Sinipat ko ang wristwatch ko. Anong oras na pala! Baka hinihintay ako ni Ms. Fe!

"Miles!" sigaw ko nang sa wakas nakarating ako sa gate one. Nakatalikod siya, nakasuot ng gray jacket at nakasaklob ang hood, naka-black jeans din siya at Timberlands ang pang-paa. Yumuko ako at humawak sa tuhod ko upang maghabol ng hininga. Ang layo ng tinakbo ko! "Miles!" tawag ko ulit dahil hindi niya yata ako narinig.

Humarap siya sa wakas habang nakakunot ang noo, "Miles?"

Hindi lang ako napanganga, nabuwal pa ako dahil bumigay ang tuhod ko.

"Nakipagkita ka sa'kin pero si Miles ang hinahanap mo?" tumingin siya sa hawak ko, "Bakit nasa'yo 'yan?"

Ilang beses akong lumunok dahil napunta yata sa lalamunan ko ang puso kong sobrang bilis ng tibok. "H-hindi ako nakipagkita sa'yo!" napasigaw ako, pumiyok pa sa last word.

Tumaas ang kilay niya, "Miles said you wanted to see me."

"I d-don't! Si Miles ang n-nakikipagkita sa'kin d-dahil naiwan niya 'tong jacket niya." nanginginig na paliwanag ko. Hindi ko inakalang makikita ko siya ngayon, hindi handa ang puso ko. Kaya pala sobrang bango ng paligid! Tinalo ang mabangong leather jacket na hawak ko.

Ang tagal niyang nakatitig sa'kin, para bang sinisigurado kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Tumitig na lang din ako sa kanya.

Grabe, sobrang na-miss ko si Jacin Mendes.

"Hindi a-ako nakikipagkita sa'yo. You told me to stop bugging you—"

"We've both been fooled." sabi ni Jacin, hindi ako pinatapos sa sasabihin ko. Bumuntong hininga pa. "Miles set us up."

"Bakit n-niya naman gagawin 'yon?" Ibig sabihin ba, pumunta dito si Jacin dahil akala niya nakikipagkita ako sa kanya? At pumunta naman siya?

Nagkibit balikat siya, "Ask him." He says then offers me his hand, hindi pa pala ako nakakatayo simula ng mabuwal ako.

"Itong jacket ba?" Gusto ko kasing makasigurado. Ayokong umasa na aalalayan niya ako sa pagtayo. Paano kung itong jacket pala ang inaabot niya? Ayokong mag-assume.

"What? Your hand of course." Hindi na niya hinintay ang pagkilos ko, siya mismo ang kumuha ng kamay ko at inalalayan ako patayo. Kinuha niya na rin ang jacket ni Miles. "Ako na'ng magbibigay sa kanya."

"Salamat." Pinilit kong hindi mautal. Si Jacin lang naman siya, si Mr. Perfect lang, at espesyal na tao lang naman siya sa buhay ko. "Sige." Tinalikuran ko siya. Tatakbo na sana ko pero bigla siyang nagsalita.

"Bakit babalik ka pa sa loob?"

"May trabaho ako." Hindi lumilingong sagot ko.

"Trabaho?"

"Student assistant sa library."

Nang hindi na siya nagsalita, humakbang ako—

"June."

"B-bakit?" nauutal na naman ako! Pero hindi na siya nagsalita ulit. "May s-sasabihin ka pa ba?"

"Harapin mo muna ko. Ayokong makipag-usap sa likod mo."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ba gano'n ang tono niya? Parang nakikiusap na hindi ko maintindihan. Ilang beses na niyang ginamit sa'kin ang tonong 'yon!

Hindi ko rin naman siya kayang tiisin, kaya dahan-dahan akong humarap sa kanya.

"Naglunch ka na ba?"

"Oo." Pero hindi 'yon ang sinagot ng tiyan ko. Napapikit na lang ako sa kahihiyan.

Tumikhim siya kaya napadilat ako. Jacin's lips form a thin line, pilit na pinapaseryoso ang mukha at parang nagpipigil ng tawa.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon