#8 - 1st Day of Punishment

2.6K 38 5
                                    

CHAPTER 8.

LEI'S POV

*KRIIIIIIIIIIIIING! KRIIIIIIIIIIIIIIIING!*

Ayan, nagring na ang alarm clock. 6:15 am na. Hindi ko na kailangang tumayo para patayin ito, nasa side table lang ito ng bed ko pero nang pinatay ko ito ay binagsak ko ang kamay ko. Tamad lang eh. Mehehe.

Oo nga pala, naalala ko. Punishment day ngayon.  Sana naman hindi ulit ako mababadtrip. Pero siyempre, imposible iyon. Lalo na't kasama ko si-- urgh. Nasasawa na akong banggitin ang pangalan niya >_<

Nag-ayos na ako. Naligo, Nagbihis. Wala akong dinalang ballpen, papel o libro.Hindi naman ako mag-aattend ng klase. Iyong pera, Iniligay ko nalang sa bulsa ko. Lumabas na ako sa kuwarto. Nakabihis na rin pala si nanay. Naka jeans tsaka Blue Sleeveless blouse ito. Naka heels pa. 

"Halika na anak, ihahatid tayo ng tito Joe mo. " Tinignan ko ang nakabukas naming bintana. Naroon nga ang sasakyan niya. Black Ford Everest iyon.

Si Tito Joe, siya ang boyfriend ng mama ko. Mabait din naman si Tito. I like him nga for mama, eh. Kasi naintindihan niya at hindi niya parin nalilimutan na may anak si Mama. He treats me like his own child na rin kaya napamahal na rin siya sakin.

Tahimik lang ako sa kotse habang nag-uusap si Tito atsaka si mama. Iniisip ko lang  kung ano ang mga possible happenings mamaya.

We arrived in school.

Naghintay si Mama na matapos ang FRC.

Pagkatapos ng FRC, nasa linya ako ng nilapitan ako ni Ma'am Joy, ang adviser ko.

"Lei, pwede ka ng mgproceed agad sa punishment mo."

"Okay Ma'am. " Ayun, nasa quadrangle kasi kami nagFRC. Kaya, naiwan nalang din ako habang papunta na iyong iba sa mga classrooms nila.

Tsaka si Lance.I can see him from a distance. May shed doon sa gilid quadrangle, may dalawang bench doon at malaking table between it.

Doon ako nakaupo sa bench. Nilapitan ako ni Lance. "Magclean na raw tayo sabi ni Auntie." Huwaw! Panibagong boses niya yata yan ah. Ang kalmado ng demonyo ngayon.

"Ok." Yun lang, tumayo na ako. Sinimulan na namin ang pagclean.

Sa tingin palang, alam nang nakakapagod talaga tong gawain to. Hindi biro ang laki ng quadrangle namin. Tapos, kami lang dalawa ni Lance ? Naku naman! What a nice joke.

Tahimik lang kami for the whole time. Napansin ko lang talaga na hindi niya sinseseryoso ang paglilinis. Ang tamad talaga kung tignan. >:/

Nakakainis naman. Pinagpapawisan na nga ako dito, siya parang wala lang ?

"Ayusin mo nga ang pagwawalis diyan!"

"Ayusin mo nga ang pagwawalis diyan!" sinusunod niya ako. Tapos higher pitch pa yung voice. Aargh. >.< Pinalo ko siya sa braso.

"Aray! Ano ba!"

"Bakla ka ba, ha? Nagpu-punishment na nga tayo tapos gaganyan ganyan ka pa. Pwede ba, mag-ayos ka nga! Bakla!"

"Wait..Anong sabi mo?" Sabi niya sabay taas ng kaniyang kilay.

"Ah, so affected ka pala kapag sinasabihan ka ng bakla. HAHAHA" NakakaLOL naman to. Natawa nalang ako sa expression nang mukha niya. Grabe lang. Apektado nga talaga. Tawa ako ng tawa ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko tapos hinila niya ako.

Sa lakas ng paghila niya, nabitawan ko ang walis sabay napadikit na ako sa kaniya tapos ay yung isang kamay niya, nilagay niya sa bewang ko. Yung parang nagboball room kami or something pero sobrang dikit nga talaga namin.

He leaned... closer... closer... until half an inch nalang ang pagitan sa mga mukha namin. Tinignan niya ang labi ko and back to my eyes. "Would a gay do this?" He leaned closer..  napapikit nalang ako sa mga mata ko. Waaaah ano ba itong ginagawa niya!

Closer and closer and----

"MWAHAHAHAHA!" Bigla niya akong tinulak palayo sa kaniya ng malakas. I opened my eyes to see him laughing and pointing at me. Urgh. Fudge!!!! Ayan na naman! Pinagtripan na naman ako. "Hahaha! Thought I'd kiss you? You wish!"

 AAAAAAAAAAAAARGH. LANCE KEITH RAMOS. I HATE YOU!!!

"Hoy! Ang feeling mo namang gusto kong mahalikan mo ako! Yuck! Baka magka germs lang ako. Atsaka pwede ba!!! Mag-ayos ka nga! baka gusto mong ikaw nalang ang mag-isang maglinis dito. URGH!!" He still laughed at me.

Nakakabwisit. talaga.

Super.

Tinamaan na akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon