Hindi ko siya pinansin. "Tambayan n'yo din ba 'tong green house?"

"No."

"Edi pwede ako dito." taas-noong sabi ko bago umupo sa tapat niya. Malungkot naman siya. Ayoko siyang nalulungkot. "Ano bang nangyayari sayo? Bakit gano'n ang result ng exam mo?"

Simula middle school, pangalan palagi ni Jacin ang unang-una sa bulletin board. Palagi siya ang may pinakamataas na score sa exams at pinakamataas na grades. He has always been the highest one of our batch. Pero ngayon, kahit sa Highest 10, wala siya.

From number one, to number thirty-one.

The highest one now?

Si Ayu.

Alam ng buong Luxford, lalo na ng batch namin kung gaano ka-gustong talunin ni Ayu si Jacin. Isa sa dahilan kung bakit marami silang shippers, bukod sa pagiging perfect nilang dalawa ay away bati sila.

Middle school palang, palagi ng inaaway ni Ayu si Jacin. Academic or sports, madalas niyang hamunin si Jacin sa harap ng maraming tao, pero kahit minsan, hindi niya pa ito natalo. She's always under him, lalo na sa overall rankings. Palagi lang pangalawa si Ayu.

Kaya nga marami ang natuwa nang isang araw, bigla na lang silang nagkasundo. Nalaman na lang namin bigla na silang dalawa na pala! Noon pa man, kahit hindi pa sila official, marami na ang may gusto na magkatuluyan silang dalawa dahil sa cute na love-hate relationship nila.

"I don't give a damn, so just leave me alone." angil sa'kin ni Jacin.

Nagulat ako sa tono niya.

I shouldn't have asked him about his rank. Hindi naman ako pumunta dito para lang itanong sa kanya bakit bumaba siya bumaba. Alam ko naman na ang sagot. Alam naming lahat.

Dahil kay Ayu.

And he's still hurting because of her.

I want to comfort him, pero anong ginawa ko?

Alam kong kailangan niyang mapag-isa, pero palagi na lang siyang mag-isa. Hindi maganda ang palaging mag-isa, lalo pa ngayon sa sitwasyon niya.

Ayoko mang umalis, tumayo pa rin ako. Kailangan niya ng kasama at ng kausap, pero hindi ako 'yon.

Nakayuko akong lumabas ng greenhouse pero dumumog ako sa pader.

Tumingala ako at nasalubong ang mata ng leader ng Pyxis.

Dumumog pala ako sa balikat ni Noah! Kompleto rin ang Pyxis sa likod niya.

"Inunahan mo na yata kaming sermonan si Jacin?" nakangiting tanong ni Miles sa'kin bago seryosong bumaling kay Jacin, "We're not gonna leave you alone, Jace. Not again."

Mapait na ngumiti si Jacin, "Why? To shove it to my face that you were right about Ayu?"

Lumapit si Ice at hinawakan ang balikat ni Jacin, "Because we're your friends."

Sinukat nila ang tingin ng isa't isa. Bigla, marahas na inalis ni Jacin ang kamay ni Ice sa balikat niya at saka lumabas ng green house.

Halos sabay-sabay na napabuntong hininga ang anim na miyembro ng Pyxis.

Mukha wala silang balak sundan si Jacin kaya naglakas loob akong magtanong, "P-pwede ko ba siyang sundan?"

"Of course you can." sagot ni Ice, ngimiti siya sakin sa kabila ng ginawa ni Jacin sa kanya.

Nginitian din ako ni Noah, "Go on."

Lumakas ang loob ko. Tumango at ngumiti ako sa kanila bago tumakbo palabas ng green house. Hindi pa nakakalayo si Jacin kaya mabilis lang akong nakahabol. Wala pa akong sinasabi pero bigla na niya akong hinarap... at galit na yata talaga siya.

"Leave me alone, gusto kong mapag-isa. Hindi mo ba maintindihan 'yon?" Humugot pa siya ng hininga, "Look, I was really grateful that you took care of me when I got drunk. And I was sorry that Ayu hurt you and I owe you big time. But please, stop bugging me."

Gusto kong maiyak bigla. Nasobrahan na talaga ko sa pagfeeling close sa kanya. Sino ba naman ako? Does he even know me? Alam niya ang pangalan ko, iyon lang. Wala lang ako. Wala, lalo na sa mundo niya. Bakit ba hindi ko 'yon naisip agad? Sinundan-sundan ko pa siya dito.

Ramdam na ramdam kong anumang segundo ay tutulo na ang luha ko. Pilit ko na lang itong pinigilan. "I'm sorry. Masyado akong nag-alala kahit hindi naman dapat ako nag-aalala. I'll stop bugging you, but you should know, hindi mo dapat iniwan ang mga kaibigan mo. Nag-aalala lang din naman sila sa'yo, gaya ko. Alam kong mahal na mahal mo si Ayu, pero hindi pa naman katapusan ng mundo. You can always do something to get her back... pero please lang Jacin, 'wag mong pabayaan ang sarili mo."

Sandali akong tumingin sa taas para patuyuin ang luha ko bago nagpatuloy, "And you owe me nothing, dahil gusto ko naman talagang tulungan ka. Masaya ako dahil natulungan kita. Take care of yourself Jacin, at sana 'wag ka nang malungkot. Sorry kung masyado akong madaldal. I will pray for you and Ayu. Goodbye."

Tumalikod ako at muling tumakbo. Sakto dahil nagsunod sunod na ang pagpatak ng mga luha. Hanga na ko sa sarili ko dahil hindi ako naiyak sa harap ni Jacin. Muntik na, pero nakaya ko naman.

Nasa room na siguro si Roxy.

Hindi niya ko pwedeng makitang umiiyak, magagalit 'yon at mababatukan na naman ako. Hindi niya rin pwedeng malaman na si Jacin ang dahilan nang pag-iyak ko. Dumaan muna ako ng washroom para ibuhos ang natitira ko pang mga luha. They seem endless.

Tumingin ako sa salamin.

Magang-maga na ang mga mata ko. Maawa na sana ko sa sarili ko kung hindi ko lang naalala ang sinabi ni Roxy na imbis na kaawaan, mahalin at tanggapin ko na lang daw ang sarili ko.

Pinilit kong ngumiti kahit nagbabadya na naman ang mga luha.

Magkakasya na lang ulit ako sa pagtingin tingin kay Jacin sa malayo. Kaso lang ngayon, sigurado na 'kong hindi ka na talaga siya titingin pabalik.  


Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Where stories live. Discover now