The Hugot Prince as the Stalker? Part 2

2.9K 40 0
                                    

Dumating ang Sabado at nagtext sa akin si Andrew, sabi niya ay nasa harap na raw siya ng main campus gate, habang ako naman ay pababa pa lamang ng elevator mula sa dorm. Paglabas ko ay dumeretso na agad ako sa tagpuan. Suot ko ay isang black na maong, plain white shirt, denim na polo at brown na sapatos.


Pagdating ko sa tagpuan na halos patakbo na ay hinabol ko ang hininga ko ng tumigil ako sa harapan ni Andrew. "Hi, Greyson." bati niya. "H-hi... pasensya na..." sabi ko naman habang hinahabol ang hininga. "Okay lang yun. Ano? Tara na?" tanong niya ng may ngiti't tumayo na ako ng maayos at tumango.


Pinagmasdan ko ang kanyang kasuotan. Medyo malamig ngayon kaya sakto lang ang kanyang pananamit. Black na shirt checkered shirt na may design at maong, tsaka sapatos. Simple pero nakakakuha ng mga mata't atensyon. Hindi ko maiwasang hangaan ang kanyang fashion sense.


Nakarating kami sa isang mall at nagsimula ang tinatawag niyang, 'date'. Tanong niya sa akin habang naglalakad patungo kung saan maraming restaurant. "Saan mo gusto kumain?" at ang sagot ko naman. "A-ayoko ng may kanin kaya... siguro kahit saan na may pizza o kaya pasta..." sabi ko naman. "Ay ganun ba? Sige, tara." sabi niya't biglang hawak ng aking kamay at hinila ako patungo sa gusto niyang restaurant.


Malaki ang kamay niya, at medyo nagulat ako na malambot ito. Nang sumunod na ako sa kanya ay nakarating kami sa isang pizza parlor at dun kami kumain. Nakakuha kami ng isang pang-dalawahang table at nagsimulang mag-order.


Pagkatapos ay nagsimula na rin kami kumain ng dumating ang aming pagkain. Tahimik kaming kumakain hanggang sa nagtanong siya, "Ano gusto mo nga palang panuorin mamaya?" tanong niya.


"... Actaully... may gusto nga akong panuorin." sabi ko naman. "Ay talaga? Sige yun panoorin natin mamaya." sabi niya't ngumiti at napatango ako. Yung ngiti na yun, muli ko nanaman itong nakita hanggang sa sinubukan kong tanungin ang medyo awkward na tanong, "... Tanong ko lang... ano... bakit... gusto mong lumabas kasama ako?" tanong ko.


"...?" Napatingin siya ng may paggulo sa kanyang ulo, "... I mean- um, sa lahat ng tao, bakit ako ang gusto mong ilabas?" tanong ko ulit. "Ah. Simple lang. Bukod sa sabi ng mga kaibigan ko na may itsura ka, akala ko nung una ikaw yung taong may pagka-bitter sa pag-ibig since hugot nga kamo pero hindi sawi sa pag-ibig..." nagkamali siya dun. "Pero nakukuha mo yung atensyon ko ng pinag-uusapan ka namin ng mga kaibigan ko." sabi niya.


"... So pinag-uusapan niyo 'ko?" tanong ko ng kunwari na nagdududa. "Ah- eh, hindi naman kami nang-babackstab, iniidolo ka nga nila eh." sabi naman niya't tumango ako habang pinagpapatuloy ang pagkain.


Sunod naman niyang sinabi ay, "Pero bukod pa dun... cute ka naman sa personal at napakabait." sabi niya't ngumiti sa akin. Nag-init ng kaonti ang aking mukha't linayo ang aking tingin. Ngumisi siya't ipinagpatuloy ang kanynag pagngiti sa akin. "... Ubusin mo na yung kinakain mo." sabi ko.


"Oo sige." sabi niya't tumawa ng kaonti bago tapusin ang kanyang pagkain.


Pagkatapos ay dumating na kami sa sinehan at pumila para sa ticket. "... G-greyson." tawag niya, nakita ko na may tinuturo siya sa arcade. "... Sorry..." nakita ko ang mga kaibigan niya. "Sure nandito yang mga yan dahil sa atin... kung gusto mo, kausapin ko muna sila-" sabi niya habang papaalis pero isang hakbang pa lamang ay pinigil ko siya sa pagkapit sa kanyang polo.


Linayo ko ang tingin ko dahil sa hiya't sinabi, "... W-wag na... okay lang..." hindi ko namalayan na nag-iinit ang mukha ko sa ginawa niya. "... Ganun ba? Sige." sabi niya't ngumis at bumalik sa pila sa tabi ko. Naramdaman ko ang kamay niya na may pagnanais na hawakan ang akin.


Z.E.L. Short Stories Vol. 1 [COMPLETE]Where stories live. Discover now