Room'mate'? Part 2

6.5K 74 1
                                    

Sabay kaming pumunta sa school ni Riel pero hinatid ko na rin siya sa building niya at halatang maraming nagtitinginan sa amin hanggang sa umalis na ako at pumunta sa building ko. Matapos ay nakaratingna ako sa classroom at umupo sa upuan ko sabay higab ng malakas, at bigla na lamang tumabi si Ryan sabay sabi, "Medyo maaga ka ata ngayon? Madalas sakto ka ah." komento niya.


"Nagkataon lang siguro... tsaka hinatid ko pa kapatid mo sa building niya." sabi ko naman. "Ay weh- buti naman pala." sabay tawa pagkatapos. "Alagaan mo siya ah." sabi niya. "Baka nga siya pa mag-alaga sa akin eh." sabi ko naman. "... Hmm... sa bagay, matino naman siya. Basta, wag mo lang siya masyadong tamaan, sensitive yun." sabi ni Ryan. Sensitive? Medyo bihira sa lalake yun pero inilagay ko ito sa isip ko para matandaan ko ito.


Nang matapos ang school, pumunta na ako sa court para magpractice. "... Uy kwento ni Ryan sa akin kasama mo raw kapatid niya sa dorm?" tanong ni cap. "Ah- oo.." sagot ko naman. "Kaya naman pala.. ayun oh." sabi niya sabay turo sa mga upuan, mag-isa si Riel, nagsusulat at may ilang notebook, libro at isang tablet na nakalabas, gumagawa ata ng assignment o nag-aaral.


"Puntahan mo kung gusto mo." sabi ni cap. "Ah, kahit mamaya na. Nasa taas pa siya eh." sabi ko naman at nagpatuloy ang practice namin. Matapos ang ilang oras, halos inabot na ng five ng hapon at tsaka kami natapos. Nag-shower at bumalik sa court, may ilang player pa rin na naglalaro. Umakyat ako tsaka pinuntahan si Riel. "D'at sinabihan mo man lang ako na bibisita ka pala." sabi ko. "Ah eh... wala naman kasi akong magagawa mag-isa sa dorm tsaka... malamig din dito." bigkas niya.


Tumawa na lamang ako't ngumiti tsaka tinulungan siyang mag-ayos ng gamit. "Nag-aral ka?" tanong ko. "Oo, tsaka kumuha ng notes mula sa practice niyo." bigkas niya't napatingin ako sa kanya habang papalabas ng court. "Notes?" tanong ko. "Oo, ito oh." sabi niya sabay pakita ng isang maliit na notebook na puro sulat. "Tingin nga." sabi ko naman sabay kuha ng notebook at binasa ito.


"... Breathing Pattern: Synchronized. Eye Contact: Off by 50 degrees..." basa ko. "Ano 'to?" tanong ko. "Ah, iksabihin po niyan nung nasa inyo yung bola kanina yung mga mata niyo po halos lagpas kalahati lang ng kaya niyong makita ang tinitingnan niyo. Ang mata kasi 180 degrees halos ang sakop, eh mga nasa 120 - 130 lang ang tingin ninyo kaya hindi niyo napansin na libre si number 5 kanina kahit malapit siya sa out of bounds, kaya niya pa rin po idrive yung bola papunta sa ring." paliwanag niya na nagpalaki ng mga mata ko. Hindi ko naman akalain na ganun kalalim na pagkilatis ang ginawa niya.


"P-pati mata ko nakita mo...?" tanong ko naman, na medyo may kaba. "Oo... b-bakit...?" tanong niya habang lumayo ang tingin niya sa akin, nakita kong medyo namumula yung mukha niya ng tinanong niya ito sa akin. "Ala... hindi ko lang alam na mahilig ka pala tumitig..." sabi kong pabiro. "A-ano naman iksabihin nun?" tanong niya. "Ala. Tara, uwi na tayo." sabi ko sabay tawa at pumunta na kami sa dorm.


Pagdating namin sa dorm, "May damit ka naman na aabot hanggang sa Biyernes diba?" tanong ko. "Oo." sagot niya sabay ngiti.


Dumating ang weekend, at nagstay muna ako sa dorm dahil kinakailangan kong magpractice at mag-aral dahil may test daw sa Lunes. Nagtext si Riel na papunta na raw sila ni Ryan sa dorm kaya inayos ko na ang mga gamit ko para malagay niya ang sa kanya. 


Ilang minuto lamang ang lumipas at narinig ko na ang katok mula sa pinto ko. Pagbukas ko nito ay nakita ko si Ryan, si Riel at isa pang lalake. "Oy, Tristan, akala ko ba may laro ka ngayon?" tanong ni Ryan. "Ah, mamaya pang tanghali." sabi ko. "Sa bagay... 8 pa lang naman." pahiwatig ni Ryan at pumasok na sila at tsaka nag-ayos ng gamit ni Riel.

Z.E.L. Short Stories Vol. 1 [COMPLETE]Where stories live. Discover now