Private Tutor Part 1

6.5K 65 0
                                    

Minsan ka na bang binigyan ng magulang mo ng private tutor dahil sa mga bagsak mong grades? Pero ang hindi ko akalain ay isa itong napakagwapong nilalang? Nakakainis at napakahirap magfocus sa pagrereview dahil sa kanya.


Ako si Kylan, at ito ang istorya ko kung papaano kami nagkakilala ni kuya Arin. Nagsimula ito noong ako't first year, from public school napunta ako sa private school, hindi ko akalain na ganito ka-advanced ang kanilang mga lessons.


Natapos ang first grading ay napansin agad ito ng aking mga magulang pero binigyan nila ako ng pangalawang pagkakataon, kaso nga lang, hindi ko pa rin magawang mag-improve dahil mas humirap ang mga lesson.


Nang kinausap nila ako't sinabi nila na may nahanap daw silang tamang tutor para sa akin. Kuya raw ito ng kaibigan ni ate, ede iksabihin baka nagtatrabaho na or nasa college siya. Nang narinig ko ang pagtawag sa harapan ng aming bahay, lumabas ako't nakita ko ang isang lalake, may pagkalaki ang katawan niya, may kulay ang buhok, parang medyo dirty gold, at naka-uniform ng isang college na may pagkalayo mula sa amin.


"Um, ikaw si Kylan?" tanong niya sa akin. "Ah- opo." sagot ko naman at pinapasok ko siya. Pagdating namin sa loob ay nagtanong ako, "Ikaw po si... Arin?" tanong ko't tumango siya sabay ngiti. Ngayon ko lang napansin ang kapal ng buhok niya, pero naka-slicked back at parang undercut din.


Matapos niya akong ngitian ay nagtanong siya, "Pasensya na medyo natagalan ako sa pagdating. Nasan magulang mo?" at ang sagot ko naman, "Ay. Madalas lang sila umuuwi sa bahay. Halos weekend lang. Si tita naman buong araw nasa palengke nagtitinda ng bigas kaya gabi na siya umuuwi." paliwanag ko.


"Ah, ganun ba? Ano? Gusto mo na magsimula?" tanong niya. "M-magsimula saan?" tanong ko naman. "Ede magreview." sagot niya't nalunok ko ang mga salita ko. "S-sige. Akyat tayo dun sa kwarto ko..." sabi ko since ayoko dito nag-aaral, ang panget ng ere. Tumango siya't umakyat kami sa kwarto.


Halatang may kaonting gulat siya ng nakita niya ang kwarto ko, may carpet at maliit na lamesa, katabi ang kama at ang cabinet ko at katabi rin ng kama ko ay ang bintana na may maliit na balcony. Sa harapan ay ang TV at sa tabi nito ay ang malaking cabinet at ang aking study table.


Umupo kami sa carpet at ibinaba niya ang kanyang bag sa kanyang tabi at tsaka nagtanong, "Saang mga subjects ka ba nahihirapan?" tanong niya. Pinagpawisan ako ng kaonti sa tanong pero sinagot ko ito sa katotohanan, "L-lahat... ano kasi, galing ako sa public tapos... simula nung naging ganito buhay namin, nalipat ako sa private eh... hindi ko naman akalain na ganun kahirap yung mga lesson..." sagot ko.


"Ahh, ganun ba? Eh ganun talaga, mahirap mag-adjust. Binibigyan ka lang naman ng magulang mo ng magandang edukasyon eh." paliwanag niya. Siguro nga...


Inutusan niya akong kunin ang lahat ng libro ko't notebook at kinuha ko na ang bag ko't inilabas ang lahat ng ito. Ilang minuto ang limupas habang tinitingnan niya ang bawat notebook ko, kaya hindi ko maiwasan na tumingin sa kanyang mukha.


Maganda yung skin tone niya, hindi masyadong maputi at hindi masyadong maitim, tamang tama lang, pang-model din ang mukha niya. "-?" Hindi ko namalayan na ang tagal kong nakatitig sa kanya ay nanlaki na ang mga mata niya sa akin at nagtanog, "Hm? Ano yun?" tanong niya.


Nag-udyat sa akin ito't nagulat din at singot, "Ah-ah! Wala wala." sabi ko at bumalik siya sa pagtingin ng aking mga notebook. Napa-urong ako't napatingin ulit sa kanya, pagtitig ko pa lang ay nag-iinit na ang mukha ko, hindi k mapigilang purihin ang itsura niya, pero hindi naman ako magugulat kapag may girlfriend na siya.


Teka-! Ano ba naman 'tong iniisip ko!? Hay naman oh... parang naman first time kong nakakita ng ganito kagwapo't nababakla na ako sa kanya. Eh halata naman ata na habulin siya ng mga babae't bakla.


"Okay." sabi niya ng sinara niya ang mga notebook. "Oo nga, nahihirapan ka nga mag-adjust. Saan ka ba galing na gradeschool?" tanong niya't ng binigay ko ang sagot, "Ay talaga? Dun din ako nag-aral nung ka-edad kita!" sabi niya na nagpalaki ng mga mata ko sa gulat.


"Ede medyo madadalian nalang 'to. Ganto, start tayo saan? Anong gusto mong unahin?" tanong niya. "Sa... Filipino." sagot ko naman at kinuha niya ang libro ko tsaka ang notebook at nagsimula ang pagtututor. Kainis, halos nawawalan ako ng focus sa bawat bigkas ng salita niya, nakakalalaki rin ito.


Siguro napansin niya na na nadidistract ako sa tanong niya na, "Okay ka lang? Kanina pa namumula yung mukha mo. May lagnat ka?" tanong niya. "Ay- hinde hinde... wala. Ano, um, sige, tuloy na natin." at ipinagpatuloy na namin ang pagututor. Kung ganito ang mangyayari araw-araw ay talaga ba namang hindi na ako makakapag-improve pa.


Natapos ang dalawang oras namin at nagpaalam na si Arin sa akin. "Bukas may pasok ka diba?" sabi niya sabay banggit ng school ko. "Maaga naman ang uwi ko bukas, gusto mo kain muna tayo sa labas bago tayo magreview?" inaya niya ako't ngumit. Nagliwanag ang paningin ko dahil sa ngiti niya. "S-sige." sagot ko't nagbigayan kami ng number.


Pagbalik ko sa kwarto nag-init ang buong mukha ko, hindi ko naman aakalain na magiging ganito ang sitwasyon ko. Shet. Aaminin ko na certified crush ko na siya. Actually nga parang foreigner ang itsura talaga niya. Hindi ko masyadong madescribe pero talagang pang-artista.


Dumating ang susunod na araw at pumunta na ako sa school at nag-aral na. Natapos ang araw at narinig ko ang isang notif sa phone ko. Nagtext si kuya Arin sabi kasasakay lang daw niya sa jeep at papunta na raw siya ang reply ko kalalabas ko lang sa school. Naghintay ako sa waiting area na muna't nakasalubong sina Gian at Fred. "Uwi na kayo?" tanong ko. "Kakain kami proben. Sama ka?" tanong ni Gian.


"Ay- hindi na, may hinihintay ako." sabi ko naman at nagpaalam na sila't umalis. Ilang minuto lamang ay nagring ang phone ko. "Nasan ka?" biglang dinig ko mula sa tawag ni kuya Arin. "Nasa waiting area ako." sagot ko. "Sige sige, pababa pa lang ako." sabi niya't binaba ang tawag.


Ilang minuto pa't nakita ko si kuya Arin na nagmula sa tunnel at nagtungo sa waiting area. Parehas ang itsura niya mula kahapon, ang kaso nga lang ngayon, shet ang daming mga mata ang nasa kanya. Nang lumapit siya sa akin pinakita niya yung malaki niyang ngiti sabay tanong ng, "Tara?" at tumango na ako. Habang papaalis kami talagang napakarami na titig ang nakatingin sa amin dahil kay kuya Arin.


Hindi ko naman siya masisisi na ganyan itsura niya. "San mo gusto kumain?" tanong niya. "Kahit saan..." sagot ko naman ng may narinig akong may tumawag sa akin. "Kylan!" pagtalikod ko nakita ko sila Niel, Pam, Grace at si Maya. "Saan punta mo?" tanong ni Pam. "Ah- kakain kami." sagot ko. "Pinsan mo?" tanong ni Maya sabay tingin nila kay Arin.


"Ah. Si-" bago ko masabi ay siningit ni Arin ang salitang, "Arin. Private tutor niya." sagot ni Arin. "Ay talaga? Nako, baka naman pede rin kami magpatutor." sabi ni Grace na nagpabuntong-hininga si Niel. "Pasensya na po kayo, ganyang talaga sila." sabi ni Niel.


"Okay lang, kaso kay Kylan na'ko eh." sabi niya't tumawa sila. "Hindi joke lang. Kylan minsan ayain mo naman kami sa bahay niyo ah." sabi ni Pam at tumango ako't nagpaalam na sa kanila.


"Pagpasensyahan mo na yung dalawang yun..." sabi ko. "Okay lang." sabi niya't linagay ang kamay niya sa aking ulo't ginulo ang aking buhok. "Tsaka totoo naman yung sinabi ko sa kanila." sabi niya na nagpaduda sa akin, kung sa akin lang siya oh ako'y sa kanya. Sa ngayon, hinayaan ko na lamang ito.

Z.E.L. Short Stories Vol. 1 [COMPLETE]Where stories live. Discover now