Promise, Magkikita Tayo Ulit Part 2

3.2K 46 0
                                    

|Copyright Disclaimer: This story was originally submitted by Untold Pinoy M2M Stories' FB page admin.|


Buong gabi, hindi ako binitawan ni Kuya Hans. Hanggang umaga ay yakap-yakap niya ako. Tumunog ang malakas na alarm ng orasan at ako'y nagising. Yakap-yakap pa rin ako ni Kuya Hans ng magising ako.


Sinubukan kong patayin ang alarm at nagawa ko naman ito kahit papaano. Sunod naman ay sinubukan kong gisingin si Kuya Hans. Sinimulan kong bigkasin ang kanyang pangalan ng paulit-ulit.

'Di nagtagal ay inalog ko ang kanyang balikat ng mahina ng binibigkas ko ang pangalan niya. "Kuya Hans... Kuya Hans... gising na..."

Matapos ang ilang mga alog ay nagising na si Kuya Hans. Kumurap ng ilang-ilan ang kanyang mga mata't napangiti ng makita niya ako. "... Uh- gandang umaga." ang bati ko.

"Gandang Umaga rin." ang sabi naman niya ng may ngiti. Hindi ko naman inakala pero naramdaman kong itinaas niya yung buhok ko at ipinadaan galing sa aking noo. Tsaka ko unang naramdaman ang halik niya, at sa noo ko pa.

Nanlaki mga mata ko ng ginawa niya yun at umalis na siya sa kama.

"Ligo ka na, gagawa na ako ng almusal natin, para pagbaba mo, kain ka na't ihahatid kita sa school." ang sabi ni Kuya Hans at tumango naman ako.

Pagkaligo ko, bumaba ako at nakasabay ko si Nanay na bumaba. "Gandang Umaga, 'Nay!" ang bati ko. "Gandang Umaga rin, anak." ang bati ni Nanay at bumaba na kami sa kusina.

Nakita namin si lolo naka-upo na, at si Kuya Hans gumagawa ng gatas para sa cereal ko. Umupo na kami ni nanay at kumain ng sabay.

"'Nay, may test na kami sa susunod na linggo. Tapos po, kuhanan po ng card namin sa susunod na linggo pagkatapos." ang sabi ko.

"Ganun ba? Sige, pero hindi kita matutulungan sa pagreview, pero masasamahan kita sa pagkuha ng card mo." ang paliwanag ni nanay at tumango naman ako.

Pagkatapos kumain ay hinatid na ako ni Kuya Hans papuntang school. 'Di nagtagal nakarating na kami sa gate ng school, sa waiting area ng mga magulang at guardians.

"Oh, ingat ka ha. Babalik ako mamaya para sunduin ka para sa tutor mo." ang sabi ni Kuya Hans.

"Okay po. Alis na po ako." ang sabi ko ng may ngiti at hinimas niya ang aking ulo ng huling beses at ako'y pumasok na sa loob.

Lumipas ang school ko sa umaga hanggang hapon ko sa school, ang tutor ko ay hanggang 4 ng hapon pa.

Tapos na ang school, tutor naman, pumunta ako sa waiting area at nakita ko si Kuya Hans kausap yung mga nanay ng mga kaklase ko.

Nakita niya ako't linapitan. "Oh, kamusta? Okay ba?" ang tanong niya.

"Syempre po. Ito po oh." bago ko ipinagpatuloy ang sasabihin ko, ibinaba ko yung bag ko sa isang bench at kinuha ang isang papel, "Perfect." ang sabi ko ng hawak-hawak ko ang papel ng may maliwanag na ngiti sa mukha ko.

Nakita ko yung ngiti ni Kuya Hans, hinimas niya yung ulo ko ng makita niya yung papel. Nag-genuflect siya't itinaas ang buhok ko ulit katulad kaninang umaga, at hinalikan ang noo ko.

Pagkatapos ay tumayo na siya ulit, "Tara, punta na tayo sa tutor mo. Pero bago yun, dahil naka-perfect ka. Lilibre kita ng ice cream.

Lalo akong napangiti at tumango. Tumayo na siya't umalis na kami, "Akin na yung bag mo, ako na magbubuhat." ang sabi niya't binigay ko naman.

Mabait si kuya Hans, napaka-lambot ng puso niya katulad ng kay Nanay. Ang tingin ko sa kanya parang nakatatandang kuya, lagi akong inaalagaan, binabantayan at pinoprotektahan.

Z.E.L. Short Stories Vol. 1 [COMPLETE]Where stories live. Discover now