THE EVIL PLAN

8.8K 134 0
                                    

15 - THE EVIL PLAN

FAITH ZYDNEY'S POV

"Pakiusap ma'am. Nagmamakaawa po ako. Huwag niyo pong idamay ang mga mahal ko sa buhay." Saad ko mula sa pagkakaluhod sa harap nang ina nang aking asawa.

Tumaas lamang ang isang kilay nito. "Sa tingin mo maaawa ako sa pagluhod mo?"

Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at may inihagis na folder sa harapan ko.

"Pirmahan mo 'yan at sa isang iglap lang, babalik ang lahat ng mga clients at investors niyo." Saad nitong nakahalukipkip.

Nanginginig ang aking mga kamay habang binabasa ang papel na galing sa folder.

Tuluyan nang naglandas ang masaganang luha sa aking mga pisngi.

"Isang pirma, kapalit nang negosyong pinaghirapan ng mga matandang nagtaguyod at nagpalaki sa'yo, pati narin ang negosyo nang pinsan mong wala ring binatbat na gaya mo. Ibang klase kayong magpinsan, Cuervo talaga ang pinuntirya niyo."

"S-si Stone. Paano po si Stone? We love each other ma'am, please let us." Pagsusumamo ko parin.

"I knew my son, nagrerebelde lamang ito dahil ayaw niya nang minamanduhan siya. But this is for his own good and future. Hindi ako papayag na basta nalang niya sirain ang sarili niya at magkalat ng lahi kung kani-kanino lang, and you know what? ginagamit ka lamang niya para pasakitan kami but at the end ay iiwan ka rin niya dahil hindi ito sanay sa hirap. Or else, gusto mo talagang mawalan na siya tuluyan ng mana at itakwil namin ng tuluyan?" Mahabang saad nito. Bumuntong hininga muna ito bago muling nagsalita. "Don't worry about that child in your womb. Isa parin iyang Cuervo kung kaya't kukunin ko iyan pagkapanganak mo."

Shock ako sa aking narinig.

Kaya ba pumayag si Stone sa one year agreement ng kasal namin ay upang pasakitan lamang ang mga magulang nito?

Napatiim bagang ako. "Not my child."

"Okay, palakihin mo siyang bastardo or- -" Bahagyang ibinitin nito ang sasabihin. "Ipaako mo, kung kani-kanino."

Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod ko at pinahid ang mga luhang namalisbis sa aking mga pisngi.

Sobra na ang pagpapakababa ko and I wont let them hurt me again or even my family.

"Ipangako niyong patatahimikin niyo na ako, ang pamilya ko, or even my child."

"My word is yours."

Kahit labag sa aking kalooban ay pinirmahan ko ang annulment paper nang kasal namin ni Stone.

Alam kong iisa lang din ang patutunguhan nito. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin.

I can sacrifice my own happiness para sa ikatatahimik ng lahat.

Problemahin nalang nila si Stone. Dahil kung talagang mahal ako nito, hindi ito makikipag-coope rate sa mga ito.

"Aalis na po ako." Paalam ko dito.

Ikinumpas lamang nito ang isang kamay na kulang na lang ay sabihing, ayaw na kitang makita pa.

NICOLE'S POV

"Mama, totoo bang hahayaan niyo nalang ang babaeng iyon at ang magiging anak nito?" Tanong ko agad kay Arabela pagkaalis nang babae.

"Siyempre hindi. Dugo iyon ng Cuervo at apo ko. Ayokong gamitin niya ang apo ko balang araw sa amin." Sagot nito.

Lihim akong napatiim bagang.

Ayoko ng may kaagaw kanino man. Kaya kong bigyan ng anak si Stone. "At paano si Stone? Paano kung hindi ito pumayag kahit pumirma na ang babae?"

DARE GAME [completed]Where stories live. Discover now