Nu ba kasing problema?!

Start from the beginning
                                    

Nakatingin lang ako sa mga clothes, nanghahalungkat sa may sale. bwahaha! Pero kahit mag sale, mahal pa rin. Nakakita ako ng isang cute na dress, pagtingin ko, 2,400. * GULP* Okay, Ang mahal. nyahaha. 

" Gusto mo niyan? :D " - Marie. 

" Ang mahal pala ng mga damit dito, pero magaganda. " Sabi ko.

" Wait lang... " Pumunta siya sa counter. Tapos pagbalik niya sakin ay may dala siyang paper bag na may AnnSaMarie na nakasulat. Kinuha niya yung dress na tinignan ko kanina tapos nilagay sa paper bag.

" Oh... sayo na  :) " Tapos inabot sakin ang Paper Bag. SERYOSO!?

" Talaga?! Seryoso ka!? Ay.. Pero.. Ang mahal - "

" Wait Marie! Ipasukat mo muna sa kaniya. " - Anne.

" Ayy Oo ngaa!! Sige isukat mo! " Nilabas niya ulit yung dress sa paperbag. Hinintay nila akong kunin iyon. Pumayag na rin ako. Lewls.

Dun ako sa fitting room . Sinuot ko na yung dress. Paglabas ko ng fitting room.

" WOOOW! ANG GANDA MO BEST! " - Angel.

" Ako ba maganda o ang dress? " Nyahahha

" Ikaw! Syempre!! " - Sam.

" Ang cuuute!! " - Anne.

" Di kana pakawalan ni Lance nyan. haha " - Chris.

" Lance! What do you think ? " Tawag niya kay Lance na may kausap sa phone. Lumingon si Lance sakin tapos nag okay sign.

" Sige! Kunin mo na to! Ibibigay na namin to sayo :) " - Marie.

" Kay Angel naman, para sayo to  :) " - Anne. Tapos inabot niya ang isang paper bag.

" Para sakin ?! " - Angel. Hindi best hindi, Clara na ang pangalan mo. psh. HAHAHA.

Nag nod si Anne.

" Thank you!! " Tuwang tuwa naman si Angel. Of course! Ako nga eh! 

Di lang yun! Bago kami lumabas sa store nila, binigyan pa nila kami ng sandals. Grabi talaga. Ambait nila anoh? Bakit di kaya nagmana si Lance sa kanila? Nyahahha joke lang! Nagpasalamat rin kami ni Angel ng paulit ulit. hahaha

Paglabas namin sa store, Lakad kami ng lakad sa mall. Napansin kong nangiba ang facial expression ni Lance. Parang may iniisip yata siya. At ang pag-iisip na yun ay sobrang lalim naman kasi di na siya nagsasalita. Ewan ko, napano to si boyfriend? 

" Lance? Okay ka lang ? " - Ako.

" Ha? ... uhm .. yeah. " Sabi niya sabay nod.

" Di nga? Eh ba't ganiyan ang mukha mo? May problema ba? " Wow, concerned girlfriend na raw . Ngumiti siya.

" Sabi ng wala, ang kulit talaga. " Pinisil niya ang ilong ko.  Tapos inakbayan niya ako. Napansin kong nag flash ang camera. Ayan na naman, pinagtripingan na naman kami.

" Uy! Delete nyo yun! " - Ako.

" NOO !! :P " - Marie. Hindi na ako makapalag. nyahaaa.

Pagkatapos naming mamasyal, bumalik kaming lahat sa kotse. Pero lumabas si Lance. 

" May nakalimutan ako, wait lang kayo dito. " Sabi niya tapos pumunta na siya dun. 

So naghintay kaming lahat sa sasakyan. Nagpabili sina Anne ng pagkain sa body guard niya, para raw lahat samin. Ang tagal kasi ni Lance. 40 Minutes na siyang wala pa. Nagtext na rin sakin si Nanay na uwi na raw ako... Pero wala pa si Lance, so hindi pa pwede.  Tapos nung may snacks na kami.. Kain kami ng kain, kwento ng kwento .

Ang tagal naman kasi ni Lance!! Mag iisang oras na namin siyang hinintay tapos, wala pa rin .. text na ng text si Nanay. Siyempre, concern yun.. first time kong mag out of town na mga kaibigan ko lang ang kasama.

I didn't bother to tell them na papauwiin na ako kasi nasiyahan sila sa pagkukwento at pagkakain, kaya nga siguro wala na ring nag-abala sa kanila na puntahan o hanapin siya.   Pero ako, i'm feeling kind of bothered na wala pa rin siya. Ewan ko. 

Matapos ag isang oras....

" Nasan na ba si Lance? Ang tagal niya. " - Chris. Sabi niya pagkatapos uminom ng coke. Wow, ngayon lang sila nakapasin na ang tagal pala ni Lance -.-

" Pinapauwi na ako ni Nanay. " - Sabi ko. Habang naka pout.

"  Nasan na ba yun? Itext nyo nga. " - Angel.

" Sige wait... " Kinuha ni Sam ang cellphone niya sa kaniyang bulsa.

" Ayun na si Lance! " - Anne. Turo niya sa may window. Nakita na nga namin si Lance , naglalakad siya patungo sa sasakyan. 

Maya maya ay binuksan niya ang pintuan tapos sumakay sa front seat. He's face is really serious. Bakit nga ba? kanina pa to ! May dala siyang isang malaking paper bag. Yun lang?! Kung ano man ang binili niya, isang oras ba talaga ang kailangan para dun?! Woooow.

" Ba't ba ang tagal mo? Pinapauwi na ako ni nanay, di mo ba iniisp na is- " 

" SHUT UP ! " - Nabigla silang lahat sa sinabi niya. Well, ito na naman. Pagtatalo na naman ba?

Tahimik lang silang lahat. Tapos umandar na yung sasakyan. 

" Ah ganun, shut up?! Ikaw pa yung nagpahintay samin ng isang oras tapos kami pa ang walang karapatan magreklamo?! Tapos may binili ka lang pala?! Kailangan ba ng isang oras para bumili?! " 

Oo nga naman! Pinayagan na nga siya ni Nanay na isama ako sa Tarlac, lucky for him! Kasi di talaga pumapayag si Nanay pag out of town na, pero ito siya, taking advantages, pinahintay ng isang oras sa kotse tapos pagbalik, nagsusungit na naman! Aargh.

" ANO BA!! PAKEALAM MO?! PARA SAYO TONG BINILI KO!! " Yung... Yung paper bag? Para sakin yun? 

" Eh ba't ang tagal mo!?! " Kunwari di kinikilig. 

" It's none of your business. " Tapos nilagay niya yung paper bag sa center ng front seats. Nacucurious ako, kaya kinuha ko yun.. heehe. Para sakin naman to diba? Soft siya... parang stuffed toy ang nasa  loob.

Tinignan niya ako. 

" BAKIT MO YAN PINAKEALAMAN?! " 

" Eh para sakin to diba? " 

" HUWAG NA! WALA NA AKO SA MOOD! AKIN NA NGA YAN! " Tapos he grapped the paperbag away from me -.- 

Malabo! sabi niya kanina para sakin to tapos ngayon, ayaw na niyang ibigay. Stupid, mayabang and still demonyo boyfie! Pinaghintay kami ng isang oras para bumili ng stuff toy para sakin pero pagdating sa kotse, ayaw na niyang ibigay kasi wala na raw siya sa mood niya. Wow, siya pang may karapatan mawalan ng mood? TSSSS

I was BV also. Bahala siya! Hinatid namin ang tatlog magkapatid sa bahay nila , syempre, nag thank you ako sa kanila tapos hiningi nila number ko then dumiretso na kami pabalik sa Manila. Tahimik lang kaming dalawa ni Angel.

Alam niya kasing umiinit ulo ko kay demonyo -.-

Tinamaan na akoWhere stories live. Discover now