Promise, Magkikita Tayo Ulit Part 3

3K 41 0
                                    

|Copyright Disclaimer: This story was originally submitted by Untold Pinoy M2M Stories' FB page admin|


Lumipas ang gabi, simula na ng summer vacation. Wala ng mga hassle na subjects, knowledge overload at iba pang tungkol sa pag-aaral. Nagplano kami nina nanay at ni lolo na pumunta sa isang resort para mag-swimming.


Bumili kaming tatlo ng mga gamit na kailangan namin. Matapos ay naghanda na kami, overnight kami sa resort sa manila, medyo mahaba nga angbyahe, pero worth it. Malaki ang binaon ni nanay na pera, kasi mamahalin daw sa pupuntahan namin, pinadalhan na nga rin daw kami ni tatay ng malaking pera.

Tatlong araw at dalawang gabi kami sa resort na yun. Gumanap ang Lunes, kung saan kami bumili ng gamit at naghanda, maaga raw kasi kami pupunta run, mga 7 alis na agad kami.

Si nanay nasa kwarto niya, matutulog na raw siya, baka hindi pa raw siya makatulog dahil sa excitement, pati na rin si lolo. Naghahanda pa rin ako ng gamit ko sa kwarto ko, dinala ko lahat ng kailangan ko.

Damit, towel, lotion, goggles, at pati na rin syempre swimming trunks. 'Di naman gaanong nagtagal ay natapos ko ng ihanda ito sa dalawang bag at ilinagay sa gilid ng aking kama.

Humiga na ako sa kama pagkatapos ko mag-tooth brush at maghilamos.

Excited naman ako bukas, pero sana naman makasama ko pa rin si Kuya Hans sa kwarto, dalawang kwarto kasi ang aming kukunin. Sa tingin ko naman ay papayag si nanay.

Natulog na ako't lumipas ang gabi. Siguro bago mag-six ay ginising na ako ni Kuya Hans. "Dave, gising na." ang pa-ulit-ulit niyang bigkas at ako'y nagising naman.

Kumain na kaming apat sa baba. Pagkatapos ay naligo't naghanda. Pumunta na kami sa kotse ni nanay. Nasa likod kami ni Kuya Hans, at si lolo naman pati si nanay ay nasa harapan.

Inaantok pa rin ako, nakikinig ako ng mga tugtugin ng naka-headset habang nakatingin sa bintana. Ang madalang kong nakikita ay ang mga taong nag-jojogging at ibang naka-bike.

'Di ko masyadong maibukas ang mata ko't humihigab pa ako. "... Gusto mo tulog ka muna. Tagal pa biyahe natin." ang sabi sa akin ni kuya Hans ng may ngiti.

Hindi ako sumagot pero tumango ako't napatingin sa kanya. Sinandal ko yung ulo ko sa bintana't pinikit ang mata ko. Hindi nagtagal ay nahirapan ako, malakas ang paggalaw ng kotse. Mahirap.

"... Dito ka oh." ang sabi ni Kuya Hans ng hinila niya yung gilid ng mukha ko't pinahiga sa kanyang dalawang hita. Masarap matulog, patag man ito pero okay na rin naman, kaya natulog na ulit ako.

Matagal nga naman ang biyahe pero sa tulog ko parang ilang segundo lamang ito. Nakarating kami sa resort at nag-park na pagkatapos ako gisingin ni Kuya Hans.

Pagpunta namin. "Oh tara na. Check-in na tayo sa hotel tapos mag-ayos para sa lunch at mag-swimming pagkatapos." ang sabi ni nanay at pumunta na kami sa hotel.

Nakarating kami sa lounge, napaka-luxurious ng design, pang-mayaman talaga. Napatingin ako sa paligid habang kinaka-usap ni nanay ang babae sa counter.

Matapos naman ay binigyan niya kami ng isang susi ng kwarto. "Hans, ikaw na bahala kay Dave ha? At ako na bahala kay tatay." ang sabi naman ni nanay. "Opo, ma'am." ang sagot naman ni Kuya Hans.

Napangiti ako ng makakasama ko si Kuya Hans sa isang kwarto. Parang gabi lang pero separate beds, pero okay lang. Umakyat na kami at pumunta na sa kwarto namin.

Ibinaba ko yung bag ko at inayos ang mga damit na laman nito. Parehas kami ng ginagawa ni kuya Hans. Pero ako nag-trunks na't nagt-shirt na. Si Kuya Hans din.

Z.E.L. Short Stories Vol. 1 [COMPLETE]Where stories live. Discover now