#5 - And again

2.9K 43 11
                                    

CHAPTER FIVE.
LEI'S POV

 

Napano ba talaga si Lance kanina? He was stammering. Nangingiba, eh. Ba't ba kung makatingin siya sakin, parang nagagandahan siya. Ay ganon, Lei? Feeling mo maganda kana ? Gaga. Sinabihan ka na nga ng panget, eh!

Oo nga, eh ano naman ngayon? Hindi naman ako affected sa pagtitingin niya sa akin.

Bahala na nga. Whatever lang iyong nangyari kanina.
 

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!*


Ayun! Bell na! Sa wakas! Tapos na ang Math.  YES ! Hindi kasi ako mahilig sa Math. Bokya ako dun, eh. Nasa Mars ako kung Math ang subject kasama ko ang iba kong mga kaklase na ayaw rin sa math. Nag-o-outer space shopping kami doon.  XD
 
Bumalik ulit ako sa planet Earth ng tinawag ako ni Ma'am Raquel, teacher namin sa Math. "Ms. Fuentes" 


"Ma'am?" Tumayo ako. Akala ko ba naman umalis na to. >.<

 
"Kindly please put this on the my table dun sa section gold." She handed me a Math book at isang folder na pinapakapal ng mga papel. Mga papel yata iyon ng mga taga Section Blue.
 

"Okay Ma'am."


By the way, sa school namin, kada year level, may 5 sections. Ang section gold , iyon yong pinakamataas. Bale, iyon yung star section. Lahat na naroon, guwapo, maganda, siyempre, ang mga brainy, iyong mga nagbring pride sa school. Ako, 2nd section lang. Ang section blue. Wala nga rin ako masyadong kaibigan sa section ko kundi si Angel lang.
 

Patungo na ako sa Section Blue. Magkapareho lang samin ng floor. kaya lang nasa dulo sila, kami rin nasa dulo. Dadaan pa ako sa ibang sections.


Nasa labas na ako ng room. Labas pa lang, ang ingay-ingay na. Nahihiya ako pero pumasok na rin ako. Alangan naman maghihintay pa akong magsnow diba? Haha- okay ang korni ko.

Pag pasok ko, nilagay ko iyong books tsaka folder sa teacher's table. Palabas na sana ako nang biglang may sumigaw.

"What's that bi*ch doing here?" Pamilyar ang boses nito. Nilingon ko ang kung sino man iyon.


LANCE. Ikaw na naman!? >______< Nakatingin lang siya sa akin in a mayabang way kasama ang ibang mga friends niya. Pero yung friends niya, wala lang. Siya lang naman tong may galit na galit sakin eh. Urgh.

Pero teka. Star section pala tong demonyong to?! Ay, oo nga pala. Anak ng may-ari, eh. Special treatment. Hah! If I know, gagu gaguhan lang alam nito ba. Atsaka ano raw ang tawa niya sakin? BI*CH?
 
"Come on, mag 'hi' ka naman sakin!" He made an evil smile. "B*tch!"

Dahil sawang sawa na ako sa trip niya at dahil sa mood swings ako ngayon and again, sawang sawa na ako sa mukha niya, sa ugali niya, kinuha ko iyong eraser ng blackboard tsaka ko iyon tinapon sa ulo niya. Tumayo siya't nilapitan niya ako.


 Napa "owww" na naman yung mga kaklase niya pero may ibang nagpipilit na huwag tumawa.
 

"Ano?! Hindi mo ako titigilan?! Sawang sawa na ako sa ugali mo! Ang feeling mo guwapo mo ang taas taas naman ng sungay mo!! You belong in hell not here!" Sigaw ko.


"WHOOOOOA!" Sigaw ng mga kaklase niya.
 
"Guys, Stop.."  Maninahon na sabi ni Chris. Kaklase niya rin ito. Tumayo siya sa palagitnaan namin.

"Anong sabi mo?!" Tanong ni Lance na nakakunot at umuusok na sa galit.

"Bingi ka ba?! Sabi ko, DEMONYO KA AT HINDI KA NABEBELONG DITO KUNDI DOON KA SA HELL!"


"YOU BI*CH!" Sambit pa niya.
 

"Oh, ano?! Lalaban ka !? BAKLA KA! DEMONYO KA!" Sinuntok ko siya sa pisngi. Ito, lumalabas na naman ang pagkatomboy ko - ito yung sinasabi nila eh. Natotomboy raw ako dahil kung umasta ako, hindi talaga daw pambabae. Kumbaga yung babae, may patience, tahimik o mahinahon lang. Umaaway sila pero bumabara lang, pero ako, suntukan kung suntukan. Ako pa ang mangunguna.
 

Bakit? Pwede namang lumaban ang mga babae eh, diba?

 
"FUU---!"
 

"Ms. Fuentes and Mr. Ramos, both of you! In the principal's office with me. NOW!" TAE! Si Ma'am Racquel! Hindi namin namalayan na nasa classroom na pala siya. Caught on act na naman kaming nag-aaway at nag-eeksena ni Lance.

 
URGH. LANCE! I HATE YOU SUPER DUPER VERY MUCH .


"Ano pang hinihintay niyo? Principal's office NOW!! "


I AM SO TOTALLY 100 PERCENT DEAD. Promise ko pa naman sana ni mama na hindi na ako magiging bad girl. Argh! I can't be blamed, eh kasi kung hindi naman talaga nangunguna iyang si Lance eh!

Punyeta ka talaga Lance. >___<

Tinamaan na akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon