ONE MORE CHANCE

7.7K 144 2
                                    

30 - ONE MORE CHANCE

FAITH ZYDNEY'S POV

"S-siya nga." Malawak akong napangiti at akmang lalapitan si Stone nang may biglang humigit sa aking braso. "N-nicole?" Nabiglang saad ko.

"Mabuti naman at kilala mo pa 'ko. Anong balak mong gawin? Lapitan s'ya? Para ano, sirain ang pagsasama namin?"

"Ikaw ang unang sumira sa amin, Nicole."

Sarkastikong napangiti ito. "Mahal mo pa rin ang asawa ko."

"Ang asawa mong inagaw mo lang sa akin." Matapang na sagot ko dito.

Dumako ang mga mata ni Nicole sa lalaking nasa di kalayuan. "Mukhang hindi niya tayo napapansin. Ano't ang lalim naman yata ng iniisip niya?" Muli itong lumingon sa akin. "Huwag mong sirain ang bakasyon namin kung ayaw mong hindi na s'ya makitang muli."

"At ano? Tatangayin mo ulit s'ya sa America?"

"Hmm.. good idea." Nakangiting sagot nito. "Pero hindi muna sa ngayon. Mag-eenjoy muna kami dito habang nagngingitngit ka sa selos."

Pashnea! Ibang klaseng babae 'to! Sapakin ko kaya 'to.

"Alam kong mahal parin ako ni Stone dahil inagaw mo lang s'ya sa'kin. Kaya nga hindi na 'ko magtataka kung ikaw ang nasa likod ng pagkawala ng anak namin ni Stone, para magalit s'ya sa'kin, para layuan n'ya ko."

"Tsk! Tsk! Pinagbibintangan mo ba 'ko?"

"Guilty ka ba?"

Biglang nagdilim ang aura sa mukha ni Nicole. "Bawiin mo s'ya kung kaya mo."

"Huwag mo 'kong hamunin."

"Hinahamon kita." Seryosong saad nito. "Kung magagawa mo 'yan, makakawala na s'ya sa hawla ko at masasagot lahat ng katanungan mo."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Hinahamon kita, Faith Zydney Beltran. Huwag mong ilalayo ang paningin mo sa'min."

Natigagal ako habang nakatanaw na lamang sa papalayong si Nicole patungo sa kinaroroonan ni Stone.

Seryoso akong napatitig dito.

Malalaman ko rin. Nicole!

NICOLE'S POV

"Stone." Mahinang sambit ko sa pangalan ng aking asawa habang nakayakap ako mula sa likuran nito.

"A-anong ginagawa mo dito, Nicole?"

"Nagpunta ako sa bahay n'yo pero wala ka." Umikot ako paharap kay Stone upang hindi nito makita ang babaeng nakatanaw lang sa amin.

"Paano mo nalamang nandito ako?"

"Kay Kenneth." Nakangiting sagot ko. "Sana sinabi mong gusto mong magbakasyon para nasamahan kita." Saad ko dito habang iginigiya ito palayo sa lugar na iyon habang si Faith ay napako na yata sa kinatatayuan nito.

"Hindi ka dapat nagbi-byaheng mag-isa. Paano kung sumumpong ang sakit mo?"

Napangiti ako. Sa nakikita ko, hindi huwad ang ipinapakita nitong pag-aalala.

Ang sarap sa pakiramdam.

"Nakapagpasya na ako, Stone. Pumapayag na ako sa operasyon."

STONE'S POV

"Tuloy." Sagot ni Kenneth sa loob ng opisina nito matapos ang ilang pagkatok na ginawa ko. "Paalis na ba kayo?" Tanong agad nito.

Alam na nito na pabalik na kami ni Nicole sa bahay bakasyunan ng mga ito dahil naitext ko na ito kagabi.

"Oo. Pumayag na s'ya sa operasyon."

"Sa tingin mo, pakakawalan ka talaga ni Nicole kapag gumaling na s'ya kahit lolo pa niya ang nagsabi?"

"Hindi na mahalaga iyon sa ngayon. Ang kailangan ay magamot s'ya."

Napabuntong hininga ito. "Tama ka. May gusto palang makipagkita sa'yo bago ka umalis."

"Sino?"

Bago pa man makasagot si Kenneth ay may kumatok na sa pinto ng opisina nito.

"Siya na 'yan. Maiwan ko muna kayo."

"Alam na ba ni Zydney?" Tanong ko bago pa man mabuksan ni Kenneth ang pinto.

"Alam niyang narito at paalis ka na, pero wala akong binanggit tungkol kay Nicole." Sagot nito at pinagbuksan na ng pinto ang panauhin. "Mag-usap na kayo." Saad nitong kay Zydney nakatingin.

"Stone." Marahang tawag nito sa'kin nang dalawa na lamang kami sa silid.

Gusto kong yakapin at agad na halikan ang babaeng ito ngunit hindi pa sa ngayon. Ayoko munang paasahin siya kahit ang totoo ay missed na missed ko na s'ya.

Ang mga labi niya, ang paglalambing niya, ang mukha niya. Ang buong s'ya.

"D-do you still resent me?" She ask with her teary eyes.

Gusto kong sabihing hindi, dahil alam kong wala s'yang kasalanan. Pero masasaktan parin s'ya sa sitwasyon namin ngayon. "Kailangan na naming umalis." Sa halip ay sagot ko.

Akmang bubuksan ko na ang pinto upang iwan na ito nang muli siyang magsalita.

"Hindi mo na ba ako mahal?"

Mahal. Mahal na mahal. "May asawa na 'ko."

"But you didn't love her. Do you?"

"It won't change, whether i love her or not. She's my wife."

Biglang lumapit ito at mula sa likuran ko ay yumakap ito sa akin. Ang mainit na braso n'yang nakapulupot sa baywang ko, pati na ang malambot na katawan nitong nakadantay sa likod ko.

I clench my teeth. Pakiramdam ko'y ano mang oras bibigay na ang pagtitimpi ko. "Baka hinihintay na 'ko ni Nicole."

"Sana tayo nalang ulit. Kasi ako totoo umaasa parin ako na sabihin mo, sana ako parin. Ako nalang. Ako nalang ulit."

Gusto kong matawa. Sa ganitong sitwasyon ay naisisingit parin ni Zydney ang mga linyang napupulot nito sa pelikula.

Kumalas ako sa pagkakayakap nito mula sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at marahang hinaplos ang pisngi n'ya.

Our eyes have met. "Hindi ako si Popoy. Ako si Stone."

Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na ginawa ni Zydney.

Agad nitong sinunggaban ng mga labi nito ang aking mga labi. Ang mga labi nitong kay tagal kong pinanabikan.

Wala akong ibang nagawa kundi agad na tugunin ang maalab nitong halik. Kusang kumilos ang aking mga kamay na agad ding yumakap sa malambot na katawan ni Zydney.

"F*ck! This is torture." Saad ko sa pagitan ng aming mga halik.

"Ba't di mo pakawalan?"

Agad na umangat ang isang palad ko sa dibdib nito.

Si Zydney lang ang may kakayahang baliwin ako ng ganito. Isinandig ko ang likuran nito sa dingding at agad na iniangat ang blouse nito kasabay ng kapirasong telang tumatabing sa dibdib nito.

Sh*t! Wala paring ipinagbago. Nakaakma na akong sumubsob doon ng biglang magbukas ang pinto.

"What the - -"

DARE GAME [completed]Där berättelser lever. Upptäck nu