#11 - Inlove? Inhate?

2.7K 35 7
                                    

CHAPTER 11

LEI'S POV

Binuksan ko ang gate namin ng nasa labas pala ng bahay si nanay.

"Nak, kanino iyang kotse?" Tanong niya sakin. Tinignan niya ito ng maaigi. Narinig niya siguro nung papunta pa ito, akala niya tuloy si Tito Joe.

"Ha? Eh... kay Lance po." Naglamano ako.

"Lance? Yung nakaaway mo!?" Nashock siya. Alam na niya pala. Kausap niya nga pala si Madame principal kanina.

" Uh.. Opo. "

Pumasok na kami sa loob. Napaupo kami sa sofa. "Inaway mo siya tapos nagpahatid ka? Wala kabang hiya, anak?"  Si nanay naman. :/

"Siya ang nag-offer samin ni Angel at Chris, eh. Alangan naman... "

"Kapal ng mukha ng babaeng to.. " Medyo natawa pa si Mama.

"Mama naman eh. Ewan ko ba diyan kay  Lance, eh. "

"Naku anak, baka away lang iyan ng away sayo, iyon pala nagkakacrush na sayo. " Kung anu-ano nalang ang iniisip ni Mama oh. "Ayeeee!"

"Yuck, ma. Pwede ba, kinikilabutan ako sa pinagsasasabi mo."

"Tapos, baka mainlove ka rin anak. Uuuy"  Tinutukso ako ni nanay. 

"Yaks Ma!! Never!!!"

"Asuuus! pakipot ka, eh! Naku talaga, mga kabataan talaga ngayon. Iba na kung dumadamoves. Naku, anak. Mag-ingat ka ha. Ma inlove ka. Ayeee!!"

Tumayo na ako kasi walang patutunguhan ang usapang ito. Crush daw ako ni Lance tapos maiinlove rin daw ako sa kaniya? Wow. -_______- Nonsense lahat, eh. Anong love love ? Siguro, noon, may kaunting feelings ako sa kaniya nung una ko siyang nakita. Pero bigla lang iyong naglaho at never na iyon babalik.

LANCE'S POV

Kakauwi ko lang sa bahay. Sigh, kakapagod naman maglinis ng quadrangle. Bakit ba kasi. Dapat ganon. Tapos, hindi pa kami nagkakasundo ng kasama ko. Hinatid ko na nga kanina, demanding pa masyado.

Nakahiga lang ako sa kama ng biglang tumunog ang Jetlag, ang ringtone ng iPhone ko. Tinignan ko ang caller. Si Chris. I accepted it.

"Oh, ba't ka napatawag?" Tanong ko sa kaniya.

"Nakauwi naba si Lei?"

"Nope, she's here in my room. We're doing something." Biro ko. Mwahaha.

"Gago ka Lance!!"

"Hindi, joke lang. Nakauwi na iyon." tumawa ako.

"Sure ka ha, nagtatanong kasi si Angel. "

"Oo nga."

"Teka ... Akala ko ba enemies kayo? Eh bakit mo siya inihatid?"

"I dont know.. Just to be nice."  Sagot ko.

"Lance, ano ba kasi ang plano mo?"

Anong ibig sabihin nito? Plano kay Lei ? Baliw ba to? Ako? May plano sa babaeng iyon? Hahaha. Nice joke. Siguro meron. Like itorture siya or pagtawanan siya. Something like that.

"Kay Lei? Ako? May plano kay Lei? Haha!" Tumatawa ako.

"Come on Lance.. "

"I don't have any plans para sa pandak na iyon, kinukulit kulit ko lang."

"Eh baka sa pagkukulit mo'y, matuluyan kang mainlove. Haha!" Tumawa ito.

Adik. Ako? Mainlove sa pandak na iyon ? Tae lang. To be honest nga, walang wala siya sa mga type ko. Ang pandak kaya nun! Tapos, ang ugali pa. Palaban, parang hindi babae kung umakto.

"Baliw ka ba 'tol?! Hindi ko type iyon noh."

"Lance, kilalang kilala kita. Kahit sino man, magustuhan ka, bababae o bakla, matanda o bata. Paano na kung magugustuhan ka ni Lei? "

What a thought? Ako?! magugustuhan nun? Ang tigas kaya nun.

"Hindi rin iyan mangyayari. Babae yata ang gusto nun eh. Haha, kung mainlove siya sakin, kawawa siya."

"Ewan ko nga sayo. Pero kung may masamang mangyari dun, kahit magkaibigan tayo. Suntukan talaga. Kaibigan ko rin yun kaya mag-ayos ka 'tol. Sige, bye! "

"Bye. " Iyon lang sinabi ko, call ended na agad.

Gago talaga tong si Chris.Ako? Mainlove kay JILLIAN LEIGH FUENTES ? OH COME ON! Kahit siguro kami nalang ang dalawang tao sa buong mundo. Hinding hindi talaga iyon mangyayari.

I choose girls wisely. Iyong magaganda talaga and girly. Hindi iyong parang tomboy. Tae lang. Kung tatanungin mo kung anong uri ng lovelife ang napagdaanan ko..

 Siyempre, sino ba namang hindi magkagusto sakin ? Gwapo ako. Mayaman, hot.

Kaya, I had some flings in America. Flings lang din naman iyon, not so serious. I bring them to my house. Tapos magpaparty kami. Iyon lagi ang kinaiinggitan ni papa. I'm just having fun.

Ano ba ang nakakasama dun?

Well, back to my lovelife.  I met this girl named Athena Fernandez. Last year lang. From fling-fling, nauwi sa serious relationship. Yes, she was the first firl who made me feel so in love. Naging okay na sana ang lahat. Kaya lang, pinauwi ako ni papa dito sa Philippines.

So iyon, nakikipag break-up siya sakin before I came back here. Nakahanap na rin siya ng iba.

That's why I was so mad because I almost lost everything dahil lang pinauwi ako dito.

Ewan ko ba, inlove lang talaga siguro ako sa babaeng iyon. Tapos nanigas na rin ako lalo sa tatay ko dahil dun. She was a one beautiful girl, sweet, hot and caring.

Nawala lang lahat ng narito na ako. Sabi kasi ni daddy, spoiled ako. Come'on. I'm just having fun naman talaga. So, ayon. I suffered from heartaches.

Whatever.

Past is past nga daw, eh. Diba ?

Tinamaan na akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon