Special Chapter

32.8K 541 15
                                    


Ian pov

Kasalukuyang papasok na ako sa opisina pero nakaagaw ng aking pansin ang isang babae.

Simula ng makita ko siya ay inalam ko na ang lahat sa kanya at medyo nanghihinayang ako dahil ayaw pala niyang lumapit sa lalake kaya nagdecide ako na magpanggap na bakla.

Nang una medyo nahirapan ako dahil kailangan ko talagang mag-effort para mapansin ako ni Allyza at naguguilty ako dahil kahit si lolo ay naniwalang bakla ako kaya nagdesisyon ako na ipagpatuloy ito.

At sa aking pagpapanggap ay mas nakilala ko siya ng lubos kaya lalo akong nahulog sa kanya at hindi naman pala nasayang ang hirap ko dahil nakakasama ko siya.

Pero nasasaktan ako sa tuwing sinasabihan niya ako ng bakla dahil syempre masakit iyon sa ego ko pero no choice kailangan ipagpatuloy.

At masaya ako dahil kahit ano man ang masamang ginawa ko sa kanya dahil sa galit ay napatawad niya ako. Sobrang saya dahil hindi siya sumuko sa pagmamahalan naming dalawa.

"Hoy panget!! Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" nakasimangot na tanong sa akin ni Ally habang kumakain.

Kasalukuyang buntis siya sa pangatlo naminat masasabi ko ngang naging mas brutal siya dahil lagi niya akong kinukurot siguro dahil sa paglilihi niya.

"Wala lang baby." malambing na sabi ko ko sa kanya at yayakap na sana kaso pinalo ako nito sa braso.

"Wag mo akong mayakap-yakap dyan ha!! Siguro babae mo lang ang naiisip mo."galit na sabi nito kaya natawa nalang ako.

"Wala akong ibang babae baby. Ikaw lang sapat na."sabi ko sabay kindat kaya namula ito.

"Hay!! Kahit kelan ka talaga."umiiling-iling na sabi nito.

"I love you baby." sabi ko at hahalik na sana pero biglang..

"I love yo...ouch!!! Ang sakit!!"hirap na sabi nito kaya nataranta ako.

"Baby, anong nangyayari sayo?"nag-aalalang sabi ko.

"Obvious ba?? Syempre manganganak na ako." galit na sigaw nito kaya agad ko siyang binuhat.

Ang saya-saya ko talaga dahil kumpleto ang aming pamilya at may nadagdag pa. Salamat at mahal na mahal kita Allyza.




My Gay Friend Turn To My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now