The Hugot Prince as the Stalker? Part 4

2.4K 43 3
                                    

Dumating na ulit ang pasukan, sadyang wala akong ganang pumasok ngayon dahil sa mga nangyari noong nakaraang linggo, pero talagang kailangan. Gusto kong kausapin si Andrew tungkol dun sa ginawa kong research, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kahit ang mga text ko.


Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa building nila at naghintay sa labas, pero nang nakita ko si Andrew, kasama niya si Kiara, inaakbayan niya. "..." Nawalan ako ng tapang na harapin silang dalawa, magkakagulo lang. "Greyson?" dinig ko mula sa likod. Pagtalikod ko ay si Jas ang nakita ko na may malungkot na mukha, "Okay ka lang?" tanong niya. "... Siguro." sagot ko naman.


Umupo kami at nagkwento ako, "Hindi ko alam kung paano binigay ni Kiara yung notebook sa kanya." sabi ko. "Yung Dater Research?" tanong ni Jas. "Pano mo naman nalaman yung title?" tanong ko ulit. "Kaibigan ko si pres kaya alam ko. Mahilig magkwento yun." bigkas niya, nga naman.


Hindi ko naman masisisi si pres pero at least hindi sinabi ni Jas sa kahit na kanino. "... Ede, ano na gagawin ko? Ayoko namang idedma 'tong sitwasyon na 'to..." sabi ko. "Ang kailangan natin mabuking si Kiara na ninakaw niya yung notebook at ginamit ka." sabi niya. "Eh paano naman...?" tanong ko. "Simple, kukuhanan ko siya ng vid habang nag-uusap kayo." sabi ni Jas. "Oo nga no... sige." sabi ko naman.


"Game! Ako na bahala sa pagkukumbinsi sa kanya. Bukas dun kayo sa likod ng gym ah. Yung oras dismissal lang nila." sabi niya naman. "Eh si Andrew?" tanong ko. "Kami na bahala kay Andrew." sabi niya.


Sumunod na araw ay nagtungo ako sa likod ng gym at naghintay, ilang sandali lang nakita ko na si Kiara. "Oh? Akala ko pa naman tatapusin mo na. Ano? Pakakawalan mo na si Andrew?" tanong ni Kiara. "Hinde, hinding hindi ko siya papakawalan." sagot ko. "Eh bakit mo siya pinabayaan...?" tanong naman niya. "Dapat nga ako nagtatanong sa'yo niyan eh." sabat ko naman.


"Sumuko ka na nga, Greyson. Isa ka lang prinsipe na hindi naman marunong lumaban para sa sarili niya, at isang baklang prinsipe pa, wala ka pang tigapagtanggol! Tapos ano? Prinsipe na naghahanap ng hari? Yuck!" sabat ni Kiara. "Ano ba galit mo sa akin ha, Kiara?" tanong ko. "Yang katangahan mo. Hugot ka nalang ng hugot akala mo kung sino ka, tutal madrama ka diba? Kaya ka iniwan ni Ianne eh!" duon ako natrigger.


"Wag mo ng ibahin ang usapan." sabi ko naman. "Edi wag sige. Ito nalang masasabi ko, napakadali mo palang gamitin eh no? Buti nalang talaga naisipan kong pumunta sa club room at kunin yung notebook mo. Hay nako, at pasalamat na madaling mauto si Andrew, naniwala talaga siya na ikaw yung nagbigay sa akin nung notebook para mapamahal ako sa'yo. Then, ayun boom! Buking ang bakla." at tumawa si Kiara. "Hindi pa 'to tapos, Kiara." sabi ko.


"Oh please, Greyson... tapos na 'to agad nung nakilala mo si Andrew. Paalam na, mahal na prinsipe." sabi niya't umalis. "..." Ilang segundo ay ng nawala na siya sa paningin ko, "... Nakuha mo lahat yun?" tanong ko. "Syempre naman!" sabi ni Jas ng lumabas siya mula sa likod nung malaking puno.


"Ito oh." sabi niya sabay play ng vid. "... pasalamat na madaling mauto si Andrew..." at inistop niya ito. "Ano pakita natin 'to kay Andrew?" tanong niya. "... Bukas na, kung kailan may game si Andrew. P.E. niyo bukas diba?" tanong ko naman. "Oo, may game ang section namin tsaka yung isa pa. Performance Test daw." sabi ni Jas.


"Sige. Bukas nalang. Tapos na trabaho natin dito." sabi niya't umalis na kami.


Sumunod na araw ay dumating ako sa court at nakita ko ang team nila Andrew at ang kalaban, maraming tao. "Greyson!" tawag ni Jas kasama si Rey. "Tara, nood tayo, kapag last quarter time out tayo kumilos." sabi ko naman at tumango siya. "Good luck, Greyson ah... hindi naniniwala si Andrew sa amin eh..." sabi niya. "Okay lang, maniniwala yan maya-maya." sabi ko naman.


Z.E.L. Short Stories Vol. 1 [COMPLETE]Where stories live. Discover now