Promise, Magkikita Tayo Ulit Part 5

3.9K 50 7
                                    

|Copyright Disclaimer: This story was originally submitted by Untold Pinoy M2M Stories' FB Page admin.| 


Lumipas ang gabi, Sabado ng umaga...


Nagising ako bandang alas-jis. Bumaba na para kumain ng brunch. Nasalubong ko si Kuya Hans sa kusina, nag-aayos ng pagkain sa isang plato.

"Oh sakto, pa-akyat na sana ako pagkatapos ko rito. Kain ka na." yung pagkilos niya pati pananalita parang wala siyang natatandaan kagabi.

Kalmado pa rin siya. Umupo na ako't sinimulang kumain.

"... Kuya Hans, libre ka ba ngayong hapon?" ang tanong ko.

"Syempre naman, bukas pa naman ako maglalaba, bakit?" ang sagot niya ng may tanong na kadugtong.

"Kung okay lang... gusto ko bisitahin pamilya mo..." medyo kinabahan ako ng una pero biglaan ko nalang ito kasi na-isip.

"Ha? Bakit?" ang tanong niya.

"Uh..." hindi ako maka-isip ng dahilan kung bakit pero parang gusto ko lang talaga malaman kung anong klaseng pamilya ang meron si Kuya Hans.

Nakita ko siyang ngumiti, "Sige na nga. Paalam ka muna sa nanay mo pati sa lolo mo." ang sagot niya.

Nalinawagan ako, malalaman ko na rin ang pamumuhay ni Kuya Hans sa pamilya niya.

Pagkatapos kumain, umakyat na ako, pumunta sa kwarto ni nanay, mukhang kakagising niya lang.

"'Nay! 'Nay." ang bati ko.

"Oh? Saya mo naman ah." ang sabi ni nanay.

"Ano eh... okay lang ba kung kasama ko si Kuya Hans sa bahay niya?" ang tanong ko.

"Ha? Ba't naman?" ang tanong niya.

"Ala... eh, gusto ko lang malaman..." ang sagot ko naman.

"Sure ka ba? Magpapakabait ka ba?" ang tanong niya.

"Opo naman po." ang sagot ko naman.

"O sige, hindi naman kita mapipigilan at alam ko namang aalagaan ka ni Kuya Hans mo. Bibigay ko yung baon niyo mamaya. Mag-oovernight ka ba run?" ang tanong niya.

"Overnight?" ang tanong ko naman.

"Aba'y syempre, malayo ang Tarlac galing QC, higit apat na oras biyahe niyo. Gabi na kayo makakapunta run." ang banggit ni nanay.

Hindi ko na-isip yun.

"Okay lang po ba?" ang tanong ko.

"Oo naman, pinayagan na kita eh." ang paalala ni nanay.

"Oh sige. Handa ka na ng bag mo tas lagyan mo na nung mga damit na kailangan mo, wag mo kalimutan yung toothbrush mo ah." ang paalala niya muli.

"Okay, 'Nay." ang sagot ko't umalis na sa kwarto papunta sa kwarto ko.

Kumuha ako ng tatlong boxers, isang pantalon, dalawang shorts at dalawa na ring shirt at isang pang-alis na polo. Sinama ko na rin yung toothbrush ko.

Matapos ay bumaba ako para sabihan si Kuya Hans.

"Kuya Hans, nakapag-paalam na 'ko. Pinayagan na 'ko ni nanay." ang bigkas ko.

"Oh ayun naman pala. Una na 'ko sa pagligo ah?" ang tanong niya.

"Sige." ang sagot ko at pumunta na siya sa banyo para maligo.

Matapos niya maligo, ako naman.

Pagkabihis ko, nakasalubong ko si Kuya Hans kaka-alis lang sa banyo.

Z.E.L. Short Stories Vol. 1 [COMPLETE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ