#9 - Mother's side

2.6K 37 7
                                    

CHAPTER NINE.
MRS. FUENTES' POV


Pumunta na ako sa principal's office. Nakaupo doon si Ms. Ramos, kitang kita kasi sa glass window. Kumatok muna ako't pumasok sa loob.


"Good Morning po, Ma'am." Bati ko sa kaniya, sabay ngiti.

"Good Morning rin, Mrs. Fuentes. Maupo ka."  Kilalang kilala na talaga ako ni Madame Principal. Eh ano pa, lagi akong pinapatawag dito eh.

 
"Ma'am, Im sorry to disappoint you about your daughter."

"Okay lang po. Medyo sanay na rin ako. Hindi ko na nga rin alam kung anong gagawin ko dun eh. Sino po pala ang nakaaway niya?"


"Pamangkin ko po, si Lance."


"Po ?! Pamangkin mo ang nakaaway niya? So you mean, ang anak ng nagmamay-ari sa school na to?!" Hala. Ang taray ni anak! Sa lahat ba namang pwede niyang maka-away, anak pa ng nagmamay-ari ng eskwelahang ito?! Iyong batang iyon talaga! Nawawalan na ng respeto't mabuting asal!


"Yes. Ang anak mo lang ang nakita kong gumawa pa nun sa pamankin kong si Lance."


"Bakit po pala, anong nangyari?"


"At first, sinipa niya ang birdie ni Lance, noong una. Tapos, nag-away na naman sila yesterday."

 
Ano?! Sinipa ang birdie?! Hindi ko naman pinalaking bastos ang anak ko! "Naku po, sorry po talaga. Ano ba naman kasi itong anak ko eh. Hay naku! Hindi ko na talaga alam kung paano ko siya matuturuan ng leksyon."


"Okay lang. Si Lance din naman talaga ang nangunguna eh."


"Ah, kaya naman pala. Pero sana hindi nalang din pumatol si Lei."


"I gave them a punishment, gusto ko iyon ipaalam sa iyo. Kaya lang I hope next time, macontrol ni Lei ang pagiging palaban niya, iyan lang talaga ang nakakasira ng grades niya, sayang she's a smart girl pa naman."

 
"Okay po, pasensya na po talaga."

"So, ang conduct niya ay 70 sa lahat ng subjects."

"Hay nako."

"So, okay na. I hope you can also discipline her as well. "

"Okay po, thank you po. "

 
Lumabas na ako ng principal's office. Ito talagang si Lei. Kahit sinu-sino nalang ang nakaaway hindi na nahiya. Anak pa ng nagmamay-ari ng eskwelahan, pinatulan? Ano nalang kaya ang sasabihin ng mga tao?
 
Hay. Siguro nga, allergic na siya sa mga lalaki.


Naging ganun nalang kasi siya simula noong iniwan siya ng Papa niya. Naging matigas na ang puso. Mahal niya masyado ang Papa niya. Hindi niya namalayan, that love took her so far from what she was.

Siguro kung nagmahal ka at nasaktan, magbabago ka talaga.

Si Lei, she was very malambing, tapos masayahin. Kung may nag-aaway sa kaniya, balewala lang rin sa kaniya. Pero ngayon, she's that matapang girl na palaging palaban.

Ahay, hindi naman naging mabuti iyon. Pinagsawaan ko na ang Principal's office, eh. Kahit ganiyan ang anak ko, mahal na mahal ko parin. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa anak ko.


Hindi ko alam kung paano ko siya baguhin.


Tinamaan na akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon