The Hugot Prince as the Stalker? Part 1

5.8K 48 3
                                    

"Ano? Stalk?" tanong ko. "Oo, isa-stalk mo si Andrew." sabi sa akin. "Teka- sinong Andew?" tanong ko muli. "Sino pa bang Andrew pinag-uusapan natin? Siya lang naman ang may pinaka-kilala dito sa University dahil sa kanyang kagwapuhan, maraming girlfriend, pero marami hindi rin nagtagal. Ang mission mo ngayon ay istalk siya at malaman kung bakit hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon." sabi sa akin ng president ng newspaper club.


"Teka- bakit hindi ko nalang itanong?" reklamo ko. "Ede kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit siya ang pinili natin lagot tayo diba?" tanong niya muli. Sa bagay, kapag tinanong ko talagang mahahalata niya ang rason since siya ang may pinakamaraming relasyon na hindi nag-work out, malalagot talaga kami, "S-siguro nga..."


Ngumiti si pres at sinabi, "Okay. Start ka na ngayon." sabi niya. "H-ha?! Ngayon na?" tanong ko muli. "Oo, ngayon. Deadline mo is one month alongside yung article. Ikaw ang ace pagdating sa pag-ibig, Greyson Dominic Ardahe, a.k.a. Hugot Prince." sabi ni pres sabay turo sa akin.


Napabuntong hininga ako't sinabi, "Sige na nga. Pahiram ng basic profile niya muna. At least basic information man lang tungkol sa kanya." sabi ko naman. "Granted. Nasa table mo na siya kanina pa." bumaba mula sa aking pisngi ang isang malamig na tulo ng pawis at tumungo na ako sa table ko't sinimulang tingnan ang nasa profile.


"Andrew Rogelio Williams... Half-Brittish pala siya..." banggit ko't nakita ko ang kanyang 1x1 picture sa papel na nakadikit. Black ang buhok, undercut, yung facial hair niya katulad ng kay Adam Levine... halata ang pagka-brown ng mga mata niya. Matapos ay tumingin ako sa academical background at sumunod ang family at iba pa. Pagkatapos ay kinuha ko ang isang maliit na notebook na nakalagay, 'For investigation of article'. At kinuha ito, may isang blue na ballpen din.


"Salamat pres!" sigaw ko kahit alam ko naman dinig na dinig niya ako.


Umalis ako sa table ko't umalis na ng club room, "Oh? Investigation phase na?" tanong sa akin ni Alfred, ang isa sa in charge sa printing. "Teka, ito oh. Schedule ng klase ni Andrew, baka makatulong." sabi sa akin ni Alfred sabay abot ng isang maliit na papel.


"Salamat, at oo. Mas maganda nang matapos ko 'to agad." sabi ko naman at umalis ng building. Nagtungo ako sa college building kung nasaan nag-aaral si Andrew, at salamat sa bigay na impormasyon ni Alfred sa akin ay binigay niya sa akin ang sched ni Andrew.


Pagdating ko sa building nila ay umupo lang muna ako sa labas kung saan may ilang kotse at ilang parang may parang cone na bubong at upuan sa ilalim. May ilang estudyante na galing sa college na yun at ako lang ang mag-isang nag-iiba na uniform.


Ayon sa schedule ay paalis na si Andrew dapat ng building. Ilang minuto ay nakita ko na ang mukha niya, may kasama siyang limang kaibigan at isang babae ay kaakbay niya. Nagsimula akong magtake-down ng notes at sumunod sa kanila. Pumunta sila sa isang fast food restaurant para mag-merienda. Nasa kabilang dulo sila nakapila habang ako ay nasa isang side rin malayo sa kanila.


Pasalamat nalang malakas ang pandinig ko, hanggang sa dulo ng restaurant naririnig ko yung pinag-uusapan. Ang weird pero siguro ito yung naging dahilan kung bakit ako inassign ni pres at kung bakit din ako nakapasok sa club.


Ilang sandali pa ay nanguna pa silang makapag-order kaysa sa akin. Ilang sandali ay sa taas sila umakyat, kailangan kong bilisan kung gusto kong makakuha ng upuan sa taas. Nang nag-order na ako ay tumungo na agad ako sa taas ng nasa kamay ko ang tray ang aking pagkain.

Z.E.L. Short Stories Vol. 1 [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt