"Balik na tayo sa suite natin sa hotel, mas maganda ang view doon" bulong nito sa tenga kong ikinalingon ko dito.

Nakangisi lang itong inaya akong pabalik sa Venetian Hotel.


-----------------

Ilang buwan ang lumipas...

"Girl, may bago sayo, you look different" nakatitig na sabi ni Anne.

"Huh?"

"Nag se sex na kayo ng asawa mo?" diretsong tanong nito.

Namula akong di nakasagot agad.

"Sheet! nagtoo tooot na nga kayo!!!" sabi nitong tuwang tuwa na pumalakpak pa.

"Wag ka ngang maingay,nakakahiya" sabi kong namumula pa rito.

"Ano na? magkwento ka dali, masakit ba? masarap ba?ilang beses? malaki ba yung kay Jax?" kulit na tanong pa nito

Lalo akong namula sa hiya, wala ngang pinapalampas si Jax na araw.

"Susmiyo naman Anne,ang dami mong tanong  pati ba naman sa ano ng asawa ko itatanong mo" natatawa kong sagot na ramdam ang pagiinit ng aking pisngi.

"Intayin mo na lang yung experience sayo" dagdag ko pang tawa dito.

Napasimangot ito.

"Buti ka pa girl, ako ayaw pansinin ng crush ko, halata ring may gusto sayo yun eh" nakapangalumbaba sabi nito.

"Ligawan ko na kaya?" sabi pa nito na siyang ikinatawa ko.

"Oh, ayan padating na ang crush mo" tukso ko sa pagdating ni Kier na papalapit sa amin.

"Mauna na ako girl, kinakabahan ako eh, parang naiihi ako sa kaba" sabi nitong nagmamadaling umalis.

"Hi Partner" sabi nitong tamad na umupo sa tabi ko.

Ngumiti ako.

"Anong nangyari doon?" tanong nitong tukoy kay Anne malamang.

"Nahihiya sayo"sagot kong nakangiti rito.

Kumibit balikat lang itong nakatingin sa akin.

" There's something new to you, you look different" sabi rin nito ng parang kay Anne kanina.

"Huh? wala naman, kamusta na yung research natin?all set na ba?" pagiiba ko ng usapan.

"Okay naman, preparation na lang for defense and almost patapos na lahat" sabi nito.

"Mabuti naman, nakakastress na yan eh" sabi kong natatawa dito.

Ilang buwan na lang din ay gragraduate na kami kaya kung sa toxic ang taon na ito ay sobra talaga. Naisip kong magtake over ng bussiness ng kumpanya ni Daddy pag graduate ko, minsan na rin naming napagusapan yun ni Jax.

Alam ko ring nagulat si Tito Rene ng nagtake over si Jax sa kumpanya pero wala siyang nagawa dahil yun talaga ang nasa testamento ni Daddy. Sa ilang buwang lumipas ay nagpalit ng mga tao si Jax, at nagtanggal ng empleyado kabilang na doon sina Tita Cynthia at ibang Finance Manager at Auditors.

Tinuturuan ako nito ng mga ilang bagay sa negosyo mula sa bahay bukod dito ang pagsama nito sa akin ng nakipagdeal siya sa isang investor sa Macau.

"Gusto mo bang itsek yung mga nagawa kong data?" tanong ni Kier.

Tumango ako.

"Dun na lang tayo sa cofee shop,may wifi doon" sabi nitong ikinayunan ko.

Paglabas namin ng campus ay siyang aninag kong may papalapit sa amin, napatigil akong napahawak sa braso ni Kier na siyang ikinalingon nito sa akin.

Scent of Heaven (Jax and Mara )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें