Service Part 2

5K 59 3
                                    

Ilang minuto ang lumipas at nakatitig lang ang ako sa nattulog na mukha ni Ethen. Tinakpan ko ang aking umbok ng maramdaman ko na unti unti akong naninigas sa katititig lang sa kanyang mukha.


Napakagwapo, may pagkamalaki ang katawan... sino ba naman hindi nahuhulog sa taong ito...?


Napabuntong-hininga ako't inilabas ang aking phone para aliwin ang sarili ko. Nagpatugtog ako ng music mula sa phone at ang una pa talagang kanta na tumugtog ay "Paano" ni Gary V. medyo hininaan ko lamang ang volume para hindi masyadong maingay at hindi siya magising.


Lumilipas ang mga oras at mahimbing pa rin ang tulog ni Ethen habang pinapalitan ko ang malamig na towel mula sa kanyang ulo bawat sampung minuto. Pinapanood ko lamang ang ulan sa labas ng hindi ko namalayan na 11:30 na pala. Kailangan ko na maghanda ng tanghalian man lang.


Nagtungo ako sa kusina ng bahay niya't nakita ang maraming mga plato na hindi man lang nahuhugasan at ilang mga plastic na laman lang ay puro basura, pero wala ako masyadong naaamoy na mabaho. Napabuntong-hininga ako't nagsimulang magluto na muna bago ko linisin ang lahat ng ito.


Binuksan ko ang ref, ang daming mga pampulutan at marami rin na karne, lahat mababango pa ang amoy, fresh. Hindi ko lang alam kung bakit napakarami na ito ay siya lang ang nakabibili. Nagduda ako ng kaonti't tiningnan na ang mga kakailanganin ko. 


Kailangan niya ng sustansya, at least dapat may karne nga ang  gagawin kong soup. Nagsimula na akong gumawa't lumipas lamang ang ilang minuto ay narinig ko na nagbukas ang pinto ng kwarto ni Ethen, pumunta ako agad dito't nakita ko siya na walang shirt at naka-shorts lang, puno ng pawis ang kanyang katawan.


"-!" Nanlaki ang mga mata ko't napatitig sa kanyang nagpapawis na katawan. "...?" Napatitig sa akin si Ethen at napansin ko na nakatitig pa rin pala ako kaya linayo ko ang tingin ko at nagtanong, "O-okay ka na...?" tanong ko. "Medyo... nahihilo pa rin ako..." sagot niya. "Ah- ano, nagluluto ako ng tanghalian. Higa ka muna sa sala." sabi ko't nakatanggap ako ng isang, "Sige." at humiga siya sa sopa.


Bumalik na ako sa kusina't ipinagpatuloy ang aking pagluto ng tanghalian niya. Kinuha ko mula sa kanyang kwarto ang towel at yung lalagyan ng malamig na tubig. Ibinabad ko ang towel sa malamig na tubig, piniga't ipinatong ito sa noo ng nakahigang Ethen.


Natapos akong gumawa ng tanghalian at pinakain ko na si Ethen. Pinaupo ko siya't binuksan muna ang TV tsaka hininaan ang electric fan bago ko siya pinakain. Habang kumakain siya ay nagtungo na ako sa kusina para linisin ang lahatng mga plato't iba pang pangkusina na gamit.


Habang naglilinis ako matapos ang ilang mga minuto, bumalik si Ethen sa kusina dala ang bowl ng soup na binigay ko kanina. "Leonard oh." sabi niya't ibinigay sa akin ang bowl at lininis ko na rin ito. Pinabalik ko na siya sa sala muna habang naglilinis pa ako, pero lumapit siya sa likod ko't sumandal sa akin.


Nagulat ako ng bumulong siya sa aking tenga, ramdam ko ang hangin na nilalabas niya. "... Leonard." bigkas niya't naramdaman ko ang kanyang mga kamay na ibinalot sa aking bewang at sumandal siya sa aking balikat. "...?" Naramdaman ko na gusto niyang maging komportable.


"E-ethen..." banggit ko't nakakuha ako ng urong bilang sagot. "Higa ka muna." sabi ko pero biglang sagot niya ay, "Mamaya na... kapag tapos ka na diyan." at ipinagpatuloy ko ang aking paghugas ng mga kagamitan hanggang sa iniligay ko ito sa mga cabinet at sinusundan niya pa rin ako't nakabalot pa rin ang kanyang kamay hanggang sa matapos ako.

Z.E.L. Short Stories Vol. 1 [COMPLETE]Where stories live. Discover now