Pero yung mga tingin ni Axel sakin. Hindi mo maiwasang kiligin parang kahit anong oras ay matutunaw ka.

"Axel thank you. Thank you sa lahat ng 'to"

Ngumiti muna sya bago magsalita.

"Welcome Kyla. Are you happy?" Tanong nya.

"Oo naman. Ito ang first date ko." Nakangiti kong sabi."Pero bakit gusto mong maging first date ko?"

"Because I--" Saglit syang tumigil at ngumiti. Matagal syang tumingin sakin habang nagsasayaw kami. Naramdaman kong medyo humigpit ang hawak nya sa bewang ko.

"Ano na? Axel?"

"Uhh. Dahil Kaibigan kita" Medyo nalungkot ako sa sinabi nya pero mas pinili ko paring ngumiti sa harap nya. First date ko ito kaya kailangang maging masaya ako. Tama naman sya eh kaibigan nya ako. At kaibigan ko rin sya. Hanggang doon lang ba iyon? Bakit ba kasi umaasa ako na magugustuhan nya ako?!

"And you're important to me."

'Importante ka rin sakin Axel dahil gusto kita' gusto Kong sabihin iyan sa kanya pero walang salita na lumabas sa bibig ko para sabihin iyon. Pero kahit papaano naging masaya ako lalo na yung sinabi nya na importante ako sa kanya. Sapat na siguro iyon.

"Salamat" yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Natapos kaming magsayaw ay pinili naming pagmasdan yung view sa baba. Tapos yung mga star ang saya nilang tignan. Biglang humangin kaya hindi ko maiwasang hindi lamigin. Naramdaman ko nalang na inilagay ni Axel yung jacket nya sa balikat ko.

"Salamat" ngiti lang ang sinagot nya sakin. Sumandal kaming dalawa sa isang puno na dati rin naming sinandalan.

"Axel?"

"Hmm?

"Ikaw sino yung first date mo?" Hindi ko na talaga mapigilan ang gusto kong itanong sa kanya.

"Hmm. Hindi ko matandaan"

Sinamaan ko sya ng tingin na ikinatawa lang nito.

"Axel? May nagugustuhan ka na ba?" Hindi ko alam kung bakit ko natanong yan.

"Why?"

"Wala. Masama bang malaman?" Nakasimangot kong sabi.

"Hmm. Maybe"nakangiti parin sya. "But yes meron."

Sino kaya sya ang swerte nya. Si Axel Blake Smith may gusto sa kanya? Jusko! Kiligin kana.

"Ikaw?" Sya naman ang nagtanong.

"Oo. Meron"

"Sino si Ash ba?"

"Huh?" Nagulat naman ako sa sinabi nya si Ash? Bakit naman si Ash ang naisipan nyang sabihin. 'Ikaw iyon Axel! Jusko batukan na ba kita ang manhid mo eh' gusto kong batukan sya at sabihin yan pero hindi ko magawa.

"Tss. Remember? Yung nilagyan nila Amanda ng pintura yung palda mo? Diba may nakita kang palda noon sa cr? Si Ash ang may gawa nun."

THE POOR GIRL'S REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon