Break time naman ngayon kaya okay lang ang ginawa kong pagsigaw.

Magtatanong sana ko sa isa sa mga classmate niya kung pwede akong pumasok nang biglang may humawak sa balikat ko at tinulak ako pasandal sa pinto.

Sa lakas ng ginawa niya, nag-bounce back pa ito kasabay ng likod ko. Napapikit ako dahil sa sobrang sakit, lumagutok yata ang buto ko.

Pagdilat ko, ang masasamang tingin ni Ayu ang sumalubong sakin."Ikaw na naman? Sino ka ba? Anong ginagawa mo dito?"

"U-uhm..." Hindi ako makapagsalita sa sakit.

"Bakit hindi ka sumagot? Are you mute? Wala si Miles para sagutin ang mga tanong ko sayo."

"She doesn't have to answer you." sagot ni Jacin. Walang kahit anong emosyon ang mga mata niya habang nakatingin kay Ayu. "It's none of your business whoever she is." Hinawakan niya ang pulso ko ng hindi ako tinitingnan at hinatak ako palayo.

Hindi naman kami tumatakbo pero hinahabol ko ang paghinga ko. Ang bilis ng pintig ng puso ko.

Napatingin ako sa kamay ni Jacin na nakahawak sa pulso ko. Hindi ko maiwasang mapangiti kahit nanakit ang likod ko. Si Jacin... hinawakan ako.

Ang init ng kamay niya...

Lumingon ako pabalik sa classroom.

Nakatayo pa rin sa pwesto niya si Ayu at nakamasid samin. Kahit malayo na kami, nakita ko pa rin ang expression niya.

Nasasaktan siya.

Bakit? Mahal niya pa ba si Jacin? Bakit siya nakipag-hiwalay? Parehas silang nasasaktan ni Jacin dahil sa ginawa niya.

Mukhang totoo ang sinabi sa'kin noon ni Roxy. Complicated nga talaga ang love.

"Check her back." sabi ni Jacin sa nurse nang marating namin ang infirmary. Binitawan na niya ako pero nararamdaman ko pa rin ang init ng kamay niya sa pulso ko.

Pinapasok ako ng babaeng nurse sa isang kwarto. Pinahubad ang blazer at long sleeves ko upang makita niya raw ang likod ko. Pumuwesto siya sa likod ko, parang may kinakapa-kapa siya noong una at magtatanong kung saan ang parteng masakit, matapos 'yon ay hinawakan niya naman ang magkabilang balikat ko.

Hindi ko alam ang sunod niyang ginawa, basta napa-aray na lang ako ng malakas, kasabay ng muling paglagutok ng buto ko at nawala na ang sakit.

Ngumiti ang nurse, "Okay na."

"Salamat po." Sinuot ko ang damit ko at lumabas na.

Naghihintay sa'kin ang seryosong mukha ni Jacin, hindi man lang siya umupo. Nakatayo at nakasandal siya sa doorframe habang nakatingin sa labas.

Hindi siya dating ganyan tuwing nakikita ko sya. Hindi ganyan kaseryoso. Dati palaging may hint ng happiness sa mga mata niya.

"J-Jacin." Tawag ko, agad naman siyang lumingon. Hindi pa rin nagbabago ang expression.

"Okay na siya." sabi nang nurse sa likod ko, nginitian niya kami ni Jacin bago bumalik doon sa kwartong pinasukan namin kanina.

Lumakad ako palapit sa kanya at inabot sa kanya ang susi niya. "E-eto nga pala. Nasa kotse mo na rin 'yung coat na naiwan mo sa bahay."

Pwede bang 'wag mo nang kunin? Akin na lang para remembrance? Dahil baka pagkatapos nito wala na tayong dahilan para magkita. Wala na kong dahilan para kausapin ka. Wala na kong dahilan para pumunta ka sa room n'yo o kaya sa Pyxie Point

"Thanks." Wala pa ring emosyong sagot niya.

"Ikaw? O-okay ka lang ba? Isang linggo kang a-absent."

"I'm fine."

Pero hindi ako naniniwala.

"Hindi ka naman okay, e." sa sinabi ko, nagbago ng kaunti ang expression niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata na parang hindi niya inasahan ang sinabi ko. Ngumiti ako, "Hindi mo kailangang magsinungaling sa'kin dahil maiintindihan ko naman."

Hindi siya nakasagot dahil sa matinis na sumisigaw na boses palapit sa'min.

"BEEESSS!" sigaw ni Roxy, tumatakbo palapit samin. "Anong nangyari ha?! Ayos ka lang ba?! Sinaktan ka ba nang bruha?! Sabi ko kasi sa'yo sasamahan kita e! Kundi pa sakin sinabi ni Janine kanina na nakita ka niyang papuntang infirmary hindi ko pa malalaman!"

"Ayos na ako, Bes." sabi ko habang natatawa, ang OA niya talaga kahit kailan.

Hindi siya naniwala, sinipat niya pa ang katawan ko. "Ano ba kasing nangyari?! Sabi pa ni Janine kasama mo raw si Jacin?!"

Tumango ako.

Si Roxy naman biglang natigilan at dahan dahan na lumingon sa gilid ko, agad na nanlaki ang mata niya at natutop pa ang dalawang kamay sa bibig.

Natawa na naman tuloy ako.

"Your friend is fine." sabi ni Jacin kay Roxy. "I'm sorry, she was hurt because of me. I'll make sure it won't happen again."

Tumango lang si Roxy, mukhang gulat pa rin siya at hindi makapaniwala.

Iniwan na rin kami ni Jacin maya-maya. May kasama naman na daw ako. Hindi niya na din ako pinapasok sa susunod kong subject. Ipagpapa-alam niya raw kami ni Roxy.

Ang bait niya!

Okay naman na ako e. Wala na ang sakit ng likod ko. Pero dahil gusto ni Jacin na magpahinga pa ako, 'yon ang gagawin ko.

Pinayagan kami ng nurse na mag-stay sa isa sa mga infirmary rooms para makapagpahinga ako.

"Bibili lang ako ng pagkain bes ha. Dito ka lang. Papabantayan kita sa nurse. Mamaya puntahan ka pa ni Ayu dito e." bilin ni Roxy bago siya lumabas. Nakuwento ko na kasi sa kanya 'yung buong nangyari. "'Wag lang siyang magpapakita sakin dahil masasabunutan ko siyang bruha sya!" sabi pa ni Roxy kanina. Buti nga napakalma ko siya dahil balak niya talagang sugurin si Ayu kanina.

Napakislot ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto.

"Hi." He said with a faint smile.

"H-hello." Bati ko sa lalaking pumasok.

Lumapit siya at umupo sa upuan sa tabi ng infirmary bed.

"I heard about what happened, okay ka na ba talaga?"

Tumango ako.

May binigay siyang snacks sa table sa gilid ko. "You need to eat."

Ngumiti ako ng malawak. "Salamat, Miles."

"So, did you give Jacin a kiss?"

"H-ha?"

Natawa siya, dahil siguro sa nanlalaki kong mata. "Did you give Jacin his keys?"

"A-ah..." tumango ako. "Nabigay ko na sa kanya kanina."

Bigla ko tuloy naalala 'yung gabing lasing si Jacin... noong akala niya ako si Ayu. Hinalikan niya ko sa pisngi. Napayuko na lang ako dahil hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Kikiligin ba ko o masasaktan? Hinalikan niya nga ako, pero sa paga-akalang ako si Ayu.

I give him a smile, "Salamat sa pagiging mabait sakin."

"Mabait ako sa mababait kay Jacin." sabi niya habang tumatawa. "I don't know why, but I really like you for him."

"Y-you like me for him?"

Tumango siya at ngumiti. Nawala tuloy ang mga mata niya.

Sumaya ang puso ko dahil sa sinabi niya. Pwede kayang magustuhan din ako ni Jacin para sa sarili niya?

Nawala ang ngiti ko dahil sa panibagong naalala ko.

Nakangiti ng mapait si Jacin habang sinasabing, "Pero si Ayu lang ang gusto ko."

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon