Promise, Magkikita Tayo Muli Part 1

6K 51 0
                                    

| Copyright Disclaimer: This story is submitted by Untold Pinoy M2M Stories' admin, Mr. Martinez.|

Malungkot ang buhay kapag ang magulang mo ay okupado sa trabaho. Wala ka masyandong oras para maki-sama sa kanila, makakain ng sabay, mag-simba, o kaya matulog.

Isa na ako sa biktima ng mga ganyan, ang pangalan ko ay David, Dave para maiksi ng kaonti. Ang nanay ko ay isang call center agent sa gabi at ang tatay ko naman ay engineer sa ibang bansa, pinapadala niya lagi kami ng malaking pera bawat linggo, ang lolo ko naman ay nasa bahay rin namin pero, mahina't may edad na siya, hindi raw sapat at mahihirapan pa siyang alagaan ako.

'Di ko masyadong nakakasama ang nanay ko kasi pagkatapos ng school ay may tutor ako, matatapos ito ng hanggang 3 or 4, at pag-uwi ko paalis na agad si nanay.

Tinuruan niya ako atupagin ang mga gawaing bahay, pero hindi ito sapat, delikado, only child lamang kasi ako.

Kaya naman, nag-hire sila ng yaya para sa akin, pero lalaki, para raw maka-laro ko siya ng masinsinan at maka-usap ng maayos.

Ang sabi kasi mas maganda na kausap ng bata ay ang kaparehas ang kasarian.

Doon ko nakilala si Kuya Hans noong 10 years old ako, kayumangging kulay, gwapo, at matangkad.

"O, Dave, maging mabait ka ha. Love you, bye." ang huling salita ni nanay at hinalikan ang aking ulo't umalis na.

"Okay po, 'Nay!" ang sabi ko't umalis na siya ng bahay para magtrabaho.

Napatingin ako sa matangkad na lalaki, hindi ko pa alam ang kanyang pangalan noon hanggat sa sinabi niyang, "Ikaw pala si Dave. Ako si Hansel, kahit Kuya Hans nalang." ang sabi niya.

"Kuya Hans... ay- opo, ako po si David, kahit Dave nalang din po." ang sabi ko ng may ngiti.

Hinaplos niya yung ulo ko na parang magulang.

Yun yung simula ng pagkakaibigan namin, kapag gumagawa siya ng gawaing bahay, tumutulong ako. Ginagawa ko ng maayos yung homeworks ko, ginagalingan ko sa test, pati yung pagperform ko sa school nag-improve dahil sa kanya.

Malaking pasasalamat ang gusto kong ibigay kay Kuya Hans, kaya napag-isipan kong gumawa o bumili ng regalo para sa kanya, sabi ng nanay ko, sa isang linggo kaarawan ni Kuya Hans, pero wala siya sa bahay, bibisita lamang sa pamilya.

Dito na kasi tumitira si Kuya Hans sa Quezon City, babalik pa siya sa Tarlac kung saan nandun yung pamilya niya, pero babalik naman agad sa susunod na araw.

Makalipas nga ang isang linggo ay nagpaalam si Kuya Hans, umuwi siya nung hapon bago ang kaarawan niya.

Ang sabi ko kay nanay, maghanda kami kahit papaano. Kaya nagluto kami ng spaghetti noong susunod na araw at bumili ng ice cream.

Ang tinanong ko kay nanay, "'Nay, ano po ba magandang regalo kay Kuya Hans?" ang tanong ko.

"Eh ano ba ang mga interes niya?" ang tanong naman niya.

Napa-isip ako, kung manonood kami ng tv, ang pinapanood ko lagi basketball, siya naman football. Kung ako FIBA, siya FIFA.

"Pinapanood niya po yung mga sinisipa yung bola." ang sabi ko.

"Ah, eh alam na natin ang bibilhin natin. Tara, bihis ka na, bili tayo ng regalo kay Kuya Hans mo." ang sabi niya ng may ngiti.

Lumiwanag ang kalooban ko't napangiti na rin at nagbihis sa aking kwarto. Pagkatapos magbihis ay sumakay na kami ng kotse't pumunta sa North Edsa para bumili ng regalo.

Pumunta kami sa isang Sports Store at bumili nung Soccer Ball.

Ang tanong ng saleslady, "Para po ba sa kanya, ma'am?"

Z.E.L. Short Stories Vol. 1 [COMPLETE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ