#16 - Mike's POV.

2.4K 33 4
                                    

MIKE'S POV

"Mike." Boses lalaki iyon. Pababa na sana ako. Galing ako sa classroom namin. Dahil 4th year ako, bababa pa ako para pumuta sa canteen, nagugutom ako ,eh. Mabuti nga nalang at recess na.

Tumigil ako. Lumingon ako sa kaniya mula sa hagdanan. Si  Coach Ricky pala ito. Coach ng basketball team. Hindi ako varsity pero kilalang kilala ko siya.

"Yes, Coach ? "

"Pakisabi nga kay Lance na may meeting ang basketball varsity mamaya after school doon lang sa covered court. Please. Thank you"

"Okay po. "

Tumuloy na ako sa aking biyahe sa hagdanan.  Hahaha.

Mabuti nalang at nasa baba lang din ang 2nd year. Section Gold nga pala si Lance. Memorize ko na ang rooms doon. Ang ingay ingay sa corridor palang. Maraming dumadaan at nagpapansin sa aking mga babae.

Ningitian ko lang sila. :)

"Lance!" Tawag ko kay Lance mula sa labas ng classroom nila. Nakikipag-usap pa ito sa mga kaibigan niya habang naka upo sa arm ng chair niya. Hindi niya ako narinig.

"Lance ! " Sigaw ko.

Lumingon na siya. Nakita niya ako. Kinausap niya ang kaniyang kaibigan. Sinabihan niya yata ang mga ito ng "Wait lang ha. " Through his hand gesture Pinuntahan niya ako sa labas ng kanilang pinto.

"Dude, Napadaan ka? " Tanong niya sa akin.

"Lance, sabi ni coach, may meeting raw kayo sa covered court mamaya pagkatapos ng klase. " Sabi ko.

"Ah, okay. Iyon lang ba? Thank you." Sabi niya sakin.

"Sige, punta muna ako sa canteen."  Tumalikod na sana ako... "Teka, Sama ako. " Sabi niya.

"Guys ! We'll talk later." Sabi niya sa kaniyang mga kaibigan.

Sumabay na rin siya sa akin. Friends talaga kami ni Lance. Tuwing recess, bonding time namin iyan. I forgot kung paano kami nagmeet. Basta naging close lang kami tapos madalas magkasama rin kami.

Nag-usap kami habang naglalakad . Nang umabot kami sa stairs, may nakita akong babaeng nadapa. Hindi ko alam kung sino iyon kasi ang mukha niyay natakpan sa kaniyang buhok.

Hinahaplos niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang paa.

"Best, Okay ka lang?" May sumigaw mula sa ibaba. Kilala ko ang boses nito.

The girl went up sa stairs. I recognized her. Si Angel pala ito.  Pero sino ba ang tinatawag niyang best? Binati ko na rin ang babaeng nadapa. Just to be nice. Nakita ko naman kung paano siya nadapa.

"Miss, masakit paba?" Tanong ko sabay nilapitan namin siya ni Lance. Inayos niya ang kaniyang buhok.

Si Lei pala.

DUGDUG.

"Uhh... Uhhm, hindi. Okay na ako." Ngumiti siya sa akin. Ngumiti ka pa, ang ganda mo kung ngumiti :">

Sinubukan niyang lumakad pero na out of balance siya. Malapit siyang natumba. Agad ko siyang nahawakan sa baywang.

Napatulala lang si Lance. Ano ba naman, wala ba itong kaawa-awa ?  Pero oo nga pala. Naalala ko. Enemy niya pala ito.

"Sige, Ihatid na kita sa classroom niyo." Inakbayan ko siya sa baywang. Walang malisya o panchancing iyon.

"Nakakahiya naman, Mike. Nandiyan naman si Angel eh. Tsaka, okay na ako." Sabi niya.

Pinakawalan ko na siya.

"Ano kaba, ang bigat mo kaya, hindi kita kaya. " Sabi ni Angel.

"Sige na ihatid na kita. "

"Ako nalang maghatid, pare." Sabi ni Lance. Akala ko ba enemies? o.O

"Hindi, okay na ako." Sabi niya.

Lumakad na sila ni Angel.

"Sige, sundan ka nalang namin ni Lance. Para sure." Sabi ko. Lumakad na ako. Sinundan ko sila.

"Dito nalang ako, pare. " Sabi ni Lance.Naintindihan ko naman na ayaw niyang tumulong kay Lei. Kitang kita ko kaya iyong nag-away sila sa canteen.

Sinundan ko sila hanggang umabot na sila sa. Tumigil siya sa labas ng pinto ng classroom nila.

" Mike, thank you ha. " Sabi ni Lei sakin.  Sigh, bakit ba ang ganda mo ?

Ngumiti nalang ako.

Ngumiti rin siya. Damn ! Her smile melted my heart.

"You're welcome. " Sabi ko.

"Oo nga Mike. Salamat " Sabi ni Angel sakin.

" Sige, I have to go na. " Sabi ko. Tumalikod na ako.

"Bye, Mike!" That was Lei. I can recognize her voice and how good it is to hear her say my name.

Binalikan ko si Lance na nasa stairs nakatambay. Nakatulala pa rin ito. Is there something wrong?

"Tara na pare. " Sabi ko. Lumakad na kami papuntang canteen.

Kung kanina ay nagsasalita siya, bakit ang tahimik niya ngayon?

Galit ba ito dahil tinulang ko si Lei?

Tinamaan na akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon