#12 - 2nd day of punishment

2.7K 37 6
                                    

LEI'S POV

Okay. So everything went fine. Naglilinis parin. Naku! Mas maraming basura ang nakakalat sa quadrangle ngayon kesa kahapon.  Pero may napansin ako.. mas minabuti na ni Lance ang kaniyang paglilinis. Hindi tulad kahapon, na parang patay lang kung gumalaw.

From a distance, kitang-kita ko ang paglilinis niya. Mukhang seryoso ito ah. Natuwa naman ako dun. Pinagpapawisan siya, nanghihina ang kaniyang mga galaw. Nabitawan niya ang walis.

Naku! Napano to?! Tumakbo ako patungo sa kaniya. Baka hindi na nito take ang punishment at hindi pa naman ito sanay ng paglilinis sa bahay nila.

"Lance! Napano ka?" Hinawakan ko ang mga braso niya.  Kinakabahan na ako. Naku, pano kung mahihimatay ito dito, eh, ang bigat pa naman nito.

"Lei... nanghihina ang puso ko. " Ang hina ng boses niya. SUPER.

Patay! Hindi ko alam na may sakit pala ito sa puso. Eh pano naman magkakasakit sa puso eh kung magtrato siya ng tao para siyang walang puso. Hmpf! I don't know what to do.

"Ha?! May sakit ka pala sa puso?!... Halika ka, hahatid kita sa clinic. " Hinawakan ko kamay niya.

Okay, nagkameralco agad? Kuryente eh. Urgh what's this na naman.

"Oo, meron.. kasi......... kasi sabik na sabik na kasi itong mahalin mo.. " Ngumiti siya sakin. Ay punyeta ka talaga. Ah ganon? Joke lang pala iyon? Ang lakas ng loob ng demonyong to ah. Binitawan ko ang mga kamay niya. Tumawa naman siya.

"Hoy Lance! Tandaan mo ito ha, kailan man, hinding hindi ako maiinlove sayo. Kung lahat ng babae ay madadaan mo sa kacheezy han mo, pwes! Ibahin mo ako. I'll never fall for you. Kaya pwede ba?! Tigilan mo na ako sa mga ganyan ganyan mo."

Tinuturo ko siya.

Yes, and I meant every word I said. Tumatawa pa rin ito. Alam mo yung nakakabwisit ? Iyon yung seryosong seryoso kana pero ang kinakausap mo, tawa parin ng tawa. >.<

"Haha, lighten up, sweety. Sabihin nating hindi ka nga mahuhulog sakin. Pero nung nilapitan mo ko... it meant that you care for me. " Sabi nito habang humalakhak. PUTIK. URRRRGH.

"Anong I care for you? Mabait lang talaga ako. Kaloka ka!" Tinalikuran ko siya.

"Hey... lovey, I'm sorry. " Hinawakan niya kamay ko. He sounded so sweet. PUTIK. BWISIT. LANGYA. PUNYETA. FUDGE. SHOOT. TAE. Ano sabi niya ? LA...LA...LOVEY ? 

Eh kasi naman si PUSO, parang tumalon sa isang building. IKAW BA KASI IYAN LANCE?! Urgh. Bakit ba ang landi mo ngayon?

"Bitawan mo nga ako!!" Binawi ko ang kamay ko. "Diyan ka na nga!" Tuloy ko. Iniwan ko siya. Aaaaarghh ! Naguguluhan na talaga ako sa kaniya.

*****

Mabuti naman at nakita ko si Angel naglalakad patungo sa canteen. Tinawag ko siya.

"BEST !" Sigaw ko.

"BEST!" Kinawayan niya ako. Pinuntahan ko siya.

"Best, saan ka kakain ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

" Uhm, sa canteen. Sabay tayo. Baka hindi ka na busy. "

 "Oo ba!"

" Tara."

Naglalakad na kami patungo sa canteen. Bumili nalang ako ng rice tsaka barbecue doon tsaka coke na nasa botilya. Umupo na kami sa pinakamalapit na table for two. Teka, may napansin ako. Wala si Chris.

"Best, saan nga pala si Chris?"

"May ginagawa pa raw siya, eh. Sabi niya, mauna nalang daw akong kumain, kaya yun."

Tinamaan na akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon