#1 - Girl Meets Boy

5.1K 67 17
                                    

CHAPTER ONE.

LEI'S POV

Ako nga pala si Jillian Leigh Fuentes. People call me Lei. 3rd year high school ng Rodrick's College. Hindi ako maganda. Sabi nila, tomboy daw akong gumalaw. hahaha. Hindi lang talaga nila nakikita ang Girly side ko.

My dad left us noong nasa 6th grade palang ako. May ibang pamilya na iyon sa Cebu. Well, okay lang naman. Naka move'on narin kami ni mama pero yung sakit na iniwan niya sa amin? Hindi ko makakalimutan iyon.

When it comes to love naman, hindi ako yung tipong babaeng pinagpilahan ng mga lalaki . Uy, pero may love life rin ako noh kaya lang, noon yun. Wala na ngayon. Kasi Ako yung babaeng laging iniiwan ng mahal sa buhay.

.........ewan ko ba kung nasaan na yong lalaki para sa akin.

**

Narito kami sa covered court ng school namin, eh kasi nga. Sports Writer ako eh, kailan lang ako sinabihan ni Ma'am Cortez (School Paper Moderator) na may basketball game pala akong i-cover-up.

Kaya ayun.. nagpasama ako kay Angel, bestfriend ko na ang 3-month boyfriend na si Chris ay basketball player rin ng RC.

Ang ingay ng crowd. More or less 500 ang naroon. Puro sigaw at cheer ag maririnig ko.

"GO GO GO BABY KO!" cheer ni Angel kay Chris.

ANG INGAY NA NGA NANDITO PA TONG BABAENG TO >.<  Haha. Pero atleast nga may kasama ako. Pagtiyagaan nalang ang bunganga niyan kaysa ba naman mag-isa lang ako. Anyway, Patuloy akong nagtake note sa game.

"GO BABY!"

Eto na naman. Ang sakit sa tenga makasigaw

"Alam mo Best, sana sa bunganga mo nalang mashoot ang bola!" Pabiro kong sabi sa kaniya.

"Ang KJ mo naman best! Wala tayo sa simbahan ngayon okay? Sabayan mo nalang kaya ako?" (^o^)?

"Hala sige, ikaw na ang magconcentrate sa game at maggawa ng article, ako na ang magcheer, gusto mo yon ? Oh eto, papel tsaka ballpen " Kunwari binigay ko sa kaniya ang yellow pad tsaka ballpen.

"Ay huwag nalang." sabi niya tsaka tinaboy yung yellow pad at ballpen saka tumingin nalang ulit kay Baby niya. Mabuti naman at kahit konti, tumahimik.

Ayun, naka concentrate ako ulit.

Ilang sandali lang ay nakashoot yung lalaking naka Jersey #18.

 Hala teka...

GUWAPO AH :">

 Uuuy, landi hormones. Patingin nga sa kaniya ulit. XDD

"O my gosh Best!!!! Si Lance Keith Ramos ba yang tinititigan mo? baka matunaw ah" Okay, I got caught. Ito naman kasing si bestfriend, daig pa ang police kung makahuli.

"Wala ah.. "  Kunwari, pero ang totoo niyan, tinitignan naman talaga.

"Bakit ba kung makatitig ka, para kang nakakakita ng artista? Haha!" Binigyan nalang niya ako ng nakakalokang ngiti saka tinignan ulit yung si jersey #18. "Oo nga naman, guwapo naman talaga yan si Lance." 

"O Tapos?" Nucks, pinabalik ang dignidad XD

"Asuuus!" Sinundot sundot pa niya ako.

 ( ^O^)~ *sundot sundot* (-___-)

"Bagay kayo.." Patuloy niya. "Guwapo siya, ang panget mo. Mwahaha! " WOW, BESTFRIEND. SALAMAT HA. ALABYU TALAGA. AS IN. =___=

"Oy ah. Tigilan mo ko ah"  Tinuro ko pa siya para tigilan na niya ako. Eh kasi naman. Kinikilig ako. :"> Haha. Hindi, joke lang. =_= Seryoso, dapat na ulit akong magconcentrate sa game, hindi sa lalaki. Ano ba Lei, dignity.

"Uuuuy :"> Sabi sa kin ni Chris, galing daw  yan si Lance sa States... Pinauwi rito kasi na spoiled na raw ng nanay sa States kaya yun, balik Pinas last week. Anak iyan ng may nagmamay-ari ng school natin, si Rodrick Ramos kaya nakapasok agad sa basketball team eh. Pero magaling din naman daw siyang maglaro tsaka alam mo ba, mayaman yan masyado." Kung anu-anong binablabber nitong bestfriend ko. Ang ewan lang, sabi ko ngang tigilan, eh nagchichika pa. "Waaah! Aaaay Best, sana single nalang ako ulit para malapitan ko siya. Hahaha! SUPER GWAPO NYA TALAGA NO?" sabi niya with a big grin on her face tapos with her voice na daig pa ang dalawampu't tatlong apat na limampu't siya'm napu't pito't anim napu't walong siya'm sampung libong megaphones.

"Babatukan kita diyan, eh.  Ang landi nito oh!" Tinawanan ko nalang si bestfriend atsaka'y secretly na tumingin ulit doon sa Lance ba yun? Basta. Yung naka jersey #18. Yung si guwapo. Mehehe.

Sabagay, Guwapo naman talaga siya eh. Maputi, may pagkasingkit ang mga mata, yung patayu-tayo ang buhok. Matangkad, matangos ang ilong, Mala Mario Maurer ang Mukha. Guwapong gwapo nga. Siya na yung tipong mailagay mo ang mukha sa billboard na hindi na kailangang i-edit ang picture or hindi na kailangang mag freshen up. Kahit pinagpawisan na siya habang naglalaro, guwapo pa rin.

Babawiin ko na sana yung pagtitig ko sa kaniya nang may pumasa sa kaniya ng bola kaya naman tumakbo siya patungo sa ring pero bago pa niya ito i-shoot, lumingon siya at...

tumingin sakin.

Tinamaan na akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon