"Bingi ka ba? I'm asking you kaya sumagot ka."

"U-uhm..."

Impit na naman akong napasigaw dahil may bigla umakbay sa'kin. "Didn't you break up with him already? Whoever drives his car is none of your business, Miss Perfect." pagbibigay diin pa ni Miles sa huling salita habang nakangiti.

Inirapan lang siya ni Ayu, "Hindi ikaw ang kinakausap ko." Tiningnan niya ko ng masama, "Sagutin mo ang tanong ko."

Hindi ako nakasagot dahil hinawakan ako ni Miles at inakay papunta sa Pyxie Point. Hindi na sumunod si Ayu, tiningnan lang kami ng masama at umalis na.

Ang bango bango dito! Naamoy ko si Jacin kahit wala naman siya. I can smell Miles' scent too, ang sarap sa ilong!

"You okay? Hindi naman niya sinaktan 'di ba?" tanong niya sakin habang nakanguso, naiinis pa rin yata dahil kay Ayu.

Ang cute-cute niya talaga! Gusto ko tuloy panggigilan ang chubby cheeks niya. Para din siyang mas bata kay Jacin dahil may pagka-baby face siya. Mas mataas din kasi si Jacin sa kanya.

Madalas kong nakikita si Miles na inaasar ng buong Pyxis dahil sa height at cuteness niya. Hindi naman siya maliit e, nasama lang talaga siya sa grupong mas matatangkad sa kanya. At malaking bulas kasi talaga si Jacin.

"Okay lang ako." nakangiting sagot ko. Ang cute-cute niya kasi!

"Madadaanan mo ba 'yung classroom ni Ayu?"

Umiling ako. "Hindi naman."

"That's good, hindi kita mahahatid e. May klase rin ako."

"Okay lang naman ako. Hindi mo ko kailangang ihatid."

"Baka mamaya abangan ka ni Ayu, ano pa gawin sa'yo."

Kinabahan ako bigla. "H-hindi naman siguro." Dinrive ko lang naman ang kotse ni Jacin! Wala akong ginagawang masama. At saka 'di ba break na sila? Nakipag-break na siya.

Tinext ko si Roxy para makasigurado ako. Laking gulat ko nang ilahad ni Miles ang cute niyang kamay para hiramin ang cellphone ko.

Hindi ako nakapagsalita, basta binigay ko lang sa kanya.

"I saved my number, don't hesitate to text me kapag nagkaproblema ka kay Ayu. Nakuha ko na din ang number mo." Akala ko ibabalik na niya sakin pero bigla siyang nag-type ulit. Nginisihan niya ko at itinaas baba ang mga kilay. "I'll save Jacin's number too, mas okay kung siya na lang ang itetext mo."

Magkakaroon ako ng number ni Jacin!

Ayoko sanang ipakita kay Miles na masayang-masaya ako sa sinabi nya pero hindi ko mapigilan ang mapangiti ng malawak.

Ang saya-saya ko lang kasi talaga!

Anong una kong itetext kay Jacin?

Kailangan ko ba siyang itext?

Sabi naman ni Miles kapag nagka-problema lang naman daw ako kay Ayu. Hindi ko naman pwedeng sadyain na magkaproblema kami ni Ayu. Masama 'yun!

"Oi, Miles Devane." sabi nang malaking boses.

Dahil masaya ako, hindi ako gaanong nagulat sa nagsalita.

Pero nang makita ko kung kaninog boses 'yon, halos mapatakip ako sa bibig ko.

Si Tyler Smith! Ang crush ni Roxy! At dalawang hakbang lang ang layo niya sakin! Maiinggit sa'kin si Roxys nito!

"Our class is about to start, stop flirting." seryosong sabi niya.

Napaka-gwapo ni Tyler! Kaya crush na crush siya ni Roxy, e!

Hindi nakasagot si Miles dahil sa sunud-sunod pagdatingan ng mga magagarang sasakyan. Sa isang iglap, complete attendance na ang Pyxis.

Isa-isa nagbabaan ang mga sakay nito at naglakad papunta sa'min. Makikita ko iba pang miyembro ng Pyxis sa malapitan! Hindi ako handa!

Kinakabahan ako. Palagi ko lang kasi silang nakikita sa malayo... ngayon eto sila, palapit sakin!

At ang tatangkad nila.

"Miles Devane!" sigaw ni Hunter. "Nambabae ka na naman! Isusumbong kita kay Sam."

Natatawang umiling si Miles, "Come on, hindi ako nambabae."

"Anong tawag mo sa kanya? Hindi ba babae 'yan?" tanong ni Aiden,

Pumunta si Miles sa likod ko, hinawakan ako sa magkabilang balikat at pinahakbang. "She was the one who took good care of our Jacin when we left him the other night at the bar."

"Why are you with her then?" tanong ulit ni Hunter,

"Hinatid nya 'yong kotse ni Jacin."

Pinakita ko naman 'yung susi ng kotse ni Jacin.

"Hindi ko maiwan dahil mainit ang mata ni Ayu sa kanya, kailangan niya ng bantay." Muling nag-type si Miles sa cellphone ko, habang parang may kinokopya sa cellphone niya. "I'll save their numbers too, i-text mo kaming lahat 'pag may ginawa sayo si Ayu."

Number ng buong Pyxis?! Totoo ba 'to? Baka naman nanaginip lang ako. Kay Jacink lang ang inasam ko, ngayon buong Pyxis meron ako. Baka mabatukan ako ni Roxy nito sa sobrang tuwa.

Wala man lang tumutol o nagreklamo sa kanila sa ginagawa ni Miles. Willing sila na ibigay sakin ang mga number nila. Baka maiyak ako sa sobrang pagka-touch.

"Don't give them to strangers." Miles says, handing my cellphone back.

Nanginginig ko itong kinuha bago tumango ng sunod-sunod.

"What's her name again?" tanong ni Noah sa kanya.

Miles smiles at me, gesturing me to answer their leader's question. "Andrea June... p-pwede pong June na lang."

Natawa sila sa sinabi ko. Nakakatawa ba 'yung pangalan ko?

"My hair may be white, pero hindi pa naman kami ganong katanda para mamupo ka." sabi sakin ni Ice habang humahagikgik. Isa pa siyang super cuteee!

"S-sorry."

"June." sabi ulit ni Noah, he slightly bows his head, "Thanks for taking care of our youngest."

At isa-isa na silang nagyukuan sa'kin! Napaurong tuloy ako.

Niyuyukuan ako ng Pyxis, ang grupo na kinatatakutan at hinahangaan hindi lang sa Luxford kundi pati na rin sa buong Galax City.

"Just wait for Jacin here. Parating na 'yon." sabi ni Miles bago sila umalis. Hindi naman ako mag-isa, kasama ko si Ice na natutulog na sa billiard table dahil tinatamad pa raw siyang pumasok.

Masaya kong pinanuod ang pagtulog niya habang hinihintay si Jacin.

Pero hindi siya dumating.



* * *

Note: Patawarin n'yo ako sa typos, ilang beses akong nagp-proof read but i just can't get rid of them all. :<

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Where stories live. Discover now