#27 - Tinamaan na ako

2.2K 27 3
                                    

CHAPTER 27

LEI'S POV

Half day lang ang classes namin para raw makapagprepare kami para mamaya.  Dumiretso ako sa bahay. Habang kinukuha pa ni nanay yung gown. And by the way, Di nagpakita si Lance sakin today. Ewan ko kung bakit busy yata. Si Angel at Chris naman, as always. Magkasama sila tapos iniwan ako. Ajuju. Si Mike? May lagnat raw sabi ng kaibigan niya sakin kanina so hindi siya makakapunta sa prom. TT_____TT

Paano na. OP na OP talaga ako mamaya. Magpapractice na nga lang ako sa number namin ni Lance mamaya. Hays. Kinakabahan mode.

Nasa kuwarto ako ngayon tapos nagpa-practice ng kanta.

la la la la la...

Napahinto ako nang biglang biglang nag ring yung phone ko na nasa table.. Tinignan ko ang screen..

Calling...

Demonyo

"Hello?" Sabi sa kabilang linya.

"Bakit ka tumatawag?" Ako. Nakahawak pa yung other hand ko sa waist.

"Bakit. Bawal ba? Lumabas ka nga sa bahay nyo."

"Ha? Bakit naman?"

 "Naka sarado yung gate nyo eh."

Teka, "Nasa labas ka?!" (o___o)

"Exactly. Bilisan mo nga! Pinagpawisan na ako dito sa labas." Hm.. matagalan nga ng konte para pagpawisan ka pa. XD Di joke lang.

Pinress na niya ang end call tapos dumiretso ako sa labas. Na curious lang talaga ako kung bakit siya nandito. Nagpractice naman kami kanina, tapos okay na. Akala ko busy siya, tapos yun lang pala pupuntahan niya ako. Whooa this guy.

Paglabas ko...

Behind him are 3 girls. Ang isa, may dalang bag. Ang isa naman, may dalang make-up kit, ang isa, may dalang malaking box.  Hm? Bakit may mga babae siyang kasama?

"Sige, alis na ako. * tumingin siya sa tatlong girls * .. kayo na bahala sa kaniya. " Wait. Anong sila na ang bahala sakin? (?_?)

"Ha? Anong gagawin nila sakin?"

"Bye!" Tapos pumasok na siya sa loob ng sasakyan nila.

"Hehe, huwag kang mag-alala, maging friends din tayo. ako nga pala si Sam... siya si Marie.. siya naman, si Anne. "

Ngumiti silang tatlo sakin. I smiled back. Mukhang good naman ang intention nila. So pinapasok ko na sila sa bahay.

LANCE'S POV

Yesterday, naging busy ako kasi inaasikaso ko yung susuotin ko para sa prom. >:) Tapos naghanap na rin ako ng gown para kay Leigh. Part rin kasi yun sa plano ko, tsaka surprise lang rin. Haha! Aargh! Di ako kinakabahan sa kanta. Mas kinakabahan ako sa sasabihin ko mamaya. Well, hindi naman siya talaga surprising pero bihira lang kasi akong magplano para sa babae.

So yun na nga. Busy ako. Kahapon. I was in school, pero di kami nagkita ni Leigh. I was in the classroom the whole time, kino contact ko sina Sam, Anne, at Marie. Mga pinsan ko nga pala ^^ Magkapatid kasi sila, they own a beauty salon tsaka may clothing line rin sila kaya naisipan kong  baka matulungan nila si Leigh. Sinabihan ko na sila kahapon pa, but then, to make sure. So ayun. Umuwi ako agad kasi sabi ng mga pinsan ko na dun nalang daw kami magkita. Good thing, parang holiday sa kanila ang valentines day at wala silang pasok.

Dumating na kami sa tapat ng bahay nila. Bubuksan ko sana ang gate tsaka sa door nalang nila ako kakatok, kaso di ko mabuksan yung gate. I tried, pero ilang sandali, pinagpawisan na ako dahil sa sun. So, tinawagan ko siya then answered it right away. Namiss na guro ako nito XD

Tinamaan na akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon