Everyday Check Up Part 1

9.2K 91 2
                                    

Magandang Gabi po sa inyo, ako po si Austin, 24 years old, at ang storya ko is kung papaano ko nakilala ang naging forever ko.



Nagtransfer ako noong grumaduate ako ng Grade 6, 1st year High School, sa Manila na ako nag-aral, kasi raw, may kilala si Tita na nagtatrabaho malapit sa school na ito, at puwede ko raw siya makasama sa kanyang condominium, nakipag-usap na raw siya sa magulang niya at ang kapalit lang daw is housework, pumayag naman ako since dalawa lang daw kami at maaga naman ang uwi ko.


Pinakilala ako ni Tita ng pumunta kami sa isang hospital malapit sa school, at doon ko nakilala si Kuya Shane, Doctor Shane. Gwapo, halata, may balbas siya pero medyo trimmed, sa pagkaka-alala ko ang tawag dito ay stubble. Nagpunta kami sa office niya and wala naman siyang pasyente sa ngayon.


"Oh, Tita Ali, kamusta po kayo?" tanong niya.


"Ay nako, eto, ipa-aalaga ang pamangkin ko. Kailan ba end ng trabaho mo araw-araw?" tanong ni Tita.


"5:30 pm po kapag weekdays at 3:30 pm naman po kapag Sabado, sarado po kami ng Sunday." sabi niya.


"Ah, ay, mommy mo nga pala kamusta?" tanong naman ni tita.


"Nasa Batangas po nagtatrabaho, pinag-aaral pa po yung bunso." sagot naman niya.


"Austin, si Kuya Shane mo, siya ang makakasama mo habang nandito ka sa Manila." sabi ni Tita't nag-kamayan kami ni Shane.


"Um- S-salamat po at pinayagan niyo po akong tumira kasama kayo, paghuhusayan ko po ang paglilinis." sabi ko ng may kaonting kaba. Malinis at organisado kasi akong tao, sa bahay namin, lagi akong tumutulong kay tita sa paglaba't pagluluto kaya natutuhan ko rin maglinis ng kwarto araw-araw pagkatapos gumawa ng assignment.


"Walang anuman. Kailan ba pasok mo?" tanong niya.


"Sa susunod na linggo na po." sagot ko naman.


"Yung mga gamit mo?" tanong naman niya muli.


"Ayun nasa kotse sa labas, naghihintay si Antonio." sabi ni Tita, bigkas ng pangalan ng aming suki, si Tita kasi nagtitinda ng BBQ, isaw, hotdog, at iba pa.


"Ah, o sige po eh samahan ko na kayo since malapit na rin po naman ang pagtapos ng araw." sabi ni Shane at nagpaalam sa dalawang nurse, isang lalaki at isang babae.


Pagpunta namin sa condominium, expected na malaki ito pero expected din na hindi maliit ang room. Naka-isang oras kami matapos makapag-lipat ng gamit. Nasa labas kami ng condominium nagpapaalam sa isa't isa.


"Oh, ayan na Austin, magsisimula na yung pagbabago sa buhay mo, pakabait ka ha, laging sumunod sa utos ni Kuya Shane mo, kapag stress sa work, imasahe mo siya katulad ng tinuro ko sa'yo na ginagawa natin kay lola, lagin mag-rereview kapag may quiz lalo na kapag may test." Tanong ni Tita.


"Opo. Promise po, bibisita po ako kapag may oras po ako." sabi ko't yinakap ko siya. "Ingat ka ha, love you!" sabi niya't hinalikan ang aking noo't pumasok na sa kotse habang kumakaway. Nagkawayan kami ng paalam at tuluyan ng umalis si Tita at si Kuya Antonio.

Z.E.L. Short Stories Vol. 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon