Finale

1.5K 19 0
                                    

AUTHOR: Hey guys! I know you've been expecting for book two but with busy sched and less motivation (honestly) I think I won't be able to do it. I'm sorry pero yun nga, I'm trying my best na kahit matapos ko lang ang storyang ito. So this is it!! The end na. I hope you'll like it guys and I'm sorry for such a loong loong loooong wait.

Note, may epilogue :)



--------------
FINALE.
AUTHOR'S POV


Ngayon, nasa labas ng emergency room si Mike, naghihintay ng update mula sa doctor. Inaasaikaso pa kasi si Lei sa emergency room. Mabuti at may nakakita pang hotel employee sa kaniya na nahimatay na sa may pool kaya nakatawag agad ng ambulansya. Nalaman agad ito ni Mike at sumugod na rin siya sa hospital.

Nakaupo siya sa bench ngayon habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa forehead niya. Hindi na rin niya mapigilan ang maiyak. Tahimik lang siya pero malalakihang patak ng mga luha ang tumutulo sa kaniyang mukha. Alam niya at alam ng lahat na anytime, something worse could happen.

Alam na rin niya na si Lance ang dahilan kung bakit sumama ang pakiramdam ni Lei- kung bakit siya inatake. He knew it kasi naiwang nakabukas ang laptop ni Lei at nakita niyang si Lance ang last na kachat nito.

That dumbass. He thought.

Ni hindi man lang nagpakita ng sympatya ang gago ngayong na-ospital si Lei nang dahil sa kaniya. Asan na ang gago ngayon? Nagpapakasaya? Kung pwede lang sana na siya nalang ang halos nabawian ng buhay.

"Doc, kamusta na siya?" Halata sa boses niya na pinipilit niyang hindi ito magcrack but however, failed to.

"Hijo, she's fine but.." Inalis ng lalaking Doctor ang eyeglass niya and sighed.


******
(meanwhile, sa bar)


"Duuuuuuude!! Isaaaa paaaaa!! Hooo!! Sigeee pa!!" Nakaupo ngayon si Lance sa stool na nasa harap ng bartender habang binigyan siya ng ilan pang botilya. Ilang botilya na nga ang naubos eh. Pagkatapos ng nangyari nila ni Lei, dumiretso siya kaagad dito ni hindi man niya nga alam kung ano ang nangyari kay Lei. Sabagay, wala din naman kasi siyang alam na may sakit pala ito.


All he knows is that nasaktan rin siya dahil nasaktan niya ang taong mahal niya. Very much indeed, mahal na mahal niya si Lei. At nagi-guilty siya dahil imbis na minahal niya ito sa madaling paraan, he did it the wrong way, it all started with a dare. Ni-hindi man nga lang siya aware na mahulog siya dito in the first place and that was the worst part. Sumang-ayon siya sa plano ni Philip kasi galit rin siya kay Lei at dahil sa utang ng Daddy niya pero noong narealize niya na mahal na niya pala ito, wala na siyang nagawa kundi ang lumayo kasi alam niyang may masamang gagawan si Philip pero yun nga, umiwas nalang siya, pinakitang galit siya kay Lei na hindi naman niya alam na nasasaktan na pala ito. Ganoon siya ka babaw. Ni hindi man lang niya naipaglaban ang babaeng mahal niya. Ipinalabas pa niya na si Athena pa ang mahal niya. That's bullsh*t! Ang gago naman niya! Mahal niya naman pala eh, bakit ganito ang nangyayari ngayon?!


Uminom pa siya ng uminom. Naghe-head bang na siya at ang kamay niya ay pakaway kaway na sa ere. Pati nga yung bartender hindi na alam kung ano ang gagawin hanggang sa naubos na ang lahat ni Lance ang binigay na bote ng bartender.


"Isaaa paaaaa!! Isaaaa pa!!!" Sabi ni Lance in a ver loud voice na pati yung mga taong nasa malayo ay napalingon sa kaniya.

"Sir, tama na po. Nakainom na po kayo ng marami, lasing na po kayo." Sinubukan ng bartender na kunin na yung bote sa kamay ni Lance.

Binawai agad ni Lance ang kamay niya para di ito makuha ng bartender. May laman pa din naman iyon pero maliit nalang. "Hindiiiiiii akooo lasing!!!! Isang botilya paaa!!!"

"Sir, tama na po baka di niyo na po makayanan." Naghesistate yung bartender na ikinigalit bigla ni Lance. Tumayo siya agad mula sa stool at kinwelyuhan ang bartender.

"Saaabiii ng isa pa eh!!!!! Hindi pa ko lasing! Kaya ko to!! Sa tingin mo ganun na ako ka gago na hindi ko to kaya?!!" Kung ano ano na ang pumapasok sa isipan niya at dala ng galit ay hindi na niya napigilan ang sarili niya na suntukin yung bartender. *Tugsh!!*


***********


"P-po?" Tanong ni Mike sa doctor. "You mean.." He left the sentence hanging.

"Yes, meaning lumala na ang sakit niya. We've noticed that she haven't taken her meds and also, hindi na rin siya nagpaconsulta sa doctor. I also advice for her to stay in the hospital. These days are the most crucial times already and it's the only choice left. " Napatulala nalang si Mike sa sinabi ng Doctor. Nagreplay sa utak niya ang sinabi ng doctor. 'Most crucial times'. Alam na niya ang ibig sabihin noon and that just tore his heart into smaller pieces.

"D-Doc, pwede bang makita ko muna si Lei?" He asked. Una, hindi umimik ang Doctor. "Please?"

"Alright." Finally, sabi ng doctor. "Okay na din naman siya but she's still unconscious. May nurse pa din naman sa loob. Now if you'll excuse me." Sabi nang Doctor at umalis na. Si Mike naman ay pumasok na sa room.

Tinamaan na akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon