang nando'n."

Tinuyo ko ang mga luhang naglandas sa mga pisngi nito gamit ang aking mga palad. "We will go to your grandparents and we will let them know about us."

Seryosong tumitig ito sa'kin. "There will never be an us." Saad nitong gamit ang famous line ni Sarah G. kay Coco Martin.

Kung hindi lang nag-trending ang linyang iyon, baka akalain kong seryoso talaga ang asawa ko.

"Pwede ba, i'm serious." Naiiritang saad ko dito.

"P-pero totoo naman, wala namang tayo. I'm sure ipahaharap nila lolo ang mga parents mo and after a year, all of this will end."

"We will break that agreement."

"What?"

Napapitlag ito nang sakupin ko ng halik ang kanyang mga labi.

Iisa lang ang nasa isip ko ngayon, ayokong mabawi ito sa'kin ng dating nobyo. Gagawin ko ang suggestion ni Kenneth, I will make her carry my child.

FAITH ZYDNEY'S POV

Napapitlag ako nang biglang sakupin ni Stone ang aking mga labi.

Naguguluhan ako, natatakot ako.

Unti-unting kumilos ang mga kamay nito sa aking katawan.

"S-stone, wait." Pigil ko dito. "S-sorry, hindi pa ako handa." Sabi kong napayuko.

Napabuntong hininga na lamang ito. "I can wait."

Matapos ang tagpong iyon ay nag-usap-usap kami nina Kenneth, Julia, Stone at ako.

Napagpasyahan naming apat na sabay-sabay umuwi kina lola at lolo.

"Isang buwan ka lamang nawala, pagbalik mo may asawa ka na?" Galit na saad ni lolo. "Paanong nangyari iyon gayong si Clark ang nobyo mo?" Patuloy nito. "At ikaw lalaki, nasaan ang mga magulang mo?" Baling nito kay Stone.

"Lolo, nasa - -." Salo ni Julia sa sinabi ni lolo.

"Hindi kita kausap Julieta! Isa ka pang suwail." Umaktong sumasakit ang ulo ni lolo na inilagay ang kamay sa sentido. "Paano mong nagawa ito kung may nangyari narin sa inyo ni Clark? Daig mo pa ang kaladkarin babae."

"Alejandro, kumalma ka nga muna. Ang puso mo." Si lola.

Napaluha ako sa sinabi ni lolo, tagos sa puso ko ang sakit. Siguro nga, wala na akong ipinagkaiba sa isang kaladkarin.

"Lolo, birhen ko pong nakuha ang apo ninyo kung kaya't pulos kasinungalingan lamang ang sinabi sa inyo ni Clark. Nagtaksil po ito kay Zydney." Pagtatanggol sa akin ni Stone.

"Alam na ba ito nang mga magulang mo?" Patuloy ni lolo.

"H-hindi pa po." Nakayukong sagot ng asawa ko. "Nasa America po kasi ang parents ko. I just assured Zydney na hindi ko siya tatakbuhan kung kaya't inaya ko na itong pakasalan ako. I love her."

Bigla ang paglingon ko kay Stone sa tinuran nito. I guess, sinasabi lang nito iyon sa harap ng lolo ko.

"Haay.. naku.. hindi ko alam kung saan kami nagkulang ng pagpapalaki sa inyo ng lola mo. Sa lahat ng hirap at sakripisyo namin ay ito pa ang igaganti ninyo?"

"Lolo, sorry po. Patawarin niyo kami." Naiiyak na ako sa nakikita kong paghihirap ng kalooban ng dalawang matandang tanging nagbigay ng maayos na buhay at pag-aarugang hindi napunan ng mga magulang ko.

"Huwag po kayong mag-alala lolo. Ihaharap ko po ang aking mga magulang kapag po ikakasal na kami ni Zydney sa simbahan." Saad ni Stone.

"Siguraduhin mo lalaki. Dahil hindi ako magdadalawang isip na bawiin sa'yo ang apo ko, kahit pa kasal na kayo. Pero kung bibigyan niyo ako agad ng apo sa tuhod ay baka magbago agad ang isip ko"

"Makakaasa po kayo, lolo." Nakangiti nang sagot ni Stone.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga sinasabi ni Stone sa lolo ko. A marriage without love is so imposible.

Matapos ang usapan ay hindi na muna kami pinauwi nina lolo at lola. Sinabi rin ni Stone sa grandparents ko na balak na nitong lumipat na kami sa condo nito upang malapit sa pinagtatrabahuhan nito dahil nagpahinga lamang talaga siya sa Resort.

"Zyd, it's been a month since that night. Wala pa ba?" Tanong nito sa akin habang nagpapahangin kami sa beranda.

Sina Kenneth at Julia naman ang hinarap nina lolo at lola ngayon. Ginigisa marahil, hihi.

Hinawakan ni Stone ang kamay ko. "I mean, hindi ba nagbunga?" Tanong nito.

Umiling ako.

Iyon din ang ikinatatakot ko, ang magbunga ang isang gabing pagkakamali namin, kung kaya't laking pasasalamat ko nang datnan ako last week.

Bumuntong hininga ito. "Zyd, I want you to carry my child bago kita iharap sa parents ko. Sabi nila, walang hindi kayang palambutin ang isang matigas na puso nang isang apo."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Stone nang mga sandaling iyon nang biglang bumungad sa may gate namin si Clark.

"Faith!" Tawag nito sa akin na ikinalingon naming pareho ni Stone dito.

"C-clark," mahinang banggit ko sa pangalan ng lalaki.

Humigpit ang pagkakahawak ni Stone sa kamay ko. "Come on, matulog na tayo, maaga ang uwi natin bukas." Ma-awtoridad na boses nito.

Hindi ko alam ngunit, bigla nalang akong naging parang sunud-sunuran dito.

Nang makapasok na kami ni Stone sa silid ko ay napapitlag ako nang bigla nitong hapitin ako sa aking baywang. "I need you, Zydney." He huskily said then claimed my lips.

DARE GAME [completed]Where stories live. Discover now