"If you want to enjoy your high school life, 'wag na kayong lumipat sa A." Ayan ang madalas sabihin sa'min ng mga senior namin.

Pero gusto kong magpalipat doon, gusto kong maging classmate si Jacin. Kahit parang imposbile dahil hindi naman ako katalinuhan, I will still do my best!

Kay Roxy walang problema dahil matalino naman na talaga siya. Ako lang naman ang dahilan kung bakit siya nasa lower section eh. Ayaw niya akong iwan.

Isang buong linggo rin akong tinulungan ni Roxy sa mga gawain ko sa library tuwing dismissal, para mas mabilis akong matapos. Doon kami nag-aaral at nagre-review para sa exam hanggang sa sunduin na kami ni Tatay.


Dumating ang examination week, medyo confident ako dahil talagang pinaghandaan namin ni Roxy 'to. Punong-puno ng kaalaman ang utak ko, pero ang puso ko... (alam kong corny) walang laman. Hindi ko na naman kasi nakita si Jacin na isang buong linggo!

Wala akong inspirasyon. Sobrang nakakalungkot at nakakatamlay.

Parang mas ayos pa nga noong sila pa ni Ayu eh, palagi akong inspired dahil palagi ko siyang nakikita.

Kaysa ngayon, wala na nga siyang girlfriend, pahirapan naman na makita siya. Kapag nakikita ko pa siya, sobrang lungkot naman niya.


Friday comes, labasan ng scores at grades ng Highest 50 pero ni anino ni Jacin hindi ko pa rin nakikita! I won't see him for another week kaya kailangan ko siyang makita bago matapos ang araw na 'to. Tuwing matatapos kasi ang quarterly exam, may pahinga ang mga estudyante ng isang linggo bago magsimula ang panibagong quarter.

Kumpulan ang mga estudyante sa tapat ng bulletin board ng building namin. Lahat kami curious kung sino ang mga pumasok sa Highest 50, kahit na karaniwan naman na ang 40 students ng section A ang bumubuo sa listahan.

"Oh my gosh, Bes!" sigaw bigla ni Roxy, nakisingit-singit na rin kami sa kumpulan. "Si Jacin! I can't believe my eyes! Is this actually real?!"

Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya at tinitigan itong mabuti.

Totoo nga ba 'to?

Alam na kaya ito ni Jacin?

Sinadya niya ba 'to?

Napapikit ako ng mariin.

Pagdilat ko ay mabilis akong tumakbo.

"Andrea June! Saan ka pupunta?!" matinis na sigaw ni Roxy pero hindi ako tumigil.

Eto na naman ako. Hahanapin na naman siya na para bang may karapatan akong hanapin siya. I don't even know where to find him! Nagpunta ako sa classroom nila pero wala siya doon, tinakbo ko ang papuntang Pyxie Point pero walang pa rin siya, pati ang Pyxis ay wala doon.

Nasaan ba siya? Naka-park pa ang kotse niya sa Pyxie Point kaya siguradong nandito pa siya sa school.

Umihip ang hangin at naamoy ko bigla ang pabango niya. Sinundan ko ang mabangong amoy dahil siguradong dadalhin ako nito papunta sa kanya!

Sa katabing green house lang ng Pyxie Point nagmumula ang pabango.

Pumasok ako sa nakabukas na glass door. I can smell him. He's definitely here.

And there he is, naka-upo sa sementadong floor ng greenhouse, nakasandal sa mga paso ng halaman.

"Jacin!" I shout with joy. I found him!

Automatic na kumunot ang noo niya ng makita ako, "June?" Maglalakad sana ako palapit sa kanya pero muli siyang nagsalita. "Leave me alone... please." Pakiusap niya, pilit na tinatago ang lungkot sa boses at mga mata.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon